7

169 8 4
                                    

GAB’s POV

“Mendoza, come here” tinawag ako ni coach

“yes sir!!!” siguro may practice na naman kami, malapit na rin game namin eh

“Anj mauna ka na, magpapractice yata kami!!!” sinabi ko kay Anj

“Ok! galingan mo ha!” nag thumbs-up siya sa akin tas tumakbo na siya papuntang klase

Nakakatuwa talaga siya matagal-tagal na rin tong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko lang masabi-sabi sa kanya kase nahihiya ako at baka hindi pala niya ako gusto. May mga times na rin na balak ko siyang ligawan pero hindi ko nagagawa kase minsan may practice kami at may laban. Kaya para makabawi ako sa kanya sinasamahan ko siyang magshopping, gumala, at kumain. Hindi naman ako nababagot pag nagshoshopping siya kase lahat naman ng tinatry niya eh bagay sa kanya. Mapa-dress, blouse, pants, etc. simpleng t-shirt nga bagay na bagay na sa kanya.

Masayang-masaya na ako pag ngumingiti siya. Halos araw-araw ko nga siyang nakikitang ngumingiti eh kaya hindi ako nalulungkot. Ayoko siyang napapahamak, nagagalusan at nakikitang umiiyak. Huling beses ko siyang nakitang umiyak nung namatay yung daddy niya yun lang. Pag gumagala naman siya kasama yung mga friends niya, every hour ko siyang tinetext o di kaya tinatawagan para lang masure na ok lang siya. Minsan nga sobrang selfish ko na, nagseselos ako sa mga friends niya kase palagi silang gumagala at magkakasama, nahahati tuloy yung time niya para sa akin. Ako na din ang kusang nagsabi sa mommy niya na ako na lang ang maghahatid at magsusundo sa kanya sa university kase ayaw ko talaga siyang mag-commute, pero marunong naman siya. Madami kaseng holdapper at nangkikidnap diyan baka mamaya mapahamak pa siya. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanyang masama. Ganun ko siya ka-mahal.

“oh guys malapit-lapit na rin ang game natin laban sa ******* university ha, dapat magpractice tayo ng maigi para manalo ok!!!”

“YES COACH!!!!” we all said in chorus

“Kaya dapat natin panaluhin ito para makasama tayo sa Finals!!!”

“YES COACH!!!!” we all said in chorus

“MENDOZA!”

“yes coach?”

“galingan mo at ng team ha, I have big expectations in you”

“we will do our best coach”

“im counting on you”

“yes coach”

“you have my word” tas umalis na si coach at nagpractice na kami

Eto ang ayoko eh sa akin lahat binibigay, pinipressure nila ako hindi naman ibig sabihin na ako yung captain ball ako na lahat ang gagawa. Lahat sila anlaki ng expectation sa akin. Gusto kong sabihin sa kanila na “hindi lang naman ako ang naglalaro sa team na toh madami kami kaya wag niyo kong pinipressure!!!” Gusto ko na din umalis sa team kase napapagod na ko parang ako lang naman ang gumagalaw sa team ko eh, pero ayaw ni Coach. Sinabi ko na din sa kanya na last game ko ito. Ang sabi naman ni coach papayag siya pero pag nanalo kami sa laban sa Linggo hindi ako aalis. Napag isip-isip ko rin na pag pinatalo ko yung game at umalis ako sa team kawawa naman yung mga team mates ko. Kaya hindi rin pwede. Haaay dahil dito mababawasan na naman yung oras kong makakasama si Anj. Dumadami na rin kase yung mga umaaligid na lalake sa kanya. Kaya dapat palagi akong nasa tabi niya. Buhay nga naman hindi mo alam kung kelan magbabago to.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon