ANJELIE's POV
" ATE ANJ TARA NA SA MALL!!!!!! " ano ba 'to sobrang excited ni Ashley magshopping
" andyan na!!! " nag-aayos pa kase ako sa kwarto ko, simple lang naman yung isusuot ko simpleng blouse at jeans, tapos naka doll shoes at simpleng make-up.
" Antagal-tagal mo namang magbihis parang forever ka na don sa kwarto mo" aba sya pa yung may ganang mag tampo eh pinilit niya lang naman akong sumama sa kanya ngayon
" andito na nga oh baka gusto mong bumalik ako sa taas at matulog na lang" nakakaperwisyo tong batang to
" ikaw naman ate Anj di mabiro joke lang yun ikaw naman labs na labs kita eh, tara na sa maaaallllll !!!!" sabay hila niya sa kin sa labas
***
(Mall)
"OMG ANDAMING SALE!!!" sobrang hyper na naman nito. Kung san-san ako hinihila nakikipagsiksikan kung san-san sulok para siyang dagang nakalaya.
"Ate dali dito!!!" tsss... ano bang silbi ko dito ang totoo mag-shopping o tagabitbit lang ng gamit. Aba hindi pang bit-bit lang ng gamit yung beauty ko noh. Sumosobra na tong si Ashley masigawan nga
"Hoy Ashley ginagawa mo lang naman akong taga bit-bit ng gamit mo ah atsaka andami mo ng nabilin----"
" ATE ANG INGAY-INGAY MO NAMAN KITA MONG NAMIMILI AKO DITO!!! CAN YOU SEE IM BUSY HERE SO PLEASE SHHHH" tapos nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya at nag-shhhhh sa kin
Aba talagang anak naman ng siopao tong si Ashley ako pa yung pinagalitan. Hanggang sa umupo na lang ako sa bench para intayin siyang matapos. 15 minutes.......30 minutes..... 1 hour....... ok im so bored na!!! Kailangan ko munang maglakad-lakad kase baka mamatay ako dito sa bagot. Nakakatakot yung itsura ni Ashley pag namimili parang makakapatay pag di niya nabili yung gusto niya parang managagain ng tao kaya mas mabuti kung iiwan ko na muna siya. Tinext ko na muna siya na mag roroam around muna ako dito sa mall tutal 1 na kakain muna ako late na nga eh
***
KFC
" Goodmorning ma'am can i get your order?"
" ah 2 pc chicken, 1 spaghetti, 1 chicken burger, 1 chocolate tiramisu and a regular coke"
" is that all ma'am?" para bang nagtataka siya sa dami ng inorder ko
" ahh yes"
"ma'am are you sure?"
" miss sobrang sure ako sa sagot ko, ok"
" ma'am last na are you really sure talaga kase po andami nyo pong inorder tapos para sa inyo lang po yan" aba at siya pa ang nagduda ha
" miss hinde naman ibig sabihin na babae ako eh hindi ko na kayang ubusin yang ioorder ko kase FYI tao ako at nagugutom. Pangalawa SOBRANG GUTOM NA GUTOM NA KO so ano ba ibibigay mo ba sa kin yung inorder ko o lilipat ako ng ibang restaurant para dun na lang kumain o baka gusto mo ipatawag ko pa yung manager mo para sabihing nagdududa yung mga staff niya sa mga inoorder ng mga customer nila. So ano pick one ang CHOOSE WISELY!!!"
" E-eto namang si ma'am di mabiro joke lang po yun eto na po yung order niyo please wag niyo po akong icomplain sa manager ko please po wag" nakakaimbyerna tong cashier na to ah. Gutom na gutom na yung tao iniiis pa. At ayun nakahanap na ko ng mauupuan. Ok time na para lumamon!!! Salamat sa pagkain!!!
Si Ashley kaya kumusta na nakakain na ba yun.......... sus kaya niya na yung sarili niya pinagtabuyan pa nga ako eh malaki na yun tatawag naman yun pag may nangyaring masama dun kaya ok lang. Grabe nabusog ako sa kinain ko. Tapos lumabas na ko ng KFC.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
Teen FictionDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Do you believe that anything happen for a reason? That LOVE moves in mysterious ways? What happen when 2 people meet in an incidental way? Na bigla na lang may papasok na Unknown Specie sa buhay mo...