CHAPTER THIRTEEN

77 1 0
                                    

Habang nasa hapagkainan kami, parang ang awkward talaga kahit na ba na nandiyan sina Louie at Andi, na magkakakilala na naman kami way back then, but still his parents, parang nag-oobserba sakin o guni-guni ko lang ba talaga yun. Pero ang unggoy, parang nasa ibang world, kain lang nang kain, parang wala ako dun kung makaasta kasi, sinong hindi maiinis nyan. Siya kain lang ng kain habang ako sinasabon lang ng mga tanong. Kaya sa bawat tanong nila, sinisipa ko yung paa niya sa ilalim ng mesa para naman malaman niya kung gaano ko na gustong patayin siya dito sa pamamahay niya.

" So where do you live hija?" tanong nang mommy ni Cedric sakin.

"Sa isang apartment po ako nakatira ngayon, nasa probinsya po kasi ang mga magulang ko, dun na po sila nakatira simula nung nagkasakit si Daddy." sabi ko sa kanila sabay ngiti.

"Ah… I see, so your family owned a farm in a province?" tanong pabalik naman nang mommy ni Cedric, parang kinikilatis talaga ako.

"Uhmm.. Opo, it's my lolo's farm, ipinamana nya po sa daddy ko yun kaya kami na po ang nagmamanage dun."

"Ah. So anong business nang pamilya niyo dito sa pilipinas?" Eto na nga ang kinatatakutan ko eh, ang malaman nilang hindi naman talaga kami mayaman, isang  doctor lang naman ang daddy ko at isang college professor naman ang mommy ko. Sa mga katulad nila na may malalaking kompanya sa buong mundo, mahirap na ang tingin nila sa pamilyang gaya nang meron kami ni Chix. Sa ibang tao mayaman na sa kanila ang may isa o dalawang sasakyan sa isang pamilya, pero sa istado nang buhay nang mga katulad ni Cedric, isang dukha parin ang tingin nila samin. Kaya nagtataka siguro kayo kung bakit nakapasok ako sa isa sa pinakatinitingalang school para sa mga mayayamang tao, isa lang sagot diyan, my family can afford the tuition kaya nakakapag-aral ako sa school na katulad nang St. Joseph University. At meron akong discount kasi dun nagtuturo ang mommy ko bilang isang professor sa physics, that's explain everything.

" Wala po kaming business. My father is a doctor and my mother is a college professor in the university where I came from." walang kagatol-gatol na sabi ko.

"I see." sabi nang daddy ni Cedric. Tumahimik nalang bigla, pati nga sina Louie and Andi tumahimik sa pagkukulitan. Tinignan ko naman si unggoy, pero ang damulag walang pakialam sakin, kain lang nang kain, sinong gaganahang pakasalan ang isang lalaking ganito ang ugali. URGHhhh…! Bigla namang binasag nang daddy ni Cedric ang katahimikan.

"So kelan ang kasal?"untag ng daddy niya, bigla namang nabilaukan ang unggoy buti naman sa kanya. Tinignan ko siya, hindi ko kasi alam kung kelan namin balak talaga magpakasal.

"Ahmm.. Next month sa Vegas." nagulat ako sa sagot niya, kaya tinignan ko siya ng what-the-hell-is-the-meaning-of-this-look, he just shrug his shoulders to me. WHAT THE H?!!!!!!!! Nabilaukan nga din si Louie sa mga pinagsasabi ng damulag na'to.

"Ayos ah! Parang sobrang excited mo ata sa honeymoon 'pre." tapos tumawa lang ang dalawa at nag-apir. Grabe hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko kaya yumuko nalang ako to hide the embarrasment. Nakitawa narin ang daddy ni Cedric sa sinabi ni Louie. Talaga  bang inborn na ang pagka-manyak nang mga lalaki????????

"Mabuti nga yun nang mabigyan na ako ng apo. Hindi narin naman kami nang mommy mo bumabata, kaya mas mabuti kung mas maaga kayo magpapakasal." sabi naman  ng daddy niya. This time ako naman ang nabilaukan sa iniinom kung tubig and the good part of it, kay unggoy ko natapon ang tubig na iniinom ko. Kaya bigla nalang siyang tumayo.

"WHAT THE HELL CASS!!!" sigaw niya sakin, kaya kinuha ko ang table napkin ko at pinahid ko sa nabasa nang damit niya.

"Sorry, I didn't mean it." sabi ko sa kanya habang naka-smirk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sealed with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon