CHAPTER SEVEN

70 1 0
                                    

Pagdating namin sa building na pinagtatrabahuan ko, nakahinga ako nang maluwag kasi buhay pa ako. Tinignan ko siya nang nakakamatay na tingin tapos ayun ngumiti lang na nakakaloko. Tignan mo'to , kapag talaga hindi 'to magpapakabait, hindi talaga ako magpapakasal sa kanya. Lumabas na ako sa sasakyan nya,baka kasi may mapatay pa ako gamit ang magaganda kung kamay,but before I go inisin ko muna.

"You know what, may naisip lang ako, why not marrying yourself either, 'coz I'm quitting." tapos pumasok na ako ng building without looking back to check his reaction, kasi alam ko natulala nayun ngayon. Buti nga sa kanya. Nung nakapasok na ako ng building ang daming taong bumati sakin nang, good morning, pati nga sa ibang department bumati sakin, at naalala ko, oo nga naman magpapakasal ako sa isang tao galing sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Asia and that's why they are so nice to me.

Pagdating ko sa floor ko which is seventh floor. Lahat nang mga ka-trabaho ko nag-iintay sa office table ko, at nung nakita na nila ako, ngumiti ba naman nang pagkalaki-laki.

"Ang dami mong i-explain sakin." she's Tricia, my bestfriend since highschool, siguro napaka-obvious na kilala niya si Cedric at alam din niya kung gaano ko kinamumuhian ang kumag nayun. We are rivals, remember. Tapos bigla naman akong hinila sa may pantry sa office at tinadtad na ako nang tanong.

"Mind to explain everything? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit magpapakasal ka  sa taong ayaw na ayaw mo, in the first place." simula niya sakin. Bigla namang tumunog ang cellphone  ko na nasa kamay ko lang naman. Tapos tinignan ko kung sino ang tumatawag, si kumag lang naman pala kaya i-end ko na lang. If I know mang-iinis lang yun. Teka kahapon ko pa napapansin kung bakit alam niya lahat sakin, kung saan ako nagtatrabaho, kung saan ako nakatira at ang number ko. Bigla naman pinitik ni Tricia ang kamay niya malapit sa mukha ko, kaya napatingin ako sa kanya, nakita ko naman ang nagtatanong niyang mukha.

"Ah… It's just Cedric…"

"Oh…. Cedric na pala ang tawag mo sa kanya. Tell me the truth Cass, kayo na ba ni, you know who,since college? I mean you hate him, how come naging kayo that time, kasi nakikikta ko araw-araw noon ang mga pag-aaway niyo sa SSC office." tanong niya sakin. Pero parang naghihinakit kasi ang tono niya, akala siguro niya, matagal ko na siyang pinaglihiman sa relasyon KUNO namin ni kumag.

"No, it's not what you think it is. I'll explain to you everthing, just not here. Okay?" nung tumango siya, pumunta na ulit kami sa mga table namin, to start working. Nagulat ako kasi paglabas namin ni Tricia sa pantry, bigla na naman ulit nagkumpulan sila sa office table ko.

"Guys, trabaho na tayo?" sabi ko sa kanila, to refrain questions.

"Cass, kailan ba ang kasal? Ikaw ha… hindi mo sinabi samin na may boyfriend ka pala na ganun ka-gwapo….. Ayieee…. Ang swerte mo girl…" tapos kinurot niya yung tagiliran ko, kaya umilag ako. Tapos lahat sila parang kinikilig.

"Tama… at mayaman pa… Napaka-swerte mo talaga girl!"tapos tinutukso-tukso na naman ako. Ngumiti lang ako nang kyime.

"Thanks…" sabi ko nalang, wala naman kasi akong dapat sabihin.

"Tapos sobrang in love pa niya sayo… Halata sa mga titig niya girl…. Sobrang nakakakilig talaga kayo kahapon sa news. Kaya pala wala ka sa mood these past few days, kasi nabalitaan mo na ikakasal na siya sa iba. Ayiieeee… " tapos tinukso naman ako, walang hanggang tuksuhan ang nangyari. Nakitukso din si Tricia, tignan mo'to sa lahat nang taong naadito siya lang ang nakakaalam kung ano ang totoo, tapos nakitukso pa ang babaita,such a friend.

Bigla naman silang tumahimik at tumingin sa may likod ko, nakatalikod kasi ako sa may entrance kaya hindi ko kita kung sino man ang naandun sa likod ko, akala ko yung head na namin ang dumating kaya lumingon ako to greet her, pero nagulat ako nung paglingon ko siya ang bumungad sakin, with a smile to everyone. Nilapitan niya ako and kissed my cheek, mas nagulat na naman ako sa ginawa niya. Aba't sumusobra 'tong isang to ha, nakakarami na eh. Kung ako nagulat mas nagulat ang mga officemate ko sa ginawa niya, lalo na si Tricia.

"Ahmm.. Girls do you mind if, hihiramin ko muna si Cassandra?"

"No…" chorused naman nila, o diba parang mga bata lang. Tapos hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa may sulok nang office namin. Nung wala namang taong nakakita sa amin, hinila ko na ang mga kamay ko sa kamay niya.

"Anong ginagawa mo dito? At anong drama mo kanina? Ikaw tumigil ka na talaga sa mga ginagawa mo! Nakakarami ka na ha!" panggagalaiti ko sa galit sa kanya.

"Edi gumanti ka din, problema ba yun. Humalik ka din kung gusto mo." tinaasan ko siya nang kilay. Ang hambog talaga.

"Ano'ng kailangan mo? Ba't umakyat ka dito?"  Hindi pa man siya nakasagot, dumating na yung  boss ko, kaya I greeted her.

"Good Morning Ma'am." sabi ko sa head ko. Kaya napalingon din si Cedric sa kinausap ko.

"Oh, Cedric! How are you, inaanak?" sabay yakap.

"I'm fine tita. Thank you for asking."

"So why are you here? Are you visiting me?" tanong naman ni nang boss ko sabay ngiti.

" No tita, I'm here to visit my fiancee." sabay tawa, tapos tumingin sakin. Si ako naman ngumiti nalang. Hindi ba nabasa ni Ma'am ang headlines ngayon. Kumunot naman ang noo nya at tumingin sakin.

"Oh… I heard it, so totoo pala. So ikaw pala ang mysterious girl hija." tapos tumingin sakin.

" Sa KASAMAANG PALAD nga po ma'am." hindi ko napigilang sabihin sa head ko, tapos tumawa ba naman, nakitawa narin ako.

"I agree with you." tapos tumawa ulit." O sya cge, punta naku sa office ko. It's nice seeing you again Cedric." pagkatapos humalik ni kumag, umalis narin si ma'am.

Tinignan ko siya nang ano-na-look para umalis narin siya. Nagkakagulo na kasi dito sa floor namin, dahil sa kanya. Pansin ko kasi, pati nasa ibang department ay umakyat talaga dito sa floor namin, at alam ko kung bakit. Minsan lang kasi makakita nang sikat at mayaman.

"Leave your work. Let's go to my office." tinaasan ko siya nang kilay.

"Excuse me, sino ka sa palagay mo na utusan ako nang ganyan? Hindi ko iiwan ang trabaho ko." tapos tumalikod na ako para magsimula nang magtrabaho nang bigla ba naman akong hinila, dahil sa sobrang lakas, napasubsob ako sa dibdib nya at pinulupot nya sa bewang ko ang mga kamay nya at nilapit nang sobrang lapit ang mukha nya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang mapasinghap.

"Kapag hindi ka sumama sakin, hahalikan kita sa harapan nila. They're looking at us, mind you. Or unless gusto mong halikan kita. Or better yet, gawin na lang kaya nating, sex scandal" tapos ngumisi nang mala-demonyo. Ang sarap…………………………………………………………………………………………...sarap……………………………………………………………………...

SAMPALIN!

"YUCK! You're such a PERVERT" at yun lang ang sinabi ko at tinulak ko na siya.

"So let's go, baby."  may pa-endearment-endearment pang nalalaman. ANG MANYAK LANG!!! Ang sarap ingud-ngud nang mukha.

Sealed with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon