CHAPTER VI:

275 7 7
                                    

CHAPTER VI:


Kapag hindi na maganda ang nagiging takbo ng usapan, minsan nauuwi na lang sa katahimikan. At 'yung katahimikan na 'yon ay magiging dahilan ng pagbigat ng dibdib na sa pagtagal ng panahon ay siyang maglalayo sa loob ng dalawang tao. So, what do people need to do to save their relationship with the person when that happens? Change the topic. The problem is, hindi lahat ng topic ay makakatanggal ng awkward atmosphere sa pagitan niyo.

At iyon ang masasabi kong talento ni Leslie. She's a God gifted talker. Kahit ano'ng i-segway niya na topic, naaalis niya 'yung awkwardness sa pagitan naming dalawa at hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon nang gano'n lang kadali.

"Sa tingin mo, Kuya Hunter, isa na kayang bituin ang lola ko sa mga oras na 'to?" Hindi ako sumagot. Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na naniniwala sa mga gano'ng kasabihan. Kasabihan na wala namang katotohanan at ang tanging pakinabang lang ay magpagaan ng loob ng isang tao.

"Sa tingin ko, hindi pa. 'Di ba may bilang ng araw 'yon, bago raw makaakyat ang patay patungong langit?" sagot ko na lang, dahil 'yon naman talaga ang tumatakbo sa isip ko. Ayaw ko namang sabihini 'yung mga bagay na ako mismo ay hindi ko pinaniniwalaan.

"Sabagay. May point ka r'yan. Miss ko na ang lola ko, hindi rin naman ako makakatulog sa bahay kaya dapat ay pupuntahan ko kanina ang burol ni Lola," mahina niyang kuwento.

Oo nga, bakit nga ba wala sa burol ang isang 'to? Hindi ba kailangan siya do'n? Hindi ba dapat ay naroon siya? Dahil hindi ko rin naman makukuha ang sagot sa kakaisip lang, tinanong ko na siya. Baka mamaya aya ko pa ang nakapang-istorbo sa kaniya.

"Kagabi, mula noong tumawag ako ng ambulansya walang tigil na ako sa kaiiyak hanggang sa kumpirmahin ng doktor na wala na ang lola ko. Hindi pa rin ako nauubusan ng tubisg sa katawan nang simula kong asikasuhin ang katawan niya hanggang sa maging maayos siyang nakaburol." Huminto siya nang saglit para pigilan ang sarili niya sa pag-iyak, pero hindi siya nagtagumpay.

Sa kabila no'n, tinuloy pa rin niya ang gusto niyang sabihin. "Buong magdamag nasa tabi ako ni Lola, at wala akong pakialam kung halos mamaos na ako kaiiyak. Hanggang sa dumating sila Tita at iba pa naming kamag-anak. Dinamayan nila ako at pinatahan hanggang madaling-araw.

"Napagod ako sa gabing 'yon, oo. Sinabi nilang kailangan ko nang magpahinga, pero alam kong hindi kayang magpahinga ng utak at katawan ko kaya naman kahit pinilit nila akong umuwi at matulog na lang, pumasok na lang ako. Hindi ko kayang magpahinga nang ganito kasakit ang nararamdaman ko at ganito karami ang tumatakbo sa isipan ko, baka mabaliw lang ako. I had to do something that would make me busy."

Hindi ko maimagine na magagawa ko ang sumunod kong inakto. Inilagay ko ang braso ko sa likod niya habang ang isang palad ko nama'y nasa balikat niya at inaalo siya para tumahan na sa pag-iyak. Shit, why do I have to be here? Alone, with her.

"Siguro pinipingot na ako ng lola ko ngayon, ayaw niya kasi ng iyakin e. Pero ano'ng magagawa ko? Siya ang weakness ko e," sambit niya pagkatapos ay pinunasan ang mga luha niya sa pisngi at pinakalma ang sarili. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siya.
Huminga siya nang malalim bago nagsimula na namang maglakad. "Tara na nga, gusto kong sulitin 'yung huling mga araw na makikita ko pa ang pisikal na magandang mukha ng lola ko."
"Pwede ba kitang samahan?" out of nowhere, bigla ko na lang 'yong nasabi. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ko na lang naramdaman na gusto ko siyang damayan sa mga oras na 'to kahit hindi ko pa naman siya gano'ng kakilala. Sa saglit na panahon kasing nakilala ko 'tong babaeng 'to, walang mapaglagyan ang sigla niya, kaya ngayon na nagkakaganito siya, she seems so fragile.

Napahinto siya sa paglalakad at gulat na napalingon sa 'kin. "Sigurado ka? Bakit? Nako hindi na, Kuya, baka hinahanap ka na sa inyo. Ayos lang naman akong mag-isa."

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon