ANJELIE’s POV
At sino naman kaya itong babae na toh. Kung makatingin kay Gab parang kakainin na ng buhay. Kinalabit ako ni Oliver.
O: “Oi Anj! Susugurin na ba namin tong girlalung toh!!!” sabay turo niya dun sa girl
J: “Oo nga!!! Tignan mo oh nagpapacute pa yung girl kay Joshua”
Kahit gustong-gusto mang sugurin yung girl baka naman mamaya classmate niya pala ito at nagpapatulong lang, mapahiya pa ko. Kaya maghulos-dili ka Anjelie!!!
A: “Wag na!!! Ano ba kayo nag-uusap lang naman sila, baka classmate niya lang to”
J: “Classmate!!! Tsss… I don’t think so, tingin ko pa lang dun sa girl na yan may gusto yan kay Joshua”
O: “Sige! Let’s say na CLASSMATES lang naman sila, pero hindi naman dapat hinahawakan ng girlalung yun ang kamay ni Joshua noh” turo ni Oliver sa kanila
Agad naman akong tumingin sa kanila. Aba! May pahawak-hawak pa nga yung girl ha. Hindi ko na kaya, kumukulo na ang dugo ko sa babaeng ito. I don’t care kung sino man siya basta kukunin ko na si Gab sa kanya. Palapit na kaming tatlo sa kanila nung biglang nagsalita yung girl.
“So sa bahay ko na lang gagawin yung project natin, ha?” –girl
“Pero, may practise ako baka hindi na ko makapunta pa dya---“ –Gab
“Basta no matter what happen I’ll wait for you, ok?” tapos umalis na yung girl
A: “Sino yun?” sabay turo ko dun sa girl
O: “Oo nga, sino ba siya?”
J: “Anong kailangan niya sa yo?”
A: ” May gusto ba yun sa yo?”
O: “Bakit kung makadikit sayo eh parang super,super,super close kayo?!”
A: “Pati makahawak ng kamay mo parang kayo?! Linta lang ang peg niya!!!”
J: “Sumagot ka!!!”
A: “Ora mismo!!!”
O: “Now na!!!”
G: “Chill lang!!! Andami nyo namang tanong, daig nyo pa si Sherlock Holmes at Ang Tulfo Brothers kung makaimbestiga ha”
Tapos binigyan lang naming tatlo si Gab ng tell-us-now-the-truth-look habang naka crossed-arm at nakataas ang kilay namin.
G: “Ok, ok! Sasabihin ko na, siya si Lexi classmate ko siya at kagroupmate sa isang subject. Meron kaming project na ginagawa. Magshoo-shooting sana kami sa bahay ng isa pa naming groupmate, actually 9 kami pero ayaw niya. Sa kasamaang-palad siya yung naatasang leader namin kaya lahat ng desisyon sa kanya lahat, then nagsuggest siya na sa bahay niya na lang gagawin yung project namin. Sabi ko baka hindi na ko makapunta kasi nagpapraktis na ko para sa darating na game this coming Sunday pero ayaw niya gusto niya nandun ako para raw complete kami tapos dumating kayo at umalis na siya.
A, J, O: “AHHH…ganun pala”
O: “Kung makaasta parang kayo ha”
A: “Baka may gusto yun sa yo kaya ganun siya”
G: “Siguro sa gwapo kong to hindi niya pa ko magustuhan” binatukan ko naman siya, minsan talaga mayabang din tong si Gab eh

BINABASA MO ANG
Destined To Love You
Teen FictionDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Do you believe that anything happen for a reason? That LOVE moves in mysterious ways? What happen when 2 people meet in an incidental way? Na bigla na lang may papasok na Unknown Specie sa buhay mo...