CHAPTER II:

774 14 9
                                    

CHAPTER II:

Paulit-ulit akong tumitingin sa relos ko. Nandito ako ngayon sa 7/11 at hinihintay ang babaeng baliw. Ngayon kasi ang usapan namin na babayaran niya 'yung inutang niyang 500 pesos kahapon. Bakit kasi hindi na lang niya binigay kahapon o kaya kanina, e magkapit-bahay lang namn kami.

Bumili ako ng slurpee at umupo muna habang nag-iintay. 15 minutes late na siyang late, hindi ba siya marunong tumingin ng oras? O wala lang siyang relos?

"Hunter?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ito at nakita si Jed. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito? Hindi niya ata kasama ang kapatid ko, madalas kasi kapag ganitong oras ay naglalampungan lang ang dalawang 'yon. Hindi kaya nag-away sila? Baka umiiyak na ang kapatid ko ngayon.

"Anong kailangan mo? Pinaiyak mo ba ang kapatid ko?" cold kong sabi at tiningnan siya ng masama.

"Whoaw! Chill pre. Hinanap lang talaga kita kasi may pinapasabi si Rice sa 'yo. Tumawag kasi sa bahay 'yung talyer na pinapagawaan mo ng sasakkyan, pinapapunta ka na do'n para kunin 'yung sasakyan mo."

"A gano'n ba?" walang gana kong sabi. Akala ko pinaiyak na niya ang kapatid ko.

"Oo. Ang paranoid mo talaga Hunter, paano naman sumagi sa isip mo na pinaiyak ko ang kapatid mo sa simpleng pagpunta ko dito?" tumatawa niyang sabi.

"Ewan ko sa 'yo, tara na nga." Tumayo na ako at dire-diretsong naglakad palabas ng 7/11 at dumeretso sa sasakyan ni Jed. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang biglang may pamilyar na nakakairitang boses ang tumawag sa 'kin.

"Kuya!" Buti naman at inabutan niya pa ako dito. Lumingon ako sa babaeng baliw at inilahad ang palad ko sa kaniya. Nagtataka naman niya itong tiningnan at hinawakan. The fvck? Ano ba ang inaakala niyang ibig sabihin ng paglahad ko ng kamay sa kaniya? Agad kong pinagbitaw ang mga kamay namin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" masungit kong tanong.

"Uhm, hinahawakan ang kamay mo? Bakit mo ba kasi nilahad 'yun?" Napailing na lang akok nang dahil sa katangahan ng babaeng baliw na 'to. Hindi ko alam kung tanga ba talaga siya o nagtatanga-tangahan lang e.

"Hindi ba halata? Hinihingi ko na 'yung bayad sa utang mo kahapon," sabi ko at inilahad ulit ang kamay ko sa kaniya.

"Ahh, 'yun ba? E kasi, kaya ba ng isang palad mo 'to?" Tinanggal niya ang backpack niya sa likod niya at nilapag ito sa sahig, binuksan at kinuha ang isang malaking piggy bank doon. Nanlaki naman ang mata ko dahil do'n. Seryoso ba siya d'yan?

"Pinagloloko mo ba ako?!" Alam kong pasigaw na ang pagkakasabi ko no'n kaya naman para siyang nagulat at nakita kong natakot siya sa akin. Marahan lang itong umiling bilang sagot.

 "Aish! Isakay mo na nga lang 'yan sa likod ng sasakyan," sabi ko at tumalikod na sas kaniya pero hindi ko na naman naiuloy ang pagbubukas ko ng pinto.

"Teka, hindi mo ba muna 'to bibilangin? Baka mamaya kulang pala 'to ng isang daan-"

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon