ANJELIE’s POV
(Sa Bahay)
Pagkapasok na pagpasok ko palang sa bahay namin. Mukha agad ni Ashley ung bumugad sa harap ko. Jusko ko po ano na naman ang kailangan nito.
“Ate Anj!!!!! Ung mga pasalubong ko!!!!!” anlakas talaga ng boses nitong si Ashley parang nakalunok ng megaphone at speakers.
“Eto na oh” tapos inabot ko sa kanya ung mga pasalubong niya. Hindi nga pasalubong ang tawag dun eh tawag dun ung mga pinabili niya. Utusan raw ba ko!!!
“Kumain na ba kayo?”
“Opo kaninang mga 7”
“Ok”
“Tumawag ba si mommny?”
“Hindi po” tumatawag kase dito si mommy minsan kinukumusta niya kami kung ok lang ba kami at kung anu-ano pang mga kailangan namin. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na ‘kailangan ka namin ni Ashley dito bilang isang nanay’ kaso hindi ko masabi eh pag tumatawag siya sinasabi ko lang na ‘Mommy ok lang po kami dito, mag-ingat po kayo diyan’ yun lang palagi yung conversation namin LAGI.
Pero ok lang mabuti nga tong si Ashley lumaking mabait eh mabuti hindi siya naging spoiled-brat. Kase lumaki yan na walang mommy at daddy na nag-aalaga sa kanya. Kami lang ni Manang Tessie ang nag-aalaga diyan. Hindi ko nga alam kung ano yung mga hinanakit niya kay mommy eh kasi hindi naman siya nagkekwento sa amin ni Manang Tessie. Katulad ko hindi din sila close ni mommy parang 3 beses niya lang kaming bisitahin sa isang taon eh. Pag birthday naman namin nagpapadala lang siya ng mga regalo mga gadgets, damit, shoes, accessories and other girly stuffs.
“Thank you talaga Ate Anj!!!!!” tuwang-tuwa niyang sinabi
“You’re welcome Ashley” sumasaya na ko pag nakikita kong masaya ang kapatid ko.
Pero ako hindi ako nagagalit kay mommy kasi siya na ung nagpapatakbo ng business namin, at nagpapaaral sa amin ni Ashley eh. Alam ko naman na ginagawa niya lahat ng makakaya niya para alagaan kaming magkapatid kahit na hindi niya kami nakakasama. At alam kong nahihirapan na din siya lalo na wala ang daddy. Kumpara samin ni Ashley siya pa nga ung mas kawawa kesa sa amin eh. Kaya kung nandyan na ung time na ako na ang magpapatakbo ng business namin sisiguraduhin kong palalaguin ko pa to. Para na rin sa paghihirap na ginawa ni daddy nung nabubuhay pa siya.
“Kamusta ka naman dito Ashley hindi ka ba nabored dito sa bahay?”
“Hindi naman Ate, remember Im watching Anime and Korean Drama kaya hindi ako nabobored dito”
“Eh kamusta naman yung date niyo ni Kuya Joshua?” habang kinakain niya ung cake
“HINDI YUN DATE!!!” hindi naman talaga date yun eh gumala lang kaming dalawa bilang magkaibigan.
“Tsss hindi raw, dinedeny mo pa”
“Hindi nga!!!” kumuha ako dun sa cake na kinakain niya tapos uminom ng tubig
“Naku ate Anj alam ko namang kayo na eh” halos maibuga ko na ung tubig na iniinom ko.
“MAS HINDI YUN TOTOO” kahit gustong-gusto ko talaga…
“TSSS…”
“HINDI RIN KAMI NAGDATE”
“Sus edi anong tawag niyo dun sa ginawa niyo” Ano nga ba???
![](https://img.wattpad.com/cover/5739093-288-k121357.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
Genç KurguDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Do you believe that anything happen for a reason? That LOVE moves in mysterious ways? What happen when 2 people meet in an incidental way? Na bigla na lang may papasok na Unknown Specie sa buhay mo...