ANJELIE's POV
"Wait! Wait! WAAAAAGGGGGGGGGG!!! AYOKO NA!!! AYOKO NA!!!"
"NAK NG BEEFSTEAK!!! TIGILAN NIYO NA KO!!!"
"SHETE NAMAN OH!!!"
Sigaw over here sigaw over there...Opo tama ang hinala niyo...Ako nga po ang maladyosang sigaw ng sigaw diyan... bakit ako sumisigaw? Dahil kas----
"ANJ!!! HAHAHA BASANG-BASA KA NA!!!"-Jiro
"Hinde nga halata eh!"-Me, sarkastik kong sabi kay Jiro
"OO NGA!!! BASANG SISIW!!!"-Jess
"NALOKA NAMAN AKO SA KAKASIGAW MO DIYAN! PARA KANG NIREYP! HAHAHA" -Oliver
Nagtataka ba kayo kung nasaang lupalop kami dinala ng hinayupak na Harold na yan! Nandito lang naman kami sa 9 Waves Resort... Bigla-biglaan na lang kami dinala dito ni Harold na walang pasabing MAGSISWIMMING PALA KAMI!!! Eto ngayon basang-basang kaming apat! Walang pamalit! Walang dalang pang-chibog! And lastly NILALAMIG!!!
Eto namang mga kasama ko parang fisrt time lang makakita ng swimming pool. Pagkababa pa lang namin dito deretcho talon sa tubig! DYESEBEL LANG ANG PEG!!!
"Anj ba't ba parang pinagsakluban ka diyan ng langit at lupa! Ano na namang kaartehan niyang pinapa-iral mo?! Pa-explain...Labyu!" -Oliver, sabay dive sa swimming pool.
"Anj kung ayaw mong mag swimming pwedeng tumabi ka diyan! Wag paharang-harang! Kaloka! Feeling model lang ang peg?! Na-explain ko na! Labyu!"-Jess, sabay dive din
"Anj kung natatakot ka lang malunod sa swimming pool! Don't worry nandito lang ako for you! Pero mamaya na lang ah! Kailangan ko pang magpakitang gilas diyan kay Jess! Na-explain ko na din! LABYUUU!!!" -Jiro, sabay dive din sa tubig
"So talagang iiwan niyo ko dito!!!"-Me
"Eh ikaw 'tong maarte eh!"-Jess, na biglang umahon tapos lumapit sa kin
"Ayam mo yun...magsiswimming din naman si Harold mamaya. Malay mo maka jackpot ka makita mo ang pandesal niya mamaya, naglalakihang at nagtitigasang...."-Jess
"Hoy ikaw talagang babae ka! Kung ano-anong pinagsasabi mo!"-Me
"Hinde mo kase ako pinapatapos! I mean di mo makikita ang naglalakihan at nagtitigasang MUSCLES NI HAROLD! Ikaw talaga Anj iba na naman iniisip mo!"-Jess, minsan talaga 'tong si Jess may kalog...
"Oh guys! Kain na!"-Harold
"YEHEY!!!"-Oliver, Jess at Jiro
Agad-agad tumakbo silang tatlo dun sa bahay-kubong nirentahan ni Harold. Mas mabilis pa sa alas-kwatro sila kung pumunta dun. Bigla naman akong nagulat sa damit na binato sa kin ni Harold.
"Anong gagawin ko dito?"-Me
"Ipampunas mo sa sahig! Anj naman tinatanong pa ba yan?! Natural isusuot mo! Baka gusto mong i-explain ko pa yan sayo!"-Harold, hay nako Anj tatanga-tanga ka na naman!!! *facepalm*
"Oo na! Ito na po oh! Isusuot na po!"-Me
"Kahit kelan talaga napaka-slow..." -Harold, sabay pumunta na doon sa bahay-kubo habang ako pumunta naman ako sa CR para magpalit nung nalaman kong
"Teka...FOREVER 21!!! MAHAL TO AH!!! Grabe ang mahal pala nitong binigay sa kin ni Harold!!! Naks Rich Kid! Aba pinapamuka niya ba sa king hinde ko kayang bumili ng ganito!!" maibalik nga 'tong damit na 'to, hinde ko na rin kailangan tuyo na rin yung damit ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/5739093-288-k121357.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
Teen FictionDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Do you believe that anything happen for a reason? That LOVE moves in mysterious ways? What happen when 2 people meet in an incidental way? Na bigla na lang may papasok na Unknown Specie sa buhay mo...