Chapter Nine. Enjoy!
-------------------------------------------
Chapter 9
Agad ko namang inilagay sa locker ko ang damit ko na ginamit ko kanina sa practice matapos akong mag wash up at maisuot ulit ang uniform ko. Basang basa kase ng pawis kanina yung damit na ginamit ko sa practice ng cheering squad. Nakakapagod pala talaga.
Well napahiya lang naman ako kanina kase hindi ako makasunod, ang bilis ng mga steppings e. Halos yung nagtuturong bakla saamin ay kulang nalang sigawan ako dahil sa inis.
Pahiyang pahiya talaga ako nun muntikan pa nga ako mapaupo sa sahig kanina sa pagkakasiko saakin ng isang babae. Nagsorry naman siya e pero parang ang plastic. Pansin ko lang kase simula palang ng practice parang ang init init ng dugo niya saakin. At siya lang naman ang nagiisang babae member sa cheering squad na pasimpleng pinagtatawanan ako tuwing napapagalitan ako ng trainor namin, habang yung iba sinasabi na 'Okay lang yan. Ganyan talaga sa una' Mabuti pa nga yung si Cherry inaassit ako kapag hindi ko makuha. Ang galing galing niya nga magturo e nakukuha ko agad.
Halos hindi ko naman maipaliwanag yung nararamdaman at itsura ko dahil sa pagod. Parang binugbog ako dahil sa sakit ng katawan ko. First day palang pero pakiramdam ko hindi ko na kakayanin magpractice bukas. Ang sakit sakit na talaga ng katawan ko.
Naku! Kung hindi lang dahil kay Ivan hindi ko naman ito gagawin. Hindi ako magtitiis sa mga nararamdaman ko ngayon para lang masundan siya kahit saan. Hindi kase talaga ako sumusuko. Umaasa kase talaga ako na magiging magkaibigan kami, umaasa ako na maiintindihan niya ako ng lubusan balanag araw. Umaasa ako na maiintindihan niya yung mga sinasabi ko kahit weird.
Hindi ako sumsusuko ako, kase alam kong darating sa point na maipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.
Believe me, araw araw ko siyang sinsundan. Wala akong absent kakasunod sa kanya, kahit tingin sinusundan ko siya. Tinitignan ko yung mga galaw niya kahit napakalayo niya saakin. Kahit sa room minsan hindi ako nakikinig, tinitignan ko lang siya ng palihim. Hindi ko nga alam kung nahuhuli na niya ako. Kahit saan siya pumunta lagi kong inaalam. Ang weird no? Para akong tangang sunod ng sunod sa kanya. Kapag sinusundan ko siya kahit saan, napapatago nalang ako kapag lumilingon siya, baka kase mahuli niya ako.
Alam niyo naman yun. Maldito.
Matapos kong mailagay lahat ng gamit ko sa locker ko. Naglakad naman ako papuntang cafeteria ng bigla ko namang makita si Aki, hindi kalayuan saakin, habang nakasabit sa balikat niya yung sports bag niya. Kumaway naman siya saakin, agad naman ako tumakbo papalapit sa kanya. Grabe namiss ko talaga si Aki, e kase naman ilang araw na kaming hindi nagkakasama, busy kase siya sa practice niya sa Tennis. Sa room lang kami nagkikita.
"Hey! Kumusta ka na? Grabe! Ilang araw na tayong hindi nagkakasama, namiss talaga kita!"
Bungad ko naman sa kanya ng makalapit ako sa kanya.
"Wag ka nga, alam ko magpapalibre kalang, pupunta ka sa cafeteria diba?"
Agad ko naman siya hinampas sa braso niya. Tingnan mo ito ang sama ng ugali.
"Hala! Sobra ka ha! Pasalamat ka pa nga diyan namimiss pa kita!"
Nakasimangot ko namang sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at ginilo ang buhok ko.
"Osya, dahil namiss mo ako ililibre kita."
Agad namang kuminang ang mga mata ko.
"Waaaaaaaaaaa! Talaga Aki? Sabi mo yan ha!"
"Oo nga!"
Humawak naman ako sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.
komportable ako kapag kasama ko si Aki mabait kase siya. Talagang magkaiba sila ni Ivan, si Ivan kase tahimik tapos suplado pa. Ewan ko nga at nakakatagal ako sa ugali ni Ivan, ewan ko ba bakit sunod ako ng sunod sa kanya. Napakaweird talaga ng mga nangyayari ngayon saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/5954585-288-k428396.jpg)
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Teen FictionOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )