Chapter XV

87 2 3
                                    

CHAPTER XV:

Maingay ang paligid sa loob ng van na sinasakyan namin papuntang Bataan. Malakas ang tugtog mula sa radio na sinasabayan pa ng malakas na pagkanta at tawanan nilang lahat maliban sa aming tatlo nina Leslie at Rice.

Hindi ko naman inaasahang makikigulo si Leslie sa barkada lalo na kung hindi rin naman nakikigulo kung sino ang mga kilala na niya na kasama tulad ko at ni Rice. Damang-dama ko ang awkward atmosphere sa pagitan naming dalawaa pati na sa pagitan namin ng kapatid ko na para bang gusto ko na lang matulog. Ang kaso, paano nga ba makakatulog kung halos gibain na ng ingay ng iba ang van?

Naalala ko na naman tuloy noong huli kaming mag-usap noong gabing inaya ko siya para sumama sa lakad na 'to. Mula noon, hiniling ko nang sana maaari kong ibalik ang oras. Sana hindi ko na lang nasabi ang ibang bagay na 'di ko dapat sabihin at sana hindi ko na lang ginawa ang mga bahay na hindi ko dapat ginawa.

Nakita ko siya na may kasamang ibang lalaki 'pag labas ko noon ng bahay. Dahil do'n, hindi ko muna siya nilapitan at hinintay ko na makaalis 'yung lalaking kausap niya.

Malakas akong um-ehem sa harapan ng gate ng bahay niya bago siya tuluyang pumasok dahilan para mapabalik siya. Tinanong niya kung bakit ako naroon at kahit hindi pa ako nakakasagot ay pinapasok na ako ng bahay niya. Pangalawang pagkakataon ko pa lang 'yon na makapasok ng bahay niya at muli napukaw na naman ang atensyon ko ng mga picture frames na naka-display at kaagad na kong nakita 'yung lalaking kasama niya kanina.

"Bakit napatawid ka dito? May naiwan pa ba ako sa kotse mo?" tanong niya matapos niya akong bigyan ng isang baso ng grape juice.

Nagpractice na ako kanina kung paano ko siya aayain kaya naman hindi na ako nahirapang sumagot. "Birthday ni Mike, kaibigan ko, sa Sabado. Nag-aaya kasi siya na mag-swimming sa Bataan kasi niregaluhan siya ng ninong niya ng coupon for ten persons. Siyam pa lang kasi kami at madalas ka nilang nakikitang kasama ko, they assumed we're close friends kaya gusto ka rin nilang makilala. Pwede ka bang sumama?" sabi ko, like a pro.

Inaasahan kong "oo" kaagad ang isasagot ni Leslie, pero para bang nagdadalawang-isip siya sa ideyang 'yon. How I wish I could read minds, ano kaya'ng tumatakbo sa isipan niya ngayon? Napansin ko kasing para bang nawala ang sigla niya sa mga narinig.

"Sa Bataan?" tanong niya na sinagot ko naman ng isang tango. Inaalala kaya niya ang transportation?

"'Wag kang mag-alala. May Driver at Van naman sila Mike, kahit malayo hindi naman kailangang magcommute," pagpapaliwanag ko.

"Sabado hanggang anong araw naman 'yon?" dagdag na tanong niya pa.

Bakit naman kaya niya naitanong? May lakad ba siya? At sino naman kaya ang kasama niya? 'Yung ex niya? "Hanggang Monday. Long weekend kasi this weekends kaya naisipang sulitin. Hindi ka ba pwede?"

"Hindi. I mean, pwede ako. Sige sasama ako," mabilis niyang sagot kahit na halatang may pag-aalinlangan sa boses niya.

"Hindi. Ayos lang naman kung may lakad kayo ng ex mo," nasabi ko na lang bigla. Tila kasi nakaramdam ako ng inis sa mga naiisip ko. Nakita ko namang napakunot ang noo ni Leslie sa mga nasabi ko.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan, Kuya? Aksidente lang 'yung pagkikita namin kanina. We're friends. Matagal na siyang humingi ng tawad sa 'kin sa nagawa niyang kasalanan at napatawad ko na siya. Hindi naman ako katulad mo na habambuhay na 'atang magkikimkim ng sama ng loob diyan sa puso mo at patuloy na ipagsisiksikan ang sarili para maulit ang nakaraan." Alam kong nasabi lang niya ang lahat ng 'yon dahil sa inis matapos marinig ang mga sinabi ko sa kaniya. Halata kasi ang panggigigil niya sa bawat salitang binitawan niya.

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon