14.1

155 8 4
                                        

ANJELIE's POV

Kenekeleg akech to the highest point!!! Grabe di ko alam kung ma-eexplain ko ang halo-halong nararamdaman ko ngayon. Kung magagalit ako kay na Oliver at Jess kase di sila makakasama at para bang coincedence lang ang mga nangyari o di kaya matutuwa dahil masosolo KO si Gab today!!! Basta ang alam ko MASAYA AKO NGAYON!!!

"Anj ba't pangiti-ngiti ka diyan siguro dahil matutuloy tayo sa Enchanted Kingom noh? Wag kang mag-alala kahit wala sina Oliver at Jessica I'm pretty sure na mag-eenjoy ka kahit tayong dalawa lang" Jusko kung alam mo lang na kahit ikaw lang ang kasama ko, ok na ok na ako may bonus pa nga  eh...masosolo kita!!!

"Sayang nga eh di sila nakasama..." kahit sa loob ko tuwang-tuwa ako sa mga nangyayari ngayon. Thank you Lord!!! Makapagsimba nga bukas!

"So, bukas na pala yung game niyo. I'm sure na kayo mananalo bukas syempre isang Gab Mendoza ba naman yung kalaban nila. Taob sigurado sila!!!" excited na ko

"Sige para sayo --- este para sa school papanaluhin ko yun"

"Ah cge manunuod ako para makita ko kung pano matambakan yung mga kalaban niyo ha"

"Dapat lang, dahil  kailangan ko ng inspiration at ipapanalo ko yun dahil sa yo"

"ha?"

"Ahhh sabi ko pumunta ka kase kailangan ko ng taga-cheer sa kin"

"Sus yun lang pala, asahan mo ko"

"Sige Anj, Matulog ka muna malayo-layo pa yung byahe. Gisingin na lang kita pag nandun tayo"

"kdot"

---

Enchanted Kingdom )

"Anj, gising na nandito na tayo" napasarap na yata yung tulog ko ah. Gusto ko ng fresh air!!! Makalabas na nga. Pinagbuksan pa ko ng pintuan ni Gab nakalimutan ko yatang gentleman pala to HAHAHA...

"WOW ANG GANDA PA RIN DITO!!!" huling punta ko yata dito... hmmm I think 9 years old pa ko nun. Pero parang walang pinagbago dito parang dati lang. Haaayyy Good memories....

 "Saan mo muna gustong pumunta?"

 "Kahit saan basta kasama ka"

"ha?"

"S-sabi ko kahit saan basta masaya!" Da hell Anj pinapahamak mo sarili mo.

( 1 hour later )

"Gab kukuha lang ako ng pamalit ha?"  tapos binigay niya sa kin yung susi ng kotse niya. Umo-order na kase siya ng lunch namin. Tapos gumora na ko sa parking lot.

( Sa loob ng kotse)

"San ko ba nalagay yun?"

"Ayun nakita ko na! Tatanga-tanga na naman ako oh"

*krrriiing* *krriiing*

"Jusko nagulat ako dun ah!"

Teka di ko naman cp yun ah................. Ah kay Gab pala, naiwan niya siguro. May nag-text . Di ko sinasadyang mabuksan yung text message. 

~~~

From: 09*********

HI FAFA GAB!!! GOODLUCK FOR TOMORROW'S GAME!!! LUV U SO MUCH!!! SANA MAPANSIN MO NA KO!!! BTW MY NAME IS ARRA!!!

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon