10

162 8 1
                                    

HAROLD’s POV

DAMN!!!!! Nakakainis yung babaeng yun! How dare she do that to me. Siya na nga yung may kasalanan siya pa yung galit!!!!! Tapos binigyan nya pa ko ng bente pesos anong tingin nya sa kin pulubi!!!! Nakaka-offend ha. Hindi pa siya nakontento at sinabihan pa ko ng bakla at maarte!!!! Nakakababa kaya ng sex appeal ng mga lalaki pag nasabihan kang bakla. Sa gwapo kong ito tatawagin pa kong bakla. Bulag ba siya at di nya kayang idifferentiate ang mga lalaki sa bakla. Biro nyo nun kinompare pa nya ko sa babae. Lahat na!!!!! Ang kapal naman ng babaeng yun kala naman nya kung sinong kagandahan niya!!! PWE!!!!! hindi siya maganda panget siya!!!! Tapos iniwan nya lang ako dun ng basta-basta. Nagmukha akong tanga dung nakatayo kanina na di alam ang sasabihin. Nakakabanas siya. Siya yung kaisa-isang nilalang na tumawag sa king bakla. Nagulat naman ako nung may biglang tumawag sa kin.

 “ Sir Harold, nakahanda na po yung hapunan nyo kain na po kayo!”

“ Ano ba sinisigawan mo ba ako!!! Hindi ka ba marunong kumatok!!!” siguro bago lang tong maid na to hindi niya ba alam na bastos sumigaw sa amo nya. Humanda ka sa kin!!!

“ Tanga ka ba at hindi ka marunong kumatok, nakikita mo naman yung pintuan diba sisigaw- sigaw ka pa dyan!”

“ A-ay s-sorry p-po S-sir Harold” bigla naman siyang kumatok sa mamahaling kong pinto

*tok* *tok *tok*

“ S-sir Harold, n-nakahanda na po y-yung hapunan nyo k-kain na po kayo” binuksan ko yung pinto

“ Marunong ka naman palang kumatok hindi mo pa magawa, talagang iniintay mo pang sabihan ka bago mo gawin”

“ S-sorry p-po t-talaga S-sir Harold h-hinding-hindi na po t-talaga m-mauulit” nanginginig-nginig pa yung boses nya

“ Talagang hindi na talaga mauulit kase I’M FIRING YOU!!!”

“ S-sir…..”

“ Ano pang tinatayo-tayo mo dyan! Did you not here what I just said! Are you deaf!!!! I said YOU’RE FIRED!!! So pack your things and get the hell outta my house!!!!!” bigla namang kumaripas ng takbo pababa yung bagong maid nayun. Subukan nyang bumalik sa pamamahay ko makakatikim sya sa kin ng isang napakalakas na sigaw!!! Hindi dapat nagiging maid yung mga ganun masyado siyang…….. ISTUPIDA!!!!!

Masama ba ko???? HELL YEAH!!! Hindi nyo na kailangan pang ipamukha sa kin na masama ako. Kase ganun na talaga ako. Kailangan ko pa bang ipakilala sa inyo kung sino ako siguro next time na lang. Dahilan: kase tinatamad ako tssss…. Wag na kahit na makilala nyo pa ko hindi naman magbabago yung pagtingin nyo sa kin. Atsaka pakealam ko sa inyo hindi ko naman kayo kilala tapos magpapakilala ako sa inyo. Masyado ba kong harsh sa inyo. Well, sorry hindi ako katulad ng ibang tao diyang nagpapakilala basta-basta kung kani-kanino. Next time na lang pag lumamig-lamig na yung ulo ko. Aish…. Naalala ko na naman yung nangyari kanina sa park. Tsss….bababa na nga ako nagutom na ko kakausap sa inyo.

***

GAB’s POV

Mag-uuwian na mapuntahan na nga si Anj. Gustong-gusto ko na siyang makita dahil buong klase hindi ko siya nakita. Nagpaalam na muna ako sa mga teammates ko na aalis na ko. Tas dumiretcho na ko sa locker ko para magbihis at magpapogi. Pumunta na ko sa classroom nila Anj ba’t wala na agad tao. May nakasabay akong kaklase namin ni Anj na si Stefan. Agad ko naman siyang tinanong.

“ Stefan nakita mo ba si Anjelie?”

“ Umalis na”

“ ANO?!”

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon