CHAPTER XI:

191 3 3
                                    

CHAPTER XI:


"Sabi nila, kapag napanaginipan mo raw ang isang tao, dalawa lang ang maaaring ibig-sabihin no'n. Pwedeng iniisip mo palagi ang taong 'yon o 'di kaya iniisip ka palaging taong 'yon," sambit ni Leslie sa gitna ng katahimikan habang umaandar ang ferris wheel.

Bigla ko tuloy naalala 'yong panaginip ko kagabi. Siya ang laman no'n, kung gano'n... iniisip niya kaya ako palagi? Napangiti na lang ako sa naging konklusyon ko. Gano'n na ba ako kagwapo para ma-stuck ako sa isipan niya? Mas lalo pang tumaas ang ngiti ko dahil sa kapilyuhang lumitaw sa isipan ko.

"Hmm," sagot ko na lang para lang malaman niya na narinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot, hindi ko naman sasabihin sa kaniya na napanaginipan ko siya kagabi.

"Alam mo ba, Kuya. Napanaginipan kita kagabi." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Hindi naman niya'yon sasabihin out of nowhere kung wala siyang nais iparating. "Ang weird lang kasi, oo nga hindi naman na sikreto sa 'tin na crush kita, pero lately hindi naman kita madalas maisip kasi syempre, kamamatay lang ng lola ko. Siya pa rin ang laman ng isipan ko palagi."

Napatingin ako sa kaniya nang wala sa oras at pinanlakihan siya ng mata. Ano'ng gusto niyang palabasin? Na ako ang laging nakakaisip sa kaniya kaya niya ako napanaginipan? Aba! Mukhang malubha na ang kabaliwan ng babaeng 'to.

Natawa lang siya sa naging reaksyon ko na para bang naririnig din niya ang takbo ng isipan ko. Gano'n na ba ako ka-obvious? Napalingon na lang ako ulit sa harap at sinubukang hindi na lang pansinin ang malakas niyang pagtawa.

"Uy! Wala pa akong sinasabi, pero nagrereact na siya!" sabi niya bago tumawa pa ulit dahilan para maputol ang sinasabi niya. "Defensive ka, Kuya a! Bakit? Totoo bang iniisip mo ako? Natatakot kang mahuli 'no? Ang benta ng reaksyon mo kanina e!" dugtong niya pa na hindi pa rin umaawat sa pagtawa.

"Tigilan mo nga ako, Leslie. 'Wag kang assuming,  at 'wag kang nagpapaniwala sa kasabihan na 'yan.Kasabihan lang naman 'yan hindi pa proven," sagot ko sa kaniya nang hindi pa rin siya nililingon.

Tinapos muna niya ang pagtawa niya bago ako sinagot muli. "Oo na po! Sabi mo e, pero gusto ko pa ring magpasalamat sa napanaginipan ko. Kung hindi dahil sa panaginip na 'yon, hindi siguro ako magiging masayang-masaya ngayon."

Para bang nakiliti ang tenga ko sa mga sinabi niya. Ano naman kayaang napanaginipan ng isang 'to? Tiningnan ko siya para sana tanungin 'yon at nalaman kong nakatingin na pala siya sa 'kin, sa loob ng ilang segundo gano'n lang kami, nakatitig sa isa't isa. Ilang sandali lang ang binigay niya sa akin ang isang napakatamis na ngiti na parabang unang beses ko lang na nakita mula sa kaniya.

Sa isang banda, nakaramdam ako ng pagkasabik. Bihira lang ako makapagpasaya ng tao, at kapag sinabi kong bihira, halos hindi pa ako nakakapagpasaya ng tao. Siguro noon, noong bata pa ako at wala pang muwang sa mundo. Noong hindi pa ako marunong masaktan.

"Ano ba'ng napanaginipan mo?" tanong ko sa pagkainip.

Parang ba'ng bumagal ang takbo ng mundo sa mga oras na ibinuka na niya ang bibig niya dahil sa pagkasabik ko at sa kagustuhan kong marinig ang mga sasabihin niya kaya naman para rin akong lumagapak mula sa kalangitan nang sabihin niya, "Secret!"

Kasabay no'n ay ang pagtapat ng sinasakyan namin sa exit area kaya naman kaagad siyang bumaba at tumakbo palayo. Napailing na lang ako sa inakto niya. Bata pa nga. Well, nasaang lugar nga ba naman kami? Nasa lugar kami na pambata, kung saan libreng maging masaya sa kahit anong paraan, kaya naman tumakbo rin ako para habulin siya nang makababa ako ng ferris wheel.

***

Pinatay ko na ang makina ng kotse pagkatapos kong maipark ang sasakyan sa tabi ng bahay. Maingay ang kalahati ng byahe namin pauwi, hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na ang kausap ko. Napalingon ako sa passenger's seat at nakita kong mahimbing pa rin ang pagtulog ni Leslie.

"Ano naman ang naisipan mo at dinala mo ako sa amusement park?" tanda kong tanong sa kaniya kanina habang nasa byahe kami pauwi.

"Wala lang. Masyado ka kasing bugnutin at seryoso sa buhay e. Hindi man lang kita nakikitang tumatawa o 'di kaya kahit 'yung totoong masaya. Kahit pa nga kasama mo 'yung tropa mo," sagot niya sa 'kin na tila ba hindi na niya pinag-isipan.

"Why does it matter to you? Kung masaya ako o hindi, apektado ka ba ro'n?" tanong kong muli sa kaniya. Nakakapagtaka naman kasi kung paano niya pakialaman ang buhay ko. Hindi naman por que gusto mo ang isang tao, pwede mo ng pakialaman ang buhay niya 'di ba? O para sa akin lang 'yon?

Panandalian siyang napatigil sa tanong ko. Hindi naman siya mukhang na-offend, pero alam kong napaisip siya sa tanong ko. Narealize niya kayang hindi naman niya dapat na ginagawa ang mga bagay na 'yon?

Biglang kumirot ang dibdib ko sa naisip ko. Ayaw ko mang aminin,bigla akong natakot na mapagod siyang alalahanin ako. Noon ko lang narealize na kahit saglit pa lang kaming magkakilala, parte na siyang buhay ko. Na sa kahit papaano ay napapagaan ng babaeng baliw na'to ang buhay ko dahil sa kakulitan niya.

Narinig ko pa ang malalim niyang buntong hininga bago niya ibinulong ang kaniyang sagot. "Kung magsalita 'to si Kuya akala mo 'di pasiya nagkakagusto. Ang OA pa nga niya masaktan e. Hindi ba niya alam'yung pakiramdam na hindi ka lang masaya dahil masaya 'yung taong gusto mo? Kundi dahil ikaw mismo ang nakakapagpasaya sa kaniya? Hay nako, mukhang nabato na 'ata talaga ang puso niya."

Hindi na ako sumagot sa mga sinabi niya. Ayaw ko nang depensahan paang sarili ko dahil mukhang totoo nga ang sinasabi niya. Napako ako sa sakit na dinulot sa 'kin ng first love ko, at ngayon nakalimutan ko na kung paano nga ba magmahal, kung paano ba ako magmahal noon. Ang alam ko na lang sa ngayon ay masakit 'yon, nakakatakot kaya ayaw ko nang ulitin.

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Leslie nang makita kong unti-unti na niyang minumulat ang mga mata niya. Hinintay kong magsalita siya o'di kaya'y bumaba na ng sasakyan pero wala sa mga 'yon ang nangyari. Nang lingunin ko siyang muli, natulog lang pala ulit ang babaeng baliw.

Napatawa na lang ako nang tahimik sa sitwasyon. Tulog mantika rin pala ang isang 'to.

Hindi pa nawawala ang ngiti sa mga labi ko ay may bigla nang kumatok sa bintana ng driver's side dahilan para mapatalon ako sa gulat at magising si Leslie. Napadiretso siya ng upo at napatingin kaming pareho sa kumakatok sa bintana, si Rice.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Leslie, at bago ko pa komprontahin si Rice ay nauna na siyang magsalita. "Hi! Leslie, friend ni Kuya Hunter," sabi niya sabay abot niya ng kamay niya.

"Kuya Hunter?" ulit ni Rice na halatang pinipigilang tumawa. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko? "Rice, nice to meet you, Leslie. Nice to finally meet you," dugtong pa ni Rice at binigyan pa ng diin ang salitang "finally" bago niya kinamayan si Leslie.

"Nice to meet you rin," nakangiting tugon ni Leslie.

"So, saan kayo galing?" pang-uusisa pa ni Rice.

"Rice, pagod na si Leslie. Hayaan mo na siyang magpahinga sa bahay nila. 'Wag mo nang i-hot seat 'yung tao," singit ko. Sa lahat ng madaldal, ang kapatid ko na 'ata ang pinaka lalo na kung tungkol sa mga ganitong bagay kaya bago pa kung saan marating ang usapan nila,kailangan ko na silang awatin. Hindi 'ata magandang ideya kung mag-usap ang dalawang madaldal.

"Sa amusement park lang, mukha kasing laging napagsasakluban ng langit at lupa si Kuya e, kaya naisip kong ayain siya lumabas. Dito nga lang pala ako nakatira sa tapat niyo, pa'no? Una na muna ako ha?" paalam ni Leslie bago tumungo na sa gate ng bahay niya, pero bago pasiya tuluyang makapasok ay tinawag siyang muli ni Rice.

"Ano 'yon?" tanong nito sa kapatid ko.

"Good night! Hope we can hang out sometime?" Napa-iling ako sa mga lumalabas sa bibig ng kapatid ko. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, alam kong hindi 'yon magiging pabor sa 'kin. Sa paraan pa lang ng pagtigin niya kay Leslie, at sa pag-uusap nila,hindi sila malayong maging close at kapag nangyari 'yon, hindi malayong ako ang pagtutulungan nila.

Pinanlakihan ko ng mata si Rice para sabihing tumigil na siya, pero ginantihan lang niya ako ng isang ngiti na para bang sinasabing wala na akong magagawa para pigilan siya. Kaya naman napakamot na lang ako sa ulo.


To be continued...



Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon