Okay, chapter 10 updated. Enjoy! :))
---------------------------------------------
Chapter 10
Agad naman akong nagising ng marinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Anak! Bumangon ka na may pupuntahan tayo!"
Nadinig ko namanng sigaw ni mama. Napakunot naman ang nuo ko, saturday ngayon time to rest, pero may lalakaran kami? Niloloko ba ako ni mama? Isa pa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi noh! Iniisip ko kase kung saan nakuha ni Ivan yung sketch na yun. Sa pagkakaalam ko ako lang ang may ganun.
"Mah! It's sturday, time to rest! Ikaw nalang ang lumakad mag isa. You know i'm tired. I want to sleep whole day."
Sigaw ko naman kay Mama at itinakip ang unan sa ulo ko. Narinig ko namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Namalayan ko nalang na hinila ni mama paalis yung unan na nakatakip sa ulo ko. Agad ko namang iminulat ang mga mata ko.
"Bumangon ka na jan! Hindi tayo mamasyal kahit saan. Magaouting tayo nila Tita Jane mo Ayah."
Agad naman ako napabangon.
"Ha?! As in ngayon na?!"
Ngumiti naman saakin si mama.
"Yep! Hala bumangon kana jan at naghihintay sila Tita Jane mo sa ibaba"
Agad namang nalaki ang mga mata ko.
"Seryoso ma?!"
"Aba! Mukha ba akong nagsisinungaling anak? Hala! Bilisan mo at ikaw nalang ang hinihintay namin. Sige bababa muna ako anak."
Agad namang naglakad si mama papunta sa pintuan ko. Teka...
"Maaaaaaaaaaaaa!"
Napalingon naman si mama saakin.
"Ano yun?"
"Kasama ba si Ivan?"
Napangiti naman si Mama.
"Wag kang magalala anak, kasama ang crush mo, este si Ivan. Kaya kumilos kana."
"Maaaaaaaaaa! Hindi ko naman siya crush e!"
Shet! Sasama kaya ako? Galit pa naman saakin si Ivan. Tss. Bahala na nga.
-----------------------------
On the way naman kami papuntang beach, halos lahat kami excited. Hindi ko nalang pinapansin si Ivan na katabi ko. Iniisip ko kase yung nangyari kahapon, parang galit parin siya saakin siguro kailangan niya pa ng space. Aaah hindi! Galit talaga siya saakin.
Nagkwekwentuhan lang naman kase sila Tita, Ate Trisha at Mama. Si Tito kase ang nagmamaneho ng sasakyan. Si Ivan naman ayun busy sa pagbabasa ng libro. Remember yung parehas kami ng libro yung Collide? Yun ang binabasa niya. Habang ako hindi ko pa yun nasisimulan.
Nakarating narin naman kami sa beach, ang dami ngang tao e. Kakatapos lang ng summer at malapit na ang tagulan pero marami paring tao sa beach. Hindi naman ganun kasosyal yung beach, simple ng naman siya e.
Pagdating namin agad naman naming inayos yung mga gamit at tent namin, dito kase kami matutulog mamayang gabi. Exciting nga e. Maya maya pa agad naman kaming nagchange ng pambeach outfit ni Ate Trisha. Simple lang naman yung suot ko short jumpsuits na color pink. Habang si Ate Trisha naman nakashorts and beach bra. Sexy niya kase. Ako? Oh gosh! May bilbil kaya ako, kaya hindi pwede. Hahahahaha.
Nakaupo naman ako malapit sa dagat tinitignan yung magandang tanawin. Ang sarap sarap nga ng simoy ng hangin e fresh na fresh. Si Ate Trisha kase umalis muna saglit kase tinawag siya ni Tita kaya mag isa nalang ako ngayon na nakupo dito.
"Yung bola ko!!"
Napalingon naman ako sa isang batang babae ng marinig kong nagsisisigaw ito. Agad ko naman ito nilapitan.
"Anong problema?"
Tanong ko naman sa bata ng makalapit ako sa kanya.
"Yung bola ko po kase inanod ng alon. Ayun po oh!"
Sabi naman ng bata saakin na parang naluluha na siya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Wag kang mag alala, kukunin ni Ate Ayah ang bola mo. Dito kalang ha."
"Talaga po?! Yehey!"
Nakita ko naman ang napakalapad na ngiti sa labi niya. Agad naman akong naglakad papunta doon sa dagat at sumisid. Hindi naman masyadong kalayuan yung bola niya e. Ng malapit ko nang marating yung bola naghanap naman ako ng maapakan kong bato, baka kase meron medyo lumalalim na kase. Sa pagkapa kapa ng paa ko may naramdaman naman akong isang malaking bato kaya inapakan ko ito sa pag apak ko...
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Bigla nalang akong nadulas. Namamalayan ko nalang na halos wala na nang naapakan yung paa ko at dahan dahan ay lumlubog ako, nararamdaman ko nalang na hindi na ako makahinga.
"T-t-tulong!"
Sigaw ko pero parang wala naman nakakarinig saakin. Agad nanaman akong lumubog sa tubig pinilit ko naman hindi lumulubog kaya pinipilit kong idungaw yung ulo ko sa itaas ng tubig na ito, halos hindi na ako makahinga.
"T-tulong!"
"Tutl---"
Naramdaman ko nalang na nanghihina ako dahilan ng mawalan ako ng malay.
-------------------------
"Ayah? Ayah?! Okay ka lang ba?"
Naririnig ko namang sigaw ni Ate Trisha. Maya maya pa ay iminulat ko narin yung mga mata ko. Nakita ko naman ko naman na nakaupo sa left side ko si Tita at Ate Trisha, habang si Ivan naman ay nakaupo sa right side ko habang basang basa.
"Si Mama?"
Tanong ko, hindi pa naman ako ganun ka okay e. Medyo sumsakit pa yung ulo ko.
"Nasa CR Ayah."
Sagot naman ni Tita Jane saakin.
"Anak? Ayah!"
Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses na yun. Ng makalapit na si mama saakin agad niya naman akong niyakap.
"Okay ka alng ba?"
Tanong naman saakin ni Mama.
"Opo Mama."
Sagot ko naman sa kanya. Maya maya pa ay humiwalay na siya sa pagkakayakap saakin.
"Sa susunod kase, mag ingat ka."
Napalingon naman ako kay Ivan ng magsalita siya. Nakita ko namang basang basa siya. Tignan mo ito, muntikan na akong mamatay kanina ganun parin ang ugali niya.
"Ivan ano ba! Nalunod na nga yung tao, ang suplado mo parin."
Sigaw naman ni Tita Jane kay Ivan. Nakita ko namang tumayo na si Ivan at naglakad paalis.
"Pagpasensyahan mo na siya Ayah ha? Naku yang si Ivan talaga."
"Okay lang po yun Tita."
Sagot ko naman kay Tita.
Galit parin talaga siya saakin e.
-------------------------------------------
Hey hey hey! Uso lait, hahahaha. Alam ko namang hindi ako magaling na writter. Hahahahaa. Sorry sa mga pagkakamali ko diyan sa taas.
Vote and Comment.
AyelahDiamond.
![](https://img.wattpad.com/cover/5954585-288-k428396.jpg)
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Подростковая литератураOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )