Ang bilis talaga nang balita, kasi pagka-uwi ko sa apartment kagabi, nasa headline news na ako. At ang headline picture naman sa lahat nang newspaper sa buong pilipinas ata, ay yung exsaktong hinalikan ako nang kumag. WHAT A START OF A DAY! Mukha mo na agad ang una mong makita, buti sana kung ako lang mag-isa pero, for the love of the god, may kasama pa talaga akong kumag.
Kagabi hinatid niya ako pagkatapos nang rebelasyon niya sa mga taong aandun sa coffee shop ni Mang Jose. Nakasimangot ako nung nasa sasakyan na niya ako. Buwisit na buwisit talaga ako. Mapapatay ko talaga 'to kapag hindi niya susundin yung sinabi niya sakin na, he'll do everything daw, kapag talaga hindi…. Kakasuhan ko talaga 'to. Habang nasa sasakyan kami, he explained to me everything , if I said everything , word by word talaga niya inexplain sakin kagabi. Hindi ko siya kinibo buong biyahe, bahala siya manigas diyan. Eh sa buwisit na buwisit talaga ako sa kanya.
Pagbaba ko sa apartment ko, papunta na kasi ako sa trabaho, may parang sinisilip yung mga boarders ko dito sa apartment na tinutuluyan ko, parang kilig na kilig naman sila sa sinisilip nila. Nakiusyoso din ako, eh sa dakilang chismosa ang lahi ko, may magagawa ba ako dun. Pagsilip ko naman sa sinisilip nila, nagulat ako, eh kasi si Cedric lang pala ang sinisilip nila, akala ko naman kung sinong artista, halimaw lang naman pala.
"Ang gwapo niya talaga…" boarder 1, tapos kilig na kilig naman siya. Hay! Bakit ba karamihan sa mga babae, makakita lang na lalaking may kotse at pang-mayaman ang dating, gwapo na sa kanila. Lumabas na ako at nilapitan siya, nakita ko naman na nagbulung-bulungan na yung mga ka-boarders ko nung nakita nila akong lumapit sa kumag.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko kagabi na wag mo akong susunduin dito?" sabi ko sa kanya.
"Pumunta ako dito para sabihin sayo na susunduin kita ngayong gabi, my mother wants to meet you. And magdala ka narin nang damit 'coz she wants you to spend the night with us sa mansion." sabi niya sakin.
"Ano?! Ba't ang bilis. Loading pa nga 'tong utak ko sa nangyari kagabi, tapos imemeet ko pa parents mo. I-cancel mo na muna, gumawa ka nang kahit anong rason, just not tonight." pagprotesta ko sa sinabi nya.
"Ang slow mo talaga kahit kailan." pang-aasar niya sakin. May gana pa talaga siyang mang-asar. Kainis lang! "Ginawa ko na yang mga sinasabi mo, hindi tumalab kay mommy. Wag kang mag-alala, nandun ako hindi kita pababayaan. Just trust me." tapos hinawakan niya ang braso ko. Nagulat ako sa paghawak niya sa braso ko, kaya tinignan ko kung saan talaga siya exactly humawak, nahalata niya ata ang pagtingin ko sa kamay niya kaya bigla niyang tinaggal.
"Ano…..kasi eh…. Kinakabahan ako eh….baka hindi nila ako magustuhan….ano… ano ba dapat suotin ko dun?" sabi ko sa kanya.
"Pag-usapan natin yan over lunch, susunduin kita sa trabaho mo. For now, ihahatina muna kita sa trabaho mo." sabi naman niya at hinawakan ang kamay ko at iginiya papasok sa kotse niya. Nagulat na naman ako sa paghawak niya sa kamay ko, kasi first time na naman niyang ginawa sakin. Pagpasok ko sa kotse niya, napansin ko naman ang mga ka-boarders ko na parang kilig na kilig at sobrang ngiti nila sakin. I just rolled my eyes to them, at finasten ko na ang seatbelt. Pinaharurot naman niya kaagad , as in sobrang bilis… magpapakamatay ba 'tong kumag na'to.
"WHAT THE HELL!!! MAGPAPAKAMATAY KA BA?! WAG MO KONG IDAMAY!!!" sigaw ko sa kanya para marinig niya ako, tapos hininaan naman niya nang konti ang pagpapatakbo, pero mabilis padin.
"Ang dull mo talaga. Napaka-nerbiyosa pa." tapos tumawa pa siya. Wow! Natatakot na nga ako dito, may gana pang mang-asar.
BINABASA MO ANG
Sealed with a kiss
Romance"Umalis ako sa engagement party ko with chelsea to be with her. Girlfriend ko siya since college, ngayon lang ulit kami nagkita and I just realized I still loved her that's why I ask her to marry me and she said yes. My engagement with chelsea is ju...