Chapter Eleven

34 1 0
                                        

Okay okay! Chapter 11 is updated! :)))

Dedicated to Miss Alyloony. Idol ko po kase siya.

Okay, enjoy!

------------------------------------------------

Chapter 11

Medyo masama parin naman yung pakiramdam ko dahil sa pagkakalunod ko kanina. Masakit pa nga konti yung ulo ko e, dumadagdag pa itong sakit ng katawan ko na nakuha ko sa cheering squad practice. 

Palubog na yung araw kaya naman napaupo muna ako dito sa isang putol na wood sa sand  at tinignan ang paglubog ng araw. Grabe! First time ko to makita! Ang ganda ganda pala talaga. Sana makita ko pa ito ulit pero sana kasama ko na ang taong mahal ko. Pangarap ko kase yun. 

Halos magiisang oras na akong nakaupo dito gumagabi narin, yung kaninang nakikita kong paglubog ng araw ay napapalitan na ngayon ng isang bilog na moon at napakadaming stars, si Mama, Tita, Tito at Ate Trisha kase may iniihaw silang BBQ. Gusto ko ngang sumali e, kaso sabi nila magpahinga nalang daw ako nalungkot nga ako e. 

"Hoy engot.."

Napalingon nalang ako ng marinig ang boses na yun. 

"Are you okay now?"

Tanong niya naman saakin. Ngumiti naman ako sa kanya..

"Yep."

Agad naman siyang naglakad papalapit saakin at nakiupo dito sa wood na kinauupuan ko. 

"Inumin mo daw to sabi ni Mommy."

Tapos inabot niya naman saakin yung isang baso na may mainit na inumin. 

"Salamat.."

Sabi ko naman sa kanya. Bakit ganito? Pakiramdam ko ang awkward. Shemaaay! Namamagitan ang katahimikan saaming dalawa. 

"Sa susunod magiingat ka. Lalangoy tapos malulunod din naman pala."

Sabi niya naman saakin. Ayan nanaman siya, papagalitan niya nanaman ako. 

"Nadulas lang naman ako e. Ayan ka nanaman pagagalitan mo nanaman ako."

Sagot ko naman sa kanya, namagitan naman ang katahimikan saaming dalawa. Galit parin ba siya saakin? Pssh. I hope sana hindi na, sana hindi na talaga, e kase kinakausap niya ako e. Kung galit parin siya saakin, hindi na niya sana ako kinakausapin diba?

"Galit ka pa ba saakin?"

Tanong ko sa kanya. Alam ko namang alam ko yung sagot e, OO galit siya saakin. Pero kase lumapit siya saakin e. E baka naman kase naaawa lang siya saakin. Naghihintay ako ng sagot pero hindi naman siya nagsasalita.

"Ang totoo  kase Ivan, hindi kita iniistalk. Yung sketch na yun, ako ang nagsketch nun dahil nga ikaw yung lalaking nasa panginip ko, yung lalaking hinahanap ko. Nakakatawa nga kase paano naman yun napunta sayo."  Agad naman akong tumingin doon sa stars  "Nagulat nalang ako ng makita kong hawak hawak mo na iyon.  Siguro nga kase nahulog ko yun, ang clumsy ko kase." Napangiti nalang ako 

"Sorry kung lagi kitang ginagalit at iniinis, gusto ko kase patunayan sayo na tama ako." Ibinalik ko naman ang tingin ko sa dagat  "Nakakasawa na no? Pero palagi ko nalang sinasabi na hindi ako susuko Ivan." Tumingin naman ako sa kanya habang siya nakatingin lang sa bawat paghampas ng dagat sa buhangin "Ivan, kahit ilang ulit mo pa ako ipapahiya, awayin hindi parin ako mapapagod na ipakita sayo na ikaw talaga ang hinahanap kong si Ivan Delarosa. Pangako. Hindi ako mapapagod magtrtry na ipaliwanag sayo ang lahat  lahat. Siguro naguguluhan ka pa ngayon. Pero alam ko someday maiintindihan mo rin ang lahat.  I know you really hate me, pero wala naman akong paki doon kase ----" 

You And I Collide ( O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon