CHAPTER TEN

66 2 1
                                    

Pagkahatid niya sa apartment ko, nag-aapartment nalang kasi ako ngayon kasi ibinenta na kasi ni mommy ang bahay namin  para sa medications ni daddy at lumipat naman sila sa probinsiya namin para expose si daddy sa sariwang hangin, nagulat naman ako kasi nandun ang mga kaibigan ko sa apartment naghihintay sakin.

" O mahal na prinsesa, nandyan ka na pala. Buti naman inuwi ka pa ng prinsipe mo." that's Alicia, the ever sarcastic one.

"I'm sorry guys, hindi niyo naman kasi ako tinawagan, malay ko ba kung nandito pala kayo." sabi ko sa kanila, sobrang busangot na kasi ng mga mukha.

"Yeah right! Tinawagan ka namin, pero walang sumasagot!" that's Chix, kasangga ko sa lahat ng bagay, pareho kasi kami na galing sa isang pamilya na mahirap. Her mom is a lawyer and her dad is a pilot.

"Oh, I'm sorry, na-silent ko pala kaya hindi ko nahalata." sabi ko sabay kuha ng phone ko sa bag ko at tinignan kung tumawag ba talaga sila. 56 missed calls. ……………..Okay kasalanan ko na!

"Hindi nalang sana cellphone ang dala mo, kung hindi lang naman pala makikinabangan." that's Megan, the happy go lucky samin. Pero parang hindi siya happy ngayon.

"Yeah right! 4 hours lang naman kasi kami pinaghintay! Such a good friend." that's Tricia, the spoiled and serious type samin.

"Sorry talaga guys, hindi ko talaga napansin. Sorry na, please." nag-puppy eyes ako sa harapan nila, baka tumalab.

"Yuck! Kadiri mong tignan!" sabi ni Chix, tapos umarte pa na nasusuka. Bumelat lang ako sa kanya. Kaya tumawa nalang silang lahat.

"Guys dapat natin intindihin, fiance naman ang kasama, hindi kung sinu-sino lang diyan. Baka nag-moment lang sila, alam niyo na malapit na kasi ang kasal." tapos tumawa lang sila ng tumawa, kaya yumuko nalang ako, ewan ko kung bakit pero namula talaga ako, kaya napuno ako ng tukso.

"Stop it!" sigaw ko para tumigil na sila, parang mga sira lang naman kasi.

"Cass, you have to explain everything, as in everything." seryosong sabi ni Tricia sakin.

"Tama! Talagang nagulat kaming apat sa lumabas na news sa tv, about sa inyu ni Cedric. Aba't sinong hindi?! Noon nga hindi kayo magkasundo, parang aso't pusa lang drama niyo noon, tapos mapapabalitaan nalang namin na ikakasal na kayo?! Parang sinabi mo narin samin, na posibleng pumuti ang uwak." litanya naman ni Alicia.

" Guys, pwedeng magtanong?" singit naman ni Megan.

"Spoil it!" sabi ni Tricia.

"Nakalimutan ko kasi, laging kung tinatanong ang utak ko ng paulit-ulit, pero hindi ko na talaga maalala."

"Just spoil it, Megs." iritadong sabi ni Tricia.

"Okay I'm sorry, kailan ba nagsimula ang rivalry ng dalawang 'to.?" sabay turo sakin. Natulala kami sa tanong niya, akala ko pa naman kung anong importanteng tanong, yun naman pala. Makakalimutan kasi si Megs kaya ganyan yan.

"MY GOD MEGS! Nung 5th Grade, remember?!" sarcastic na tanong ni Alicia. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, napaka-harsh magsalita.

"Hindi ko nga maalala, kaya nagtatanong. Ikaw ata ang hindi makaintindi eh." pabalik na sabi ni Megan, tapos umirap.

"Okay guys, Megs, nung 5th grade, nung sinabi ni Cass kay Cedric na gusto niya maging boyfriend siya, tapos pinahiya siya sa lahat ng  classmates natin sa sinabi niyang, hinding-hindi siya magkakagusto sa isang mahirap, and Cass was poor, kaya dun nagsimula." sabi ni Chix, ininsulto pa talaga ako.

" Oh I see. But nasan siya ngayon, kinain lang ang sinabi." tapos tumawa siya, pati narin ang tatlo tumawa, ang babaw talaga ng mga joke ng mga 'to.

"Guys, stop it! Magpapakasal lang kami for convenience." sabi ko sa kanila, para matahimik narin.

"WHAT?!" sigaw nila yan.

"OH MY GOD! BUNTIS KA?!" sigaw parin nila yan.

"WHAT?! NOOOO! Ano ba yang mga laman ng utak niyo, of course not! I'm still a virgin." panggagalaiti ko sa kanila. Nakahinga naman sila ng maluwag pagkatapos kung sabihin sa kanila, na I'm still a virgin.

"Pero, what do you mean? Ikakasal kayo for conveniece?" usisa ni Megan. At ikinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat simula nung nagkita kami sa coffee shop, hanggang sa office niya kanina. Pagkatapos kung ikinuwento sa kanila, tulala lang silang apat, walang mga reaksiyon. Si Megan bumalik sa pagkain niya ng nachos, si Tricia bumalik sa kanina niyang ginagawa ang paglalaro sa phone niya, at ang dalawa ayun nangulikot sa mga phones nila.

"Wow! Salamat  suporta ha! Ang bait niyo talagang mga kaibigan!" sarcastic kung sabi sa kanila. Nahahawa na ata ako kay Alicia.

" Walang dapat na ireact dun… Wala naman kasing kwenta.!" sabi ni Alicia. Kahit kailan talaga ang sakit magsalita nito.

"No Comment lang ako diyan."sabay na sabi ng tatlo. Bakit ganito 'tong mga to, nagpunta lang ba talaga to dito para asarin ako o tulungan ako. Nakakainis lang diba.

"I'm just doing it for my father, that's all. After 1 year it would be over." sabi ko sa kanila.

"Let's see." sabi ni Chix.

Sealed with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon