CHAPTER III:

634 10 2
                                    

CHAPTER III:


Alas-diyes na pero wala pa rin 'yung baliw, gumising pa man din ako ng alas-otso para maglinis ng kwarto ko. Nakakahiya naman kasi kung makikita niyang magulo ang kwarto ko, balak ko kasing dito na lang kami gumawa para libre ko siyang mapapagalitan kapag may mali siyang nagawa.

Kanina pa ako tingin nang tingin sa relos ko. Hinanda ko na ang isang daang mga papel na susulatan niya at ballpen. Nagresearch na rin ako ng mga kailangan niyang isulat sa papel. Tapos ko nang ihanda ang lahat, isa na lang ang kulang, 'yung magsusulat.

Ora mismo pala ha? E bakit late siya? 'Di kaya tulog pa 'yon? Puntahan ko kaya at gisingin? Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Bakit ko kailangang puntahan at gisingin? Nakakahiya naman sa lola niya. Isa pa, baka isipin niyang gano'n ako kaatat na pumunta siya dito.

Nag-ikot ikot muna ako sa kwarto. Naiinip na ako. Mag-aalasonse na at wala pa siyang nasisimulan. Umupo na ako sa may study table ko, kinuha ko ang ballpen at nagsimula nang kumopya. Kailangan ko nang simulan 'to kundi, baka hindi siya matapos.

Nasa pang-limang page na ako na bond paper nang biglang may kumatok. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga sermon na sasabihin ko pero hindi ko pala kailangang manermon dahil si mama ang kumatok.

"Hunter, sabi mo may kaibigan kang pupunta 'di ba? Gagawa kayo ng project? Nasaan na siya? malapit nang magtanghalian, isasali ko ba siya sa pagsaing?" sunu-sunod na tanong sa 'kin ni mama.

"Hindi ko po alam e. Baka po maleleyt siya at after lunch pa makarating kaya 'wag mo na lang po isama sa pagsaing." Tumango lang si mama at lumabas na ng kwarto ko.

Badtrip! Ako rin 'ata ang gagawa nitong lahat, dapat kanina ko pang alas-otso sinimulan edi sana nakaka-kalahati na ako.

Sobrang sakit na ng kamay ko at para nang kinahig ng manok ang pagkakasuat ko sa bond paper. Nakaka-sampu pa lang ako sa loob ng isa't kalahating oras nang biglang may kumatok ulit at nang tiningnan ko kung sino 'yon ay para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa pagkadismaya, si mama lang pala. Akala ko pa naman ay si baliw na at makakapagpahinga na ang kamay ko.

"O? Bakit parang dismayado ka? Akala mo ako 'yung classmate mo? Nako! Baka may hindi na dadating 'yon. Itext mo kaya? Pero kumain ka muna," sabi ni mama. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto, sabay na kami ni mamang pumunta ng dining room.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat ako kaagad sa kwarto ko at dumungaw sa bintana. Kitang kita ko ang bahay ni- ano nga palang pangalan no'n? Basta ni baliw. tahimik ito at para bang walang tao, pero mukha ring meron dahil bukas ang bintana ng dalawang kwarto. Pasimple kong dinungaw ang dalawang kwarto at nakitang pareho itong walang laman. Nakapagtataka, bakit naman nila hinahayaang bukas ang bintana sa kwarto nila ng walang tao?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat inabot ako ng hanggang ala-sais at research report pa lang ang natatapos ko. May twenty pages pa akong sorry letter na kailangang gawin at sobrang sakit na ng kamay ko. Kapag nakita ko talaga 'yung baliw na 'yon bukas humanda siya sa 'kin. Makakatikim talaga sa 'kin 'yung talk shit na 'yon, papatulan ko talaga siya kahit babae pa siya. Tang ina kasi paasa.

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon