Habang papunta sa office niya, hindi ko siya inimik dahil sa ginawa niya sa office kanina. Ang kapal lang talaga ng mukha. At saka wala din siyang kwentang kausap, in short BORING!
"Iba na talaga kapag gwapo, ang daming tumitingin. Nakakasawa na nga paminsan-minsan eh, diba?" pagtatalak niya habang nagmamaneho siya. O diba ang hambog lang, alam mo yung feeling na ang sarap nang pumatay ng tao, pero nagpipigil ka lang, yun kasi ang nararamdaman ko, ngayon. Parang wala lang yung nangyari kanina. Hindi ko parin siya inimik,bahala siya diyan.
"Tapos sobrang hot ko pa! mayaman pa! at wag kalimutan, ang talino ko rin!" tapos humiyaw pa ang unggoy, parang baliw lang. Ganyan lang siya hanggang sa nakarating na kami sa company niya, para talaga siyang baliw, talak ng talak pero wala namang umaayon.
Pagdating namin sa building, sinalubong agad siya ng guard at binigay naman niya ang susi ng sasakyan niya, tapos bumaba na kami. Pagbaba ko, naramdaman ko agad ang mga tingin ng mga tao sakin, kaya yumuko nalang ako para sumunod sana sa unggoy, pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko, so parang nag-holding hands na kami, kaya kinuha ko ulit ang kamay ko pero, shit lang, ang higpit ng pagkaka-hawak niya sa kamay ko, kaya wala na akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa building, ang daming bumati sa kanya, kaya yumuko nalang talaga ako, kasi sobrang nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit sinapian ako ng hiya ngayon, hindi naman ako ganito, sobrang comfortable ko nga makipag-usap sa tao. Tinanguhan lang niya lahat ng bumabati sa kanya hanggang sa makasakay na kami sa evator. Nakahinga ako ng maluwag ng kami lang ang tao sa elevator, kaya kinuha ko na talaga ang kamay ko na nasa kamay niya. Nakakadiri talaga na isipin na nakipag-holding hands ako sa kanya, sobrang nakakasuka lang talaga, hindi niyo ako masisi, sobrang sama ba naman niya sakin noon.
"I want to warn you, my mother is waiting for me in my office. So we have to act that we are in love with each other." sabi niya sakin. YUCK!!!! Nakakadiri talagang isipin, na in love ako sa kanya. So GROSS!!!
"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ka naman nagtanong. So I thought you don’t want to know." sabi niya. MY GHAD! Ano na ang gagawin ko, sobrang sungit pa naman ng mommy niya. At nung nasa floor na kami ng office niya, parang ayaw kung lumabas ng elevator. Nung napansin niya na hindi ako sumunod sa kanya, bigla ba naman akong hinila ng sobrang lakas, kaya napasubsub ako sa dibdib niya. Ang tigas naman ng dibdib niya, parang puro buto lang ang laman. Bigla naman akong lumayo nang may tumikhim sa harapan namin.
"Hijo, nandito ka na pala…. I mean kayo." pagkatapos tumingin sakin, ngumiti lang ako ng pilit. This is so nervous. Napansin ko naman na kasama pala ng mommy niya si Chelsea, na ang sama ng tingin sakin, ningitian ko nalang siya, wala lang trip ko lang.
"Why are you here, mom?"tanong naman ng unggoy. Naramdaman ko nalang na may mainit na bagay sa kamay ko, kaya napatingin naman agad ako. Nagulat ako ng kamay pala niya kaya tinignan ko siya, nakatingin din pala siya sakin, ningitian lang niya ako, kaya ngumiti nalang din ako nadala ako sa ngiti niya eh.
" Wala, binibisita ka lang. Bawal na bang bisitahin ang anak ko?" sabi naman ng mommy niya. I know that it is sarcastic. " And I want to meet my future daughter-in-law. Nice meeting you, my dear" sabay hawak sa kabilang kamay ko, napansin niya siguro na ang isang kamay ko ay hinawakan ni Cedric kaya ang kabila nalang. Tinanggap ko naman, at nakipag-shake hands.
"Nice meeting you din po." sabi ko, tapos bigla namang tumikhim si Chelsea kaya napatingin kami sa kanya.
" Oh! I'm sorry, my dear. By the way Cassandra, this is Chelsea, Cedric's ex- fiancee." nagulat naman ako sa pagpapakilala niya samin ni Chelsea, wala kasing paliguy-liguy kumbaga straight forward. Kaya ngumiti ako ng kyime kay Chelsea, and extended my hand, pero hindi niya kinuha tinignan lang niya kaya kinuha ni Cedric ang kamay ko at hinawakan.
"Cut the CRAP, mom!" sigaw niya sa mommy niya, pagkatapos kinaladkad ako papuntang office niya. Ngayon ko lang napansin na nasa corridor lang pala kami kanina, kaya pala ang daming taong nanonood. Bigla niya binalibag ang pinto kaya nagulat ako.
"SUSMARYOSEP!" sigaw ko sa kanya. Buwisit talaga, sobrang nagulat ako dun ah. "Pwede ba, magdahan-dahan ka naman!" sigaw ko pa sa kanya. Hindi lang pinansin ang pagsigaw ko sa kanya, umupo lang sa chair niya at ibinigay lang sakin nang padabog ang isang folder, kaya nahulog.
"ABA'T IKAW PA ITONG GALIT! AKO NA NGA ANG NAAGGRIBYADO!" sigaw ko pa sa kanya. Hindi parin pinansin ang pagsigaw ko, kinuha lang yung phone niya sa bulsa niya at may tinawagan. WOW, WHERE'S THE MANNERS MAN! Ang sarap suntukin!
Kaya kinuha ko nalang ang folder na nahulog sa sahig at tinignan ang laman nito.
RULES, REGULATION, TERMS AND CONDITION
NO ONE SHOULD KNOW OUR AGREEMENT. NO EMOTIONS ATTACH. RESPECT PRIVACY WITH EACH OTHER.
Teka ito na ba yung terms and condition namin, parang ang unfair naman ata na siya lang gumawa, dapat may idagdag din ako, para patas ang laban na ito.
"Teka! Hoy! Ano 'to? GINAGAGO MO BA AKO?!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman niyang binaba ang phone niya at tinignan ako ng nakakatakot, pero hindi uubra sakin ang ganyan.
" Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang?"
"Hoy! Ang kapal mo ha! Anong gusto mo'ng palabasin na ikaw lang hari dito sa arrangement natin! Hindi maari yan! Dapat ako, kasi ako ang pinasok mo sa gulong 'to.!"
"Logically speaking, you're not a guy to become a king. Babae ka kaya kahit ano pa ang gawin mo, impossible kang maging hari." talagang may gana pa siyang mamilosopo.
"Joke ba yun? Ang LOW talaga ng SENSE OF HUMOR MO!Hindi kasi nakakatawa."
" Bakit sinabi ko bang JOKE yun?" tapos ngumisi ba naman ng nakakaloko.
"Kung ganyanan naman pala, humanap ka ng ibang babae na kayang pagtiyagaan ang ugali mo." sabay tapon sa mukha niya ang folder na hawak ko, at sapol naman siya. Tapos kinuha ko ang bag ko.
"WHAT THE FUCK?!" react niya.
"what-the-fuck-what-the-fuck ka diyan! Pa-sosyal ka masyado! TSE!!" sabay walkout ko. Ang kapal ng mukha. Bubuksan ko na sana ang door ng office niya ng hinila niya ako pabalik.
"Okay fine, gawin natin ulit."
BINABASA MO ANG
Sealed with a kiss
Lãng mạn"Umalis ako sa engagement party ko with chelsea to be with her. Girlfriend ko siya since college, ngayon lang ulit kami nagkita and I just realized I still loved her that's why I ask her to marry me and she said yes. My engagement with chelsea is ju...