Ilang beses ding kinokontak ni kevin si jha..ngunit hanggang ngayon busy ang line nito.
inaamin nya na nagkamali sya sa sinabi rito kamakailan sa camping site..
Nadala lang sya sa init ng ulo..
Laking pasasalamat nga nya na di totoong napatay nya ang kasintahan..
Mag one year and four months na silang nagsasama at kahit kailan di nya ito pinakitaan ng kagaspangan ng ugali..
Doon lang sa camping site..
Inis na inis na sya sa di pagsagot nito ng phone..
Pabalya nyang ipinarada ang kotse sa labas ng condo nito..at mabilis na umakyat sa taas kung saan ito nakatira.
Malakas at sunod-sunod ang ginawa nyang katok.
Pinagbuksan naman sya nito at nakataas ang kilay na tumingnin sa kanya...
"What do you want? Oh, its not clear pala noh---,"sabay kambal na sampal ang ginawa nito sa kanya..
"where over! So get lost!" Galit na sigaw ni jha ngunit bago pa man isara ang pinto..
Nahaging ng mata ni kevin ang nakatayong multo ni hanna sa likod nito...
Nakatawa ito...
Napatulala naman sya at kinabahan...
Baka kung anong gawin nito kay jha...
Muli ay kinatok nya ang pinto...
Ngunit nanatiling sarado ang mga tenga ni jha..
Umiiyak itong nakahiga sa kama...
Ilang oras ding naghintay si kevin sa labas ng pinto ni jha...
Ayaw nyang madamay ito sa kung ano mang ginawa nila noon..
Napa sabunot sya sa buhok at yumuko..
Nakaramdam sya ng pagsisisi sa kahayupang ginawa nya noon..Dahil marahil sa epekto ng shabu kung kaya't nagka ganun sya..
Ilang minuto ang lumipas at nakaramdaman sya ng panlalamig ng katawan...kasabay ang pagpatay sindi ng mga ilaw sa hallway..
Umihip ang malamig na simoy ng hangin na nagpataas ng balahibo nya sa katawan..
Nang tuluyang mawalan ng ilaw...
Gumapang ang kilabot sa kanyang kalamnan,...
At sa di kalayuan may narinig syang ungol kasabay ang langitngit ng mga pintuan...
BOOOM!!!
Nang magkailaw..
Muntik ng lumuwa ang puso ni kevin sa nakita...napayuko syang muli at sabay kurap ng mata..
Hiling nya na sana di totoo ang nakikita nya ngayon at katulad ng unang nangyari namamalik mata lamang sya..pinaniniwala nya ang sarili na namamalikmata na namn sya..
Dahan dahan syang nagtaas ng tingin para tingnan ang taong nakatayo sa kanyang harapan...
Nakita nya ang mga paa nitong may bahid ng pinaghalong putik at dugo..
Pataas ng pataas ang mga mata niya hanggang makita ang mukha ni hanna...
Nakatitig ito sa kanya na puno ng galit at nalilisik ang mga mata...
Kevin was totally terrified shock at di
makakilos at makapagsalita man lang..
Nang dadambahin na sya ni hanna.....
"Kevs!kevs!kevs! Baby! W-whats happening to you?!"
Malakas na yugyog ni jha sa balikat nya..
Umiiyak ito at puno ng pag aalalang nakatingin sa kanya..
Nagbalik naman ang ulirat nya...
At napayakap sya sa dalaga ng mahigpit...
"Oh, baby I'm so sorry !" Umiiyak nyang sabi rito.
Makalipas ang ilang sandali pinapasok na ni jha si kevin sa loob..
Nanlalamig pa rin ang binata dahil sa nangyari kanina.
Tinabihan nya ito at hinawakan ang kamay sabay pisil nito..
Napatitig tuloy si kevs sa dalaga..
"love you,baby."
Yon lang ang salitang naisatinig ni kevs sabay muling yumakap sa dalaga..
Gumanti naman ng yakap si jha...
"I love you too,baby."Bulong nito sa tenga ni kevs..
Nang hawakan ni kevs ito sa balikat para ilayo ng konti..
Naramdaman nya ang panlalamig ng katawan ng dalaga..
Napatingin tuloy sya rito..
"A-ang lamig mo.?"tanong nya rito ng mailayo at matitigan sa mukha.
"Maybe because of the aircon, baby." tila nanginginig na sagot nito na parang may pinipigil sa kalooban nya.
"A-are you o-ok?" Nag-aalalang tanong nya muli..
"J-just l-leave!" Garalgal na sabi nito na di na mapakali...
"Whats wrong!!?Napalakas ang tanong ni kevs..
Tumingala ito sa kanya sabay tulak...
"R-run! Please! Run!" Pakiusap nito sa kanya habang nanginginig ang katawan..
Umikot ikot ang ulo ni jha sabay nagbabago ang itsura...
"RUUNNNNN!!!!" Sigaw na muli nito sabay nagbago ang itsura at naging si hanna..
Dahil sa takot napatakbo si kevin..
Totoo ba ang nakita nya ngayon lang?
Ang babaeng pinakamamahal nya--
Sya pa ang sinapian ng kaluluwa ni hanna?
Nagpatuloy sya sa pagtakbo at nang makarating sa baba agad nya pinasibat ang sasakyan...
Dinaan nya sa mabilis na pagpapatakbo ang nararamdamang takot at pag aalala kay jha.
Napahagulhol sya ng iyak..
At isinubsob ang mukha sa manibela...
Napatingin lang sya sa harapan ng marinig ang malakas na busina ng track na kasalubong nya...
Huli para makaiwas pa sya, isang malakas na salpukan ang nangyari ilang beses nagpagulong gulong ang sasakyan ni kevs sa kalsada..
At ng tumigil ito nakaramdam si kevin ng pamimigat ng ulo.
Pero ininda nya yon at sinikap nyang magmulat ng mata.
pinilit nyang kumilos ngunit wala ng pakiramdam ang mga paa nya.
Napapikit sya sa sakit na nararamdaman nya ngayon...
unti-unti nakakaramdam na sya ng pamimigat ng talukap ng mga mata.
At ang huling bagay na nakita nya ay ang nakangiting larawan ni jha na nakasabit sa harapan nga kotse nya..
napangiti sya at tuluyan na syang nawalan ng ulirat....
TO BE CONTINUE.....
. mute tears:'(
BINABASA MO ANG
The face of death
ParanormalAll about revenge of hanna to the people who've violence raped and murdered her.. This story is rated PG.