♥Chapter 13: Friends again.

31 1 0
                                    

"♥ Chapter 13: Friends again.

- Jessie's POV -

Ayokong pumasok ng school. Ayoko kasi makita si Echo. call me Maarte, pero ayoko kasi e. -__-

*Knock knock*

"Pauline, hindi ka ba papasok??! Bumaba ka na dyan. May naghahanap sayo." Sabi ni Mama.

"Opo!!" Tas bumangon na ako sa kama ko.

Sino naman kaya yung naghahanap sa akin? Ang aga aga pa ee. Dont tell me si Echo?! Or si Hazel?!! o_____________________o

Naghilamos na ako tsaka nagayos. Dali dali naman akong bumaba.

Nakita ko naman si Wencess na nakaupo sa Sofa.

"Oh, what brought you here? Maaga pa ah." - Ako.

"Can we talk?" Tanong nya. Halata sa boses at mukha nya na seryoso sya ngayon.

"About what?"

"Basta tara, sa garden." Sabi nya. Kaya sumunod nalang ako sa kanya papunta sa garden. Naupo lang ako sa malaking bato.

"Anong paguusapan natin Wencess?" - Ako.

"Tungkol sa iyo. Kay Echo. Kay Hazel. Alam mo ba yung nararamdaman nila ngayon Jessie?" - Wencess.

"H-Ha?" - Ako.

"Malungkot. Naiinis sila sa sarili nila. Alam kong pinagsisisihan nila 'to Jessica. Alam ko rin na hindi nila ginusto to. Buti ka nga, after 3 weeks lang tapos binalikan ka. Sorry kung ganito ako sayo ngayun Jessie. Pinaparamdam ko lang sayo na mali ang ginagawa mo." - Wencess.

Anong mali sa ginagawa ko? o___o

"Anong mali sa ginagawa ko Wencess?" - Ako.

"Anong mali sa ginagawa mo? Lahat. Lahat mali Jessie. Kasi sila na nga tong lapit nang lapit sayo. Pero ikaw? Anong ginagawa mo? Lumalayo ka sa kanila. Parang baliw lang." - Wencess.

"Alam mo Jessie, nangyari rin sa akin yan. Haha. Natutuwa nga ako sa sarili ko kada naaalala ko yun e. Bakit? Kasi 8 months akong naghintay. Nagbabakasakaling babalik sila. Pero ako naman si tanga, na naghintay lang. Yun pala sila masaya na sa mga bago nilang nahanap na kaibigan." Tas nagfake smile sya.

Alam ko naman na, malungkot talaga sya. Di nya lang pinapakita.

Nakokonsensya tuloy ako dahil sa mga sinabi ni Wencess. Kasi 3 weeks lang naman silang umalis. Pero ako super namomblema na. Sobrang nagalit. Kaya narerealize ko na, mahina ako. Mahina ako pag dating sa ganito. Ang OA ko. Tas pinairal ko pa ang katangahan ko. Tss. -_-

Ilang minuto din naghari ang katahimikan dito sa garden. Di ko alam sasabihin ko kay Wencess. Ang dami nya nang ginawa para sa akin nung wala sila Hazel at Echo. Pati ngayon, may ginagawa sya para magkabati bati kami. Saludo talaga ako kay Wencess.

Super binibigyan nya ng halaga ang kaibigan nya sa kanya. :)

"Wencess, tama ka. Mali ang ginagawa ko. Katangahan ang pinapairal ko."- Ako.

"Buti naman ngayon, narealize mo na." Tas nagsmile sya.

"Wencess, gusto ko nang makipagkita kay Hazel. At kay Echo syempre." - Ako.

"Edi kung ganun, puntahan mo sila." - Wencess.

"Teka. Diba may pasok?" - Ako.

"Dont worry, di sila pumasok ngayon. kaya gora na." - Wencess.

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis nga pan-alis.

.

.

.

- Wencess' POV -

Nakatulong nanaman ako kay Jessie. Relate na relate kasi ako kay Jessie, kaya gusto ko sya tulungan. :)

Natuwa nga ako, kasi, nung kiniwento ko kay Jessie ang nangyari sa akin, nakonsensya sya. Tama lang yun. Para naman matanggap nya ulit sila Echo at Hazel.

Nung kinausap ako nila Echo at Hazel, sinabi nila sa akin ang importanteng dahilan ng pagkalayo nila kay Jessie. Sobrang nagulat nga ako sa sinabi nila. Pero sinabi nila sa akin na wag muna sabihin kay Jessie. Kaya eto hindi ko nga sinabi. Ayaw ko naman mawala ang pagtitiwala nila sa akin. Ganyan ako. Laging binibigyang halaga lahat ng nalalaman ko.

At mas lalo akong nagulat na isa ako sa dahilan kung bakit ganun ang nangyari kay Jessie.

Isa ako sa dahilan, pero wala akong kaalam alam. Ngayon ko lang talaga nalaman.

Kaya parang tumutulong na rin ako para kay Jessie.

- Jessie's POV -

andito na kami sa bahay nila Hazel. Sa tapat. Im getting nervous.

Sino ba naman hindi kakabahan? Eh lumayo ako sa kanila tas after 2 weeks lalapit ako. -___-

Nagdoorbell na ako sa bahay nila Hazel. Sakto naman binuksan ng yaya nila.

"Good morning po ma'am. Friend po kayo ni Ma'am Hazel?" - Yaya.

"Uh eh, opo. Andyan po ba sya?" - Ako.

"Opo. Kaso andun po sa Kwarto. Nakalock nga po e."

"Pupuntahan ko po sya. Asan po yung room nya?" Tinuro naman nung yaya kung saan.

Dali dali naman akong pumunta. Sumunod lang rin sa akin si Wencess.

*Knock knock*

Bumukas naman ang pinto. at halatang gulat na gulat si Hazel.

"J-Jessie? Bakit ka andito?" gulat na tanong ni Hazel.

"just wanting to make friends with you again." - Ako.

"Hazel, Im so sorry for being like this. Sorry kasi nilayuan ko kayo. Sorry kasi hindi ko kayo inintindi." - Ako.

"J-Jessie?? Hindi ka dapat nagsosorry. Ako dapat. Kasi feeling ko trinaidor kita." - Hazel.

"N-no. Sorry talaga Hazel." Bigla nya naman akong niyakap.

"Sorry rin Jessie!! I love you." Sabi nya habang yakap yakap ako.

"Bati na tayo Hazel ah."- Ako.

Naalala ko si Echo. Di pa kami nakakapagusap at nakakapagbati.

"Hazel, si Echo? Gusto ko rin makipagbati sa kanya." - Ako.

"Sige. i'll call him." - Hazel. Tas kinuha na nga nya yung cp nya at pinapunta si Echo dito sa bahay nya.

After 30 mins... Nakarating na rin si Echo.

Gulat rin sya nung nakita nya ako.

"J-Jessie?" - Echo.

"Uh eh.. Echo, sorry na ah. Bati na tayo." Yan nalang nasabi ko. Kinakabahan ako tas kinikilig. Crush ko pa naman sya. ^_^

Haha. Jessie! Ang landi mo!

"Friends again?" Tanong ni Echo.

"O-Oo naman." - Ako.

0______0 Niyakap nya ako??!

I think im blushing!! >///<

Nagiinit ang mukha ko!!

Napangiti nalang ako habang yakap nya ako. :")

•• To be continue ••

PRINCE OF MY HEART (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon