Chapter Eight. Enjoy! :)))
----------------------------------------------
Chapter 8
Matapos ang gabing yun halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang saya saya ko kase nasabi ko kay Ivan yung reason ko. Hindi ko inaakala na magiging ganun kaseryoso ang pag uusap namin. Hindi man siya nagsasalita atleast alam kong nakikinig lang siya. Masaya ako kase kahit papaano nagkaroon ng time para makausap ko siya ng maayos, yun bang hindi siya nagagalit saakin.
Nandito naman ako sa locker ko. Inaayos ko kase ang gulo na gulo na kase e. Isa pa aalisin ko na rin yung mga hindi ko na kailangan dito. Iuuwi ko nalang sa bahay. Nagsimula naman akong ayusin lahat ng gamit ko dito sa locker after ilang minutes patapos na rin ako. Ipapasok ko na sana yung dalawang libro sa locker ko ng may biglang nakabangga saakin na isang babae at nahulog ang dalawang librong hawak hawak ko.
"Naku, Miss i'm sorry."
Tapos pinulot niya naman yung mga libro ko. Maya maya pa tumayo na siya at inabot saakin yung mga libro ko. Ngumiti naman siya saakin tapos ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
Tanong niya naman saakin.
"Oo, okay lang ako."
Sagot ko naman sa kanya.
"Sorry talaga. Sige mauna na ako ha. Sorry"
Tumango naman ako sa kanya. Mabilis naman siyang umalis sa harapan ko. Ano ba ang problema ng babaeng yun? Para namang merong humahabol sa kanya.
Agad ko namang inilagay s alocker ko yung libro at isinara ang locker ko.
"Alam mo bang hindi na makakasali si Marah sa Cheering Squad, napilayan daw siya e. So Kulang sila ng isang member."
"Ha? Talaga? Naku kawawa naman siya."
"Kaya nga e, alam mo ba na may bagong basketball player. An gwapo teh! Kaya swerte ka kung makakapasok ka sa cheering squad."
Nadinig ko namang pinauusapan ng mga babae. Cheering Squad diba iisa lang ang club ng basketball at cheering squad? Wait si Ivan ba ang tinutukoy nilang bagong member ng besketball? Wala naman kaseng ibang bagong basketball player kundi si Ivan.
Bigla ko namang nalala na pumasok si Ivan sa Basketball club office.
-------------------------
Naglalakad naman ako ngayon papunta sa Club Office nila Janine. Ano kase magpapasama ako sa kanya sa CHeering Squad/Basketball Office Club. Malakas kase siya kay Sir Jonas, head ng CH/B Club. Syempre dahil malakas naman si Janine kay Sir Jonas isasama ko siya para mas madali ako makapasok sa Cheering Squad, Pahirapan kaseng sumali doon e. Oo tama kayo, sasali ako sa Cheering Squad. Hindi kapanipaniwala diba? Hihihi.
Nakarating ako sa Office Club nila Janine. Nakita ko naman si Janine na nagaayos ng papers kasama yung mga kamember niya, hindi ko pa pala nakwekwento. President pala siya ng English Club kaya lagi siyang busy.
"Janine."
Tawag ko naman sa kanya. Lumingon naman siya saakin. Sumenyas naman ako sa kanya na lumabas siya. Maya maya pa lumabas naman siya.
"Oh bakit? May problema ba?"
Tanong naman saakin ni Janine. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ano kase Janine.. Ummm diba malakas ka naman kay Sir Jonas? Uhmmm magpapasama ako sa sayo sa club office nila e."
Kumunot naman ang ulo ni Janine.
"Bakit naman? May-- Oh gosh Ayah! Don't tell me sasali ka sa cheering squad, parehong kaliwa ang mga paa mo."
Sumimangot naman ako sa kanya. Pasimple lang siya kung manginsulto ha!
"Sobra ka naman! Marunong naman akong sumayaw e, kaya sige na samahan mo na ako..Please?"
Pagpapacute ko naman sa harapan ni Janine.
"Alam ko kung bakit sa sasali, Basketball player na si Ivan diba?"
Yumuko naman ako. Ito na ba yun e, ito na yun hindi ata papayag si Janine. Hinsi siya papayag kase alam niyang basketball player si Ivan.
"Kaya hindi ako papayag."
Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinalain.
"Sabi mo susuportahan mo ako? Last na ito promise, hindi na ako mangungulit..."
Pagmamakaawa ko naman kay Janine. Huminga naman siya ng malalim.
"Okay okay, pero kapag nabalian ka ng buto, wag kang magrereklamo saakin okay?"
Napangiti naman ako ng malapad.
"Promise!"
-------------------------------------------
Nandito na kami ngayon sa harapan ng Cheering Squad/Basketball Office Club.
"Sigurado ka ba talaga Ayah?"
"Oo nga! Sigurado na ako"
Agad namang hinawakan ni Janine yung door knob, at binuksan ito. Agad naman akong tumago doon sa gilid para hindi nila ako makita. E kase bigla akong kinabahan e.
"Teka, akala ko ba sigurado ka na? Bakit ka nagtatago diyan?"
Tanong naman saakin ni Janine. Kinakabahan ako e.
"Ano ka ba, para suspense. Isa pakinakabahan ako e."
Huminga naman siya ng malalim at pumasok sa CS/B Office club, naiwan namang nakabukas yung pintuan.
"Oh, Janine, bakit ka nandito? May kailangan ka ba?"
Nadinig ko namang tanong ni Sir Jonas kay Janine.
"Ah, ano kase Sir, narinig ko kase na kailangan niyo daw ng isa pang member para sa Cheering Squad."
Sagot naman ni Janine kay Sir Jonas.
"Ah, yun ba? Oo e. Nabalian kase ng buto si Marah banda sa paa niya. Sasali ka ba?"
"Ah, hindi po. Siya po ang sasali."
Agad naman ako hinila ni Janine papasok sa loob, nakita ko namang parang nagmemeeting ang lahat ng member ng club na ito, nandito kase sila lahat, lahat din sila nakaupo sa kanya kanya nilang upuan.
"Oh, Ayah Martinez. Ikaw pala? Ikaw ba ang sasali?"
Tumango naman ako kay Sir Jonas.
"Opo Sir."
"Naku! Tamang tama. Okay welcome to Cheering Sqaud And Basketball Club."
Tapos ngumiti naman saakin si Si Sir Jonas. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay, please welcome her, Ms. Ayah Martinez. Siya na ang papalit kay Marah sa cheering squad."
Ngumiti ngiti naman sila saakin, ngumiti nalang din ako sa kanila. Maya mya pa napalingon nalang ako sa right side ko banda at nakita ko si Ivan na nakaupo habang nakacross arm, maya maya pa umling iling siya.
Hi Ivan.
------------------------------------------------
Vote and Comment :)))
AyelahDiamond.

BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Teen FictionOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )