" Guys I need your help." sabi ko sa kanila. Bigla naman akong tinignan nang masama. Anong mga problema ng mga 'to,kung makatingin parang may ginawa akong masama.
" O ba't kayo ganyan makatingin?" usisa ko, kainis kasi makatingin.
"Siguruhin mo talagang seryosong tulong ang hinihingi mo ha?! Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sakin noon, mahirap kalimutan yun noh!" asik ni Ali sakin. Naman, grabe hindi nakaget-over.
"Seryoso ako this time! I really need your help."pagsusumamo ko sa kanila.
" O anong problema mo?!" asik naman ni Tricia, galit talaga 'tong mga to sakin.
"Ininvite ako ng mommy ni Cedric in a dinner. So I need your help para ayusan ako. Malay ko ba sa mga ganyan-ganyan eh. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan." Nagtinginan naman silang apat na parang may mga binabalak. Naku! Alam ko yang mga titig nayan eh.!
"Guys! I'm serious! Please walang kabulastugan please. This is important." inunahan ko na ang mga ito, parang may mga binabalak lang kasi.
"Kung makasalita ka naman parang may gagawin kaming hindi maganda. Just seat back and relax. Kami na ang bahala sayo. Right My FRIENDS?!!!!" sigaw ni Megan, kailangan ba talagang isigaw. Bigla naman akong hinila ni Tricia sa kwarto ko at sumunod silang apat at nagsimula na sa malagim na plano nila.
Nagulantang nalang kami nang may biglang kumatok sa pintuan nang apartment ko. Kaya natauhan ako, tinignan ko ang oras sa may side table ko at exactly 7pm na nga. Time-conscious as always ang unggoy.
"Guys okay na ba talaga ang itsura ko?" tanong ko sa kanila. Kasi ewan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
"Perfect!" sabay pa nila tapos tumawa. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
"Ano pa ang hinihintay mo, buksan mo na ang prince charming mo. Bilis! Tignan lang natin kung hindi matulala yan sa ganda mo." sabi ni Ali.
"Guys, stop it! Kasi impossible, okay."
"Okay sabi mo eh." Binuksan ko na ang pinto, at tumambad sakin ang pagmumukha ni Cedric na parang naiinip na. Kaya sinimangutan ko siya, sira na kasi agad ang gabi ko.
"Ang tagal mo naman! Bilisan mo nga!" tapos tinalikuran ako. Wow! Spell MANNERS!!! Nakakagigil talaga! Ang sarap hampasin nitong takong ko!!!
"Aii… parang deadma ang beauty mo my friend. Maybe next time." tapos pinagtawanan lang ako. Sige magsama silang lahat! Kaya sa inis ko hinablot ko nalang bigla ang bag ko at walang lingon- likod umalis na ako. Hindi ako nagpaalam, sobrang nakakainis! Paglabas ko nakita ko siya naka-upo sa hood ng sasakyan niya. Sa sobrang inis ko, pumasok nalang ako bigla sa sasakyan niya at binalibag ang pinto. Talk about manners pala ah! Nagulat naman siya sa ginawa ako kaya sumakay na siya.
"Sisirain mo ba ang baby ko ha?!" sigaw na niyan sakin. Hindi ko siya pinansin bahala siya manigas diyan! Talak ng talak lang siya pero ni isang salita walang akong sinabi. Nakakainis lang diba, ang sama talaga ng ugali. Hanggang sa nakarating na kami sa mansyon nila. Bigla na naman akong sinaliban ng nerbiyos.
BINABASA MO ANG
Sealed with a kiss
Romance"Umalis ako sa engagement party ko with chelsea to be with her. Girlfriend ko siya since college, ngayon lang ulit kami nagkita and I just realized I still loved her that's why I ask her to marry me and she said yes. My engagement with chelsea is ju...