.*FINISHED EPILOGUE*
Nagising si jha nang maramdaman ang sakit at hapdi ng likod dahil sa ginagawang pagkaladkad sa kanya...
Nakita nyang hawak ng isang lalake ang paa nyang nakatali...
Habang patuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa kanya .
Naramdaman nya ang pananakit ng ulo sa parteng sintido dahil sa nangyaring pagtama ng kung anong matigas na bagay na ipinalo sa kanila bago sila mawalan ng malay...
Hindi sya makasigaw dahil na rin sa tape na nakadikit sa kanyang bibig..
Humahapdi na ang kanyang likod pakiramdam nya sugat sugat na ito dahil sa ginagawang pagkaladkad sa kanya..
Ilang sandali pa at tumigil na ito sabay ibinalya sya ng lalaki sa isang sulok.
Gusto na nyang maiyak sa sakit dahil sa pagtama nya sa nakausling bato roon.
"Aahhh!"naidaing nalang nya.
Pinilit syang nagmulat ng mata upang hanapin ang kanyang asawa..
"Oh my God! Baby? Nasaan ka na? Please don't take him away from me." Puno ng kabang dalangin nya sabay tingala sa langit..
Nanginginig ang buo nyang katawan sa nararamdamang kaba at takot..
Napaisip sya..si hanna ba ang may kagagawan nito?
Bakit sumanib sya sa isang lalaki?
Natigilan sya sa pag-iisip nang mapansin nyang may papalapit sa kinaroroonan nya.
At nang makita nya kung sino ang kinakaladkad ng lalake.
Pakiramdam ni jha nadurog ang puso nya ng makita si kevin na dumudugo ang ulo habang may malaking hiwa ito sa braso..
Gusto na nya itong tawagin ngunit ungol lang ang lumalabas sa nakatape nyang bibig..
Napasin naman sya ng asawa at napadako ang tingin sa kanya..
Kahit hirap na hirap si kevin sa kalagayan nagawa pa nitong ngumiti para wag syang mag-alala.
At katulad nya ibinalya rin ito ng lalaki di kalayuan sa pwesto nya..
Pareho silang nakatali at may tape sa bibig..
Panay tulo ng luha ni jha dahil sa takot,kaba at habag sa asawa..
Pareho silang nakatingin sa isa't-isa...
Ilang sandali lang nakarinig nila ang mga yabag papunta sa kanila..
Lumitaw sa madilim na bahagi ng gubat ang isang babae na kapwa nila ikinagulat ng makita.
"Alam kong marami kayong nais itanong...sabi ko naman kasi sayo jha, may iba na akong puppet di vah?"nakangising sabi nito..
Naglakad ito patungo sa kinaroroonan ni kevs sabay hawak sa baba at itinaas ang mukha..
"Ikaw nalang ang natitira, naghihintay na sila sayo," mahinang bulong nito sa tenga ni kevs...
"Its too bad, kasi uunahin ko ang asawa mong patayin kaysa sayo," patuloy nitong bulong.
Nanlaki naman ang mga mata kevs sa narinig.
Napuno ng takot ang kanyang dibdib para sa aswang si jha.
Napabaling ang mga mata nya rito at matalim na titig ang ibinigay nya sa babae.
"I like to see your anger, ano kayang pakiramdam na pinanunuod mong unti-unting namamatay ang mahal mo sa mismong harapan mo?"gumuhit ang mala demonyong ngiti sa labi ng babae sabay labas ng itinatagong palakol sa likod..
BINABASA MO ANG
The face of death
ParanormalAll about revenge of hanna to the people who've violence raped and murdered her.. This story is rated PG.