CHAPTER XII:

179 3 10
                                    

CHAPTER XII:


"I love you. I love you. I love you! Mahal kita, Hunter." Kasalukuyan akong nasa harap ni Leslie sa gitna ng isang malawak na damuhan. Walang tao sa paligid at sa 'di kalayuan ay isang malalim na bangin. Malinis ang paligid, naaalagaan ang mga damo kahit na parang wala namang kabahayan sa paligid at may pausbong-usbong ding maliit na bulaklak.

"I love you too, Leslie," tugon ko sa kaniya pagkatapos ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at binigay ang pinakamatamis na halik na kaya kong ibigay. I love her and I'm sincere this time. I love her and I know that was the greatest love of all.

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit, 'yung tipong ayaw ko na siyang pakawalan. 'Yung tipong tila ba takot na takot akong mawalasiya tabi ko. She fixed me. Kapag nawala siya sa buhay ko masisira ako ulit. Kapag nawala siya sa buhay ko... baka mawala na rin ang buhay ko sa 'kin.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya hanggang sa unti-unti siyang mapisa, tsaka ko napagtantong unan na naman pala ang yakap ko at nananaginip na naman ako. Bakit sa tuwing yayakapin ko siya sa panaginip ko nagiging unan na lang siyang bigla... nawawala na lang siyang bigla.

What is weirder is, pangalawang beses ko nang napapanaginipan si Leslie. Weirdest thing is, sa panaginip ko mahal ko siya. Sa panaginip ko takot na takot akong mawala siya. Sa panaginip ko,laging magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko.

Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko para tuluyan nang magising. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa makarinig ako ng malakas na tawanan mula sa baba. Mukhang may bisita kami kahit ang aga-aga pa. At mukhang kilala ko kung sino 'yon.

Bumangon na ako mula sa kama at nagsimula nang mag-ayos. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na rin ako at bumaba na sa dining area ng bahay kung saan ko naabutang nagtatawanan sina Rice, Jed at Leslie.

"Good morning, Kuya!" masiglang bati sa 'kin ni Rice na sinagot ko lang ng isang malamyang pagtango. Dumeretso lang ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Jed at katapat ni Leslie at nagsimulang kumain nang hindi na sila pinapansin.

"Sungit natin, 'Pre a. Ano'ng meron? Period?" tanong sa 'kin ni Jed na nasundan ng pagtawa nilang tatlo. Tiningnan ko lang siya nang masama at pagkatapos ay bumalik na lang sa pagkain ko. Sabi ko na nga ba e, kapag naging magkaibigan si Rice at Leslie at bonus pa si Jed,malamang na ako ang mapagtutulungan.

"Kamusta naman ang tulog mo, Kuya? Napagod ka ba kahapon?" singit ni Leslie at bago ko pa siya masagot ay umalingawngaw ang malakas naboses ni Jed.

"Ano'ng ginawa niyo kahapon? Hunter, ang taas ng tingin ko sa 'yo ha, 'wag mong sabihing..." bago niya pa maituloy ang sasabihin niya ay binatukan ko na siya. At imbis na umaray ay tumawa na naman siya.

Binaling ko ang atensyon ko kay Leslie na halatang hindi naging kumportable sa mga nasabi ni Jed at sinagot na lang ang tanong niya."Ayos lang. At hindi naman." Kaagad kong ibinalik ang tuon ko sa pagkaing nasa plato ko. Dahil sa mga napapanaginipan ko, medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing titingnan ko nang diretso siLeslie. Hindi ko kasi maiwasang maalala ko kung paano ko siya tingnan sa mga panaginip ko.

"Uy! Si Kuya, hindi makatingin ng diretso kay Les! Naiilang 'ata siKuya kasi nandito tayo, Jed," pang-aasar pa ni Rice.

"Hindi naman karaniwang naiilang si Hunter na tingnan 'tong siLeslie kahit minsan kasama niya kami. Alam mo, Love, kapag ganiyan ang nangyayari sa isang tao lalo pa't bagong gising siya isa lang ang ibig sabihin no'n. Malamang napanaginipian ni Hunter 'tong si Leslie kaya hindi siya makatinigin ng diretso."

Bigla akong nasamid nang dahil sa mga pinagsasabi ni Jed. Could they stop talking about their dream theories? Kahapon si Leslie, which reminds me na hindi ko pa rin alam kung ano ang ginagawa ko sa panaginip niya noong isang araw, at ngayon naman si Jed.

Ubo lang ako nang ubo hanggang sa inabutan ako ni Leslie ng kape.Kaagad ko naman 'yong kinuha at ininom dahil kung hindi ay baka mamatay na ako kakaubo. Noong maging maayos na ako, binalik ko 'yung natirang kape kay Leslie at nagpasalamat sa kaniya.

"Wala 'yon," sabi niya na para bang nahihiya. Namumula kasi siya.Bakit naman kaya?

"Nakita mo ba 'yun, Love? 'Yon ang tinatawag na indirect kiss!"pasigaw na sabi Rice kay Jed kaya naman pakiramdam ko ay namumula na rin ako. Napakaliit na bagay lang 'yon, isa pa, aksidente naman ang nangyari pero parang ang big deal na sa kanila.

"Tigilan niyo nga kaming dalawa. Kumain na lang kayo, at ihatid mo na 'yang si Rice sa school niya, Jed. Late na 'yan," saway ko sa kanila at pagkatapos ay mabilis kong tinapos ang pagkain ko.

Naunang matapos si Rice at Jed kaya naman umalis na sila matapos nilang magpaalam sa 'min. Nakita ko pang nagbeso siya kay Leslie. So,close na sila kaagad?

"Kukunin ko lang 'yung mga gamit ko sa kwarto ko. Hintayin mo na lang ako dito," sabi ko kay Leslie pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin at umakyat na. Kinuha ko lang kung ano ang kailangan ko at hindi na nagpatagal pa. Baka kasi malate pa kami sa pagpasok.

Walang imik lang na sumunod sa 'kin palabas ng bahay si Leslie. Hindi ko alam kung bakit siya biglang natahimik ngayon. But in my conclusion, nailang siya dahil sa pang-aasar no'ng dalawa kanina.

"'Wag mo nang intindihin 'yung dalawang 'yun. Sadyang mga maloko at madaldal 'yon kaya kung ano-anoang mga nasasabi," pagbasag ko sa katahimikan sa simula ng byahe namin. Nakatingin man ako sa daan, alam kong napatingin si Leslie sa'kin.

"Nako, nakakatuwa nga sila e. Ang bait pala ng kapatid mo, Kuya. Ang sarap sigurong magkaro'n ng kapatid na katulad niya 'no?" Isang alanganing ngiti lang ang ibinigay ko kay Leslie bilang sagot. Oo, masayang maging kapatid siRice. Hindi ko naman itatanggi na mahal na mahal ko ang kapatid ko,pero minsan sa ibang sitwasyon hindi ko rin gusto ang pagiging madaldal niya.

"Pero kung natutuwa ka naman pala,bakit ka naman natahimik diyan bigla. Hindi ako sanay e," puna ko sa kaniya.

"E? Napansin mo pala. Nakakahiya kasi 'yung mga sinasabi nila kanina. Hindi ko maiwasang 'di mailang,pero okay lang 'yon. Okay na ako ulit ngayon," pagpapaliwanag naman niya. "Kinikilig lang talaga ako kanina," pabulong pa niyang dagdag dahilan naman para mapangiti ako.

Hindi na lang ako sumagot ulit at hinayaan ko na lang na isipin niyang wala akong narinig hanggang sa makarating kami ng school. Mabilis lang naman akong nakapag-park at noong mapatay ko na ang makina ng sasakyan ay mabilis ding nagpaalamat nagpasalamat si Leslie. Nakalimutan niya raw kasing may kailangan pa siyang kopyahin na assignment.

Pababa na rin sana ako ng sasakyan nang mapukaw ng isang bagay ang pansin ko. Isang kulay pink na wallet ang nasa lapag ng passenger's side. Pinulot ko 'yon at tinanaw ang kabababa lang na si Leslie, pero malayo na ang natatakbo niya.

Dulot ng kuryosidad, binuksan ko ang wallet niya, at nagulat ako sa nakita ko. Isang litrato ng isang taong kilalang kilala ko. Litrato na kamukhang-kamukha ko. Litrato ko.Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nakita ko, pero kaagad din'yong nawala at napalitan ng palaisipan.

Alam kong ako ang nasa litrato, pero bakit hindi ko matandaan kung kailan 'yon kinuha? Halatang medyo matagal na 'yong litrato, pero paano naman 'to mapupunta sa kaniya?Sa pagkakatanda ko naman ay kanina pa lang siya nakapasok ng bahay atkanina pa lang sila naging magkaibigan ng kapatid ko. Imposible namang sa iksi ng oras na 'yon ay makakakuha na siya kaagad ngpicture ko.

Kung titingnan ko ang sarili salitrato, para bang 2ndyear to 4thyear high school pa lang ako. Kung pagmamasdan din ang background,alam kong kinuhanan ito sa probinsya namin sa Laguna. Pero 1styear high school lang ako ayon sa alaala ko nang huli naming dalawin ang lola ko doon.

       

May nakakalimutan ba ako? Hindi,alam kong may nakakalimutan ako, at pakiramdam ko ay malaking parte ng buhay ko ang nawawala sa memorya ko.


To be continued...

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon