CHAPTER NINE

55 1 0
                                    

"Good." tapos bumalik ako sa kanina kung pwesto. Kumuha ako ng scratch clean paper sa bag ko at pen. Nung ready na ako, umupo naman siya sa harapan ko, kaya face to face na kami. I started to write in the paper ng title.

RULES AND REGULATIONS

"Wag natin i-english. Manonosebleed ako." sabi ko sa kanya.

" Tsss."

Nagsimula na akong magsulat ng mga rules and regulations ko.

1. Walang halikang magaganap.

"Teka! Hindi pwede yan! Pano kapag kailangan natin umarte. Kailangan natin yan.!" pagtatalak niya.

"Hindi pwede! Nananantsing ka lang eh! Ang manyak mo kasi!" sigaw ko sa kanya.

"Naman Cassandra, be reasonable! Hindi maniniwala sina mommy kung walang ganyan. Liberated ang pamilya ko, kaya impossibleng mapapaniwala natin sila."

"Anong be reasonable! Ako ang naagribyado dito eh!"

"Okay fine! Pero hahalikan kita kung kinakailangan! AND THAT'S FINAL!" I just rolled my eyes.

*Mag-halikan lang kung kinakailangan.

2. Mag-holding hands lang kung kinakailangan.

"Ano?! May objections ka ba dito?!" pagalit kung tanong sa kanya.

"Wala! Akala mo naman gusto kung hawakan yang kamay mo. Ang tigas- tigas pa naman, mas matigas pa ang kamay mo sakin eh." panlalait niya sakin.

"HOY! For your information! Alagang lotion 'to noh!" and he just rolled his eyes. Hampasin ko siya ng ballpen eh!

3. Mag-yakapan lang kung kinakailangan.

"Okay sakin yan! Hindi ka naman magandang i-hug. Parang yumakap lang ako sa dingding."

"Nang-iinsulto ka ba?! Ha?! Kanina ka pa ha!!!" panggagalaiti ko sa kanya.

"Nagsasabi lang ng totoo. Masama na bang magsabi ng totoo." pamimilosopo pa niya.

"As if, gusto kung mayakap ka! Wala ka namang laman! Puro ka lang buto!!!"

"I know that's bluff. Ipakita ko pa sayo 'tong abs ko eh. Baka nga tumulo laway mo diyan." pagmamayabang naman niya.

"Sobrang MAHANGIN DITO! May BAGYO bah?!" and he just rolled his eyes.

4. Walang dapat na mangyari sa isa't isa. In short, no SEX.

"Rest assured na hindi kita gagalawin. Wala ka ngang laman, pano kita pagnanasaan." sabay ngiting aso.

" Ang kapal mo talaga! Kung sino man ang nagnanasa sayo, mga BALIW AT BULAG sila.!  Ang pangit mo nga eh!" panggagalaiti ko sa kanya. Tapos tumawa lang ang unggoy.

"Ang pikon mo talaga." tapos tumawa ng malakas. Hindi ko nalang pinansin, nakakawalang- bait kasi.

5. Bawal ma-inlove sa isa't -isa.

"No problem with me. Ikaw kaya?" ngiting aso pa siya.

"Mas lalong walang problema sakin. Assuming ka masyado!"

"Let's see about that." Letcheng unggoy na'to. Ang kapal lang talaga!

6. Walang pakialaman sa bawat isa.

Sealed with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon