Hi! Chapter Three na. Sorry sa mga errors na mababasa niyo. Fail pa ito e, nagstastart pa naman kase ako hehehe.
---------------------------------------
Chapter 3
"Oh bakit bigla kang natahimik jan?"
Bumalik naman ako agad sa katinuan ko ng kausapin ako ni Aki. Saan na nga ba ako? Ah ayun okay naalala ko na. Ito kaseng si Ivan, ginugulo ako. Hindi kase ako makapaniwala na sa lahat ng pwede kong makilala ngayon, ay ang pinsan pa ni Ivan. Napakaliit talaga ng mundo, pero para saakin parang napakalayo niya. Para bang ang hirap hirap niyang abutin. Kahit na halos abot kamay ko na siya, pakiramdam ko nasa ibang planeta parin siya at hindi ko siya kayang abutin kahit anong gawin ko.
"Ha? E nagugutom na kase ako."
Pagsisisnungaling ko kay Aki.
"Ah ganuna ba? Aba bilisan na natin papuntang cafeteria para makakain na tayo. Gutom narin kase ako."
Nakangiting sabi naman saakin ni Aki tapos hinawakan niya nanaman yung tiyan niya. Parang napaka masayahin niya naman. Nagsimula naman kaming maglakad ni Aki papuntang cafeteria. Kwento nga siya ng kwento about kay Ivan, si Ivan daw ganito, ganyan, suplado daw. Well obvious naman na suplado talaga yung pinsan niya, buti na nga lang itong si Aki kay kabaliktaran ni Ivan.
Baka nagtataka na kayo na agad ko namang ikinukumpara si Aki at Ivan, hindi ko pa naman kase masyadong kilala ang magpinsan na ito. Kaso nga lang sa inaasal ni Aki ngayon, talagang magkaiba sila ni Ivan. Magkaibang magkaiba talaga sila.
Nasa cafeteria na kami ng buksan ko ang babasaging pintuan ng cafeteria namin bumungad naman saakin ang isang pamilyar na itsura. Nagkatinginan naman kaming dalawa maya maya pa ay iniwas niya naman ang tingin niya saakin. Habang si Aki naman ay busy sa paghahanap ng mauupuan, hindi niya ata napansin ang pinsan niya e.
"Tara doon tayo!"
Agad naman nabaling ang atensyon ko kay Aki ng hilaan niya ako sa isang vacant table. Pagdating namin sa vacant table, naupo naman kami agad. Heto nanaman ako, tumitingin nanaman ako kay Ivan sa kabilang table. Halos ilang steps lang naman ay malapit na kami sa table nila Ivan.
Napatingin naman ako ulit kay Aki ng kausapin niya ako.
"Ano bang gusto mong kainin?"
Tanong naman saakin ni Aki.
"Ha? Mamaya na hindi pa naman ako nagugutom"
Sagot ko. Hindi naman kase ako nagugutom e. Palusot ko lang yun na ngugutom ako e kase lutang talaga ang pag iisip ko dahil kay Ivan. Maya maya pa ay pasimpleng tumitingin naman ako kay Ivan sa kabilang table. Tahimik lang siyang nakaupo doon sa table na kinauupuan niya, kasama ang mga lalaking bago niyang barkada - Ata? Tawa ng tawa naman yung kasama niya habang siya ayun tahimik lang na nakaupo at pangiti ngiti lang.
"Ang gulo mo naman Ayah, sabi mo kanina nagugutom ka."
Nakasimangot namang sabi saakin ni Aki. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.
"Ah e. Bigla kase nawala ang gutom ko e."
Masyado na ata akong makasalanan. Pangalawang pagsisinungaling ko na ito kay Aki, Naku sana patawarin niyo po ako.
Nakita ko naman na naupo siya doon sa isang upuan sa harapan ko. Ipinatong niya naman yung mga braso niya sa mesa at kinausap ako.
"May problema ba?"
Nagalalang tanong niya naman saakin. Wala namang problema e, hindi ko kasi mapigilan na hindi tumingin kay Ivan, ewan ko ba. Ano naman ba kase ang mapapala ko kung tititigan ko siya kasama ang bago niyang barkada, wala naman diba? Mapapagod lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/5954585-288-k428396.jpg)
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Подростковая литератураOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )