Enjoy. Uunahan ko na kayo, sorry sorry sa mga mali ko sa chapter na ito :)))
-------------------------------------------------
Chapter 20
Tahimik naman kaming naglalakad ni Ivan sa daan, walang nagsasalita saamin simula ng umalis kami sa mall. Pareho kaming tahimik at hindi nag-iimikan. Kanina ko narin napapansin na tulala lang siya. Kanina narin ako ginugulo ng diwa ko kung sino ba yung babae kanina sa mall, at kung bakit ganun niya kung sagutin yung babae kanina. Sino ba kase yun?
*Krriiiing*
Narinig ko namang nagring ang phone ko, kukunin ko na sana ito ng bigla kong maramdamang magkahawak pa pala kami ng kamay ni Ivan, sabay naman kaming napatingin sa isa't isa, at agad niya naman inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sige na, sagutin mo na yan."
Agad ko namang kinuha yung cellphone ko sa bag ko at sinagot ito agad ng makita kong tumatawag si Janine.
"AYAH?! NASAAN KA BA? ALAM MO BANG TATLONG ORAS KA NAMING HININTAY SA MARS PIZZA? OKAY KA LANG BA? BUHAY KA PA BA? NASAAN KA BA?!"
Sigaw naman saakin ni Janine sa telepono.
"Oo, okay lang ako. Ano kase, basta mag usap nalang tayo bukas mahabang kwento e. Kasama ko naman si .." Napatingin naman ako kay Ivan, nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakapamulsa. "Ivan..."
"HA?! BAKA IPAHIYA KA NAMAN YAN! NAKU AYAH! MAPAPATAY KO TALAGA SIYA. BAKA ANO NANAMAN GAWIN NIYAN SAYO!"
"Ano ka ba Janine, sobra ka naman. Basta mag-usap nalang tayo bukas. Okay? Sige na Bye."
May sasabihin pa sana si Janine, pero hindi ko na ito hinintay kung ano pa iyon at agad na ibinaba ang telepono. Ayoko ko kaseng magpaliwanag sa kanya kapag nasa telepono kami nag-uusap, hindi niya lang maiintindihan ang mag sasabihin ko. Katulad nalang dati, sinabi kong nasa hospital ako dahil nahospital ang pinsan ko, tapos ang akala niya ako ang nasa hospital. Mantakin niyong 10 minutes akong nagpaliwanag para magets niya lang ang sinasabi ko. Kaya bukas nalang ako magpapaliwanag sa kanya.
Napatingin naman ako kay Ivan, nakita ko namang naglalakad na siya kaya sumunod narin naman ako sa kanya. Nagsimula namang tumahimik sa pagitan naming dalawa. Parang mapapanis na nga yung laway ko e, napakatahimik niya kase. Hindi ko naman magawang magtanong e kase baka hindi siya okay at mainit ang ulo niya tapos saakin niya pa maibuntong.
Habang naglalakad kami, may napansin naman akong isang playground.
"Ivan! Doon tayo oh. Tignan mo may playground doon oh."
Pag-anyaya ko naman kay Ivan habang nakangiti, tumingin naman siya saakin hindi pa man siya pumapayag ay agad ko na siya hinila papunta sa playground na iyon. Pagdating namin sa playground ay agad naman akong naupo sa swing, naupo narin naman siya sa isa pang swing.
Sa totoo lang, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Kung sino ba yung babae? Kung ano ba yung ginagawa niya kanina. Hindi naman sa tsismosa ako, pero kase nacu-curious lang talaga ako.
Maya maya ay hininto ko narin ang pagswi-swing at tumingin sa kanya, nagkatinginan naman kami. Hindi ko naman mapigilan na hindi siya tanungin kaya napatanong na talaga ako sa kanya.
"May problema ba?"
Napakabobo naman ng tanong ko. Oo alam kong hindi siya okay e, alam kong may problema siya. Nakita ko namang tumango siya. Napahinga naman ako ng malalim.
"Whos is she?"
Sa mga oras na ito para bang may ayaw akong marinig sa ano mang isasagot niya. Hindi ko maintindihan, pero kinakabahan ako sa mga bagay na maririrnig ko ngayon.
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Fiksi RemajaOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )