Thank you Sis, for adding my story to your reading list. I appreciate it, a lot!
********************************************************************************************************
Sinumang bang hindi… kanina nga lang sa office niya parang gusto na akong patayin ng mommy niya sa sobrang galit.At sobrang nakakatakot kaya ang pamilya niya, ma-impluwensya pa. May naramdaman naman akong mainit na bagay sa kamay ko kaya tinignan ko ito. Nagulat ako, kasi kamay pala niya ang bigla nalang dumapo sa kamay ko kaya iwiniksi ko ito, nakakarami na kasi eh.
"Aray! Ikaw na nga itong tinutulungang kumalma diyan, ikaw pa ang may ganang magalit." sabi niya habang nakabusangot ang mukha. Kung hindi lang ako kinabahan ngayon, sasabihin ko na ang cute niya habang nakabusangot ang mukha. Ay! SHIT!!! Sinabi ko ba talaga yun! Erase… erase….erase…..
Inirapan ko lang siya, at lumabas na ako ng sasakyan. Paglabas ko may sumalubong na mga katulong samin, kaya no choice ako kundi kumapit sa braso niya. Bigla namang umismid ang unggoy at ngumisi ng nakakaloko. Sa sobrang inis ko, siniko ko siya nang pagkalakas-lakas, ngumiwi lang siya at hindi na nag-ingay, nandiyan na kasi ang mga magulang niya. Kinabahan na naman ako, buwisit naman kasi 'tong unggoy natu kung hindi niya ako dinamay sa gulong pinasukan niya hindi na sana ako nandito.
Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kanya, nagulat naman ako kasi nakatingin na siya sakin. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin basta tinanggap ko nalang ang kamay niya at hindi na nagprotesta pa. Ewan ko kung guni-guni ko lang ba nung nakita ko siyang ngumiti nung tinanggap ko ang kamay niya.
"Nandito na pala kayo." panguna ng daddy niya. Ngumiti ako ng kyime sa daddy niya, kinakabahan kasi ako. Naramdaman ko nalang na humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya tinignan ko siya, straight lang yung tingin niya sa daddy niya, ewan ko kung tama ba 'tong naramdaman kung masamang hangin ang nakapalibot sa bahay nila o guni-guni ko lang.
"Good Evening po sir." bati ko sa daddy niya para ma-ibsan ang masamang hangin sa pagitan nila. Tumingin naman ang daddy niya sakin, ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. Nakahinga naman ako ng maluwag, medyo okay naman pala ang daddy niya akala ko mas masahol pa sa anak niya sa kasamaan ng ugali kumbaga.
Sabay-sabay kaming lumingon sa bandang kusina nila ata, nung lumabas ang mommy niya.
"Louie? What are you doing here?" pagtatanong niya sa kasama nang mommy niya palabas sa kusina nila.
"Hey Couz!... Well tita invited me. You know me, I can't say no to tita." tapos tumingin siya sakin. Mga gwapo talaga ang mga lahi ng unggoy na'to.
"Mom? Why?" tanong niya sa mommy niya.
"For more companions, the more the merrier, my son." hindi ko alam kung nag-papatawa ba ang mommy niya o seryoso ito, ang seryoso kasi ng mukha at ang rason parang out of the world.
"Nagpatulong din siya kay mommy to cook some food, anyway Cass long time no see!" tapos niyakap ako ng mahigpit na mahigpit, kung maka-react 'tong lalaking 'to parang sobrang close kami. Bigla naman siyang hinila ni Cedric.
"That's enough." sabi niya kay Louie na nakataas ang kilay. Ngayon ko lang napagmasdan ang suot niya at sobrang bagay pala sa kanya ang mga ganyang klaseng pananamit. Nakasemi- formal lang kasi siya. Napabalik naman ang tingin ko kay Louie nung nagsalita siya.
"Hmmm.. Interesting." tapos biglang kumindat sakin. Bigla namang tumaas ang mga balahibo ko sa may braso, parang nakakatakot kasing ngumisi. Nginitian ko lang ng pilit para hindi naman bastos tignan lalo na nag-oobserba ang mommy niya sakin.
"That's enough boys! Anyways, Cassandra, hija, I just want to say sorry sa inasta ko kanina sayo sa office. It's just that, nasaktan lang ako nung hindi ka pinakilala sakin ni Cedric na to think since gradeschool palang kayo magkakilala. As a mother, I felt betrayed." grabe ang drama pala nang mommy niya, hindi ko expected 'to. Bigla naman akong niyakap ng mommy niya, kaya I hug back. Alam niyo sobrang akward ng feeling, parang may mali eh. Binitiwan na naman ako nang mommy niya nung inakbayan na siya ng daddy ni Cedric.
"Okay lang po, naiintindihan ko po." sabi ko sa mommy niya, para mawala na yung drama mode sa bahay na 'to.
"Ang drama mo talaga hon." sabi naman ng daddy ni Cedric tapos hinalikan niya sa noo ang mommy ni Cedric. Talagang sa harapan namin maglambingan.
"Ahhh….. Sobrang nakakatouch kayo tito… Namiss ko tuloy yung babe ko…" sabat naman ni Louie, at nag-pout pa! Nakakaloka 'tong lalaking 'to, parang hindi lalaki kung umasta.
"Magtigil nga kayo! Nakakadiri kayong tignan!" sigaw naman niya sa mga magulang niya, talagang walang galang talaga 'to sa kahit kanino. "Isa ka pa!" tapos tinuro niya si Louie. " Umalis ka na nga dito, puntahan mo na ang babe mo, nakakarindi na 'yang mukha mo dito eh." pagtataboy naman niya sa pinsan niya. Grabe kahit naka-pout ang gwapo parin.
"Grabe ka naman magsalita! Parang hindi kita kadugo ah! Dito ako mag-didinner at kasama ang babe ko."
" Yes and I'm here!" bigla naman kaming tumingin sa nagsalita at andun nga si Andi sa pinto.
"Hey babe! I miss you." salubong ni Louie kay Andi with matching kiss pa sa pisngi. Obviously, si Andi ang babe ni Louie.
"I miss you too." spell awkward, yun kasi ang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng kasalo namin ngayon mag-couple, I mean totoong couple kaya hindi nakakadiri sa kanila ang magkipag-sweet sa isa't isa pero sa kaso namin, grabe sobrang nakakasuka na nga ang maghawakan ng kamay, ang mag kiss pa kaya sa harapan nila. Like EWWW…
"Gutom na'ko! Let's eat!" sigaw naman ni unggoy para mabawasan naman ang langgam dito.
"Me too." sabi naman ni Andi at bigla nalang kumapit sa braso ko kaya tinignan ko siya.
"I'm really glad that it's you. At alam ko rin na ikaw talaga." yun lang ang sabi niya at bigla nalang akong iniwan, nauna na siyang maglakad papunta sa dining area kaya no choice,again, kumapit ako sa mga braso ni unggoy.
"Anong sabi niya?" pag-usisa naman ni unggoy. Kahit na kailan talaga napaka-chismoso niya.
"Ewan ko, english kasi kaya hindi ko maintindihan." sabi ko nalang, kasi kahit ako hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang weird lang kasi.
BINABASA MO ANG
Sealed with a kiss
Romansa"Umalis ako sa engagement party ko with chelsea to be with her. Girlfriend ko siya since college, ngayon lang ulit kami nagkita and I just realized I still loved her that's why I ask her to marry me and she said yes. My engagement with chelsea is ju...