"O Cassandra hija, nandito ka na naman. Tumakas ka na naman noh?" si Manong Jose, ang may-ari nang coffee shop na lagi kung pinupuntahan kapag tumatakas ako sa mga problema ko. Dito kasi sa coffee shop ni Manong Jose napaka-peaceful nang lugar, makakuha ka talaga nang peace of mind, tapos maliit pa siya kaya hindi masyado marami ang mga tao na naandito.
"Kilalang -kilala niyo po talaga ako." tapos tumawa ako sa kanya. Parang ama ko na yang si Manong Jose, anak din naman kasi ang turing niya sakin. Since college pa ako laging pumupunta dito, until now na may trabaho na ako, hindi ko parin makakalimutan 'tong lugar na'to na laging nakakapagbigay nang peace of mind sakin, everytime na may problema ako o malungkot.
"O hija, maiwan na muna kita dito, may aasikasuhin lang ako sa likod. Feel at home ka lang diyan, hija." tapos ngumiti siya bago umalis.
"Salamat po Manong Jose." and I smiled. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa sa librong dala ko pagkaalis ni Manong. Kapag pumupunta ako dito, lagi akong may dalang librong gustong basahin,nakakapag-concentrate kasi ako dito. Napatingin naman ako sa bagong pumasok, ang lakas lang kasi niyang isara ang pinto, parang galit lang.
Nagulat ako sa taong kapapasok lang, hindi ko maimagine na pupunta siya mga ganitong klaseng lugar, ayaw niya sa mga mahihirap na lugar tapos makikita ko siya dito. Minsan na niya ako ipinahiya sa mga tao dahil lang sa mahirap ako at dun nagsimula ang rivalry namin. Siguro nagtataka na kayo kung sino ang sinasabi ko, siya lang naman si CEDRIC TUAZON, ang hambog na lalaking nagpahirap sakin since highschool. Hindi niya ata ako napansin, ang lalim kasi nang iniisip. Umupo siya sa may counter at umorder. Nilapitan ko, just to make sure na siya talaga ang nakikita ko. Nasa gilid na niya ako, hindi pa rin siya lumingon sa side ko, ang layo na siguro nang naabot niya sa lalimba naman nang iniisip.
"Anong ginagawa nang isang CEDRIC TUAZON sa isang MAHIRAP na lugar??? Mahirap ka na ba ngayon???" sabi ko sa kanya. I laugh sa huli kung sinabi, kasi alam kung impossibleng maging mahirap siya. Sobrang yaman kasi nang pamilya niya mula pa siguro sa mga ninuno nito. He look at me with blank face, as usual.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako. Tskkk… Tsskk.. Hanggang ngayon pa ba, patay na patay ka parin sakin." wow! What a nice of a greeting! Ang kapal lang nang mukha! Ang taas nang tingin sa sarili. Tinaasan ko siya nang kilay.
"Hanggan ngayon, MAKAPAL parin talaga ang mukha mo. DREAM ON, Mr. Tuazon! Baka ikaw diyan ang sinusundan ako, aminin mo na kasi na ikaw 'tong patay na patay sakin." ganti ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"Ikaw ata 'tong nangangarap!Hah! You're still funny! And mind you Ms. Cruz, hindi ko type ang isang babaeng katulad mo. SO SIMPLE." ganti naman niya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tumawa pagkatapos. Naka-t-shirt at jeans lang kasi ako ngayon. Kapal talaga nang kumag! Ang alam ko engagement party niya ngayon, he should be with his fiancee.
"Kapal lang! Diba engagement party mo ngayon, why are you here? Tssk.. Tsskk... Oh…. I can tell, hindi ka sinipot nang bride mo… ah……. Poor you…" Tinapik-tapik ko naman ang balikat niya, na parang nakikisimpatya, tapos tumawa ako.
"Oh well!! That's life! Better luck next time! CIAO!!!" kumaway na ako sa kanya at tinalikuran siya. Wala kasing kuwentang kausap.
BINABASA MO ANG
Sealed with a kiss
Romantik"Umalis ako sa engagement party ko with chelsea to be with her. Girlfriend ko siya since college, ngayon lang ulit kami nagkita and I just realized I still loved her that's why I ask her to marry me and she said yes. My engagement with chelsea is ju...