♥Chapter 29:
- Wencess' POV -
Nakita nya na daw si Echo?
Ibigsabihin andito na si Echo?
Nasabi na ba ni Hazel kay Echo na naalala na ni Jessie ang lahat??
Kung nasabi na, bakit di agad sya pumunta kay Jessie?
"Hazel, kita tayo sa coffee shop." Sabi ko kay Hazel sa phone. sasabihin ko yung nangyari nung pauwi na kami ni Jessie.
(Sige. Wait for me there.) --Toot toot--
Kaya pumunta na ako sa coffee shop.
Tsaka para malaman ko na rin kung nasabi na ba nya kay Echo.
_____________________________________________________
"Oh ano na Wencess? Anong nangyare bakit nakipagkita ka?" Tanong sa akin ni Hazel.
"Kasi, sabi ni Jessie, she saw Echo. Sa may Villanueva Company." - Ako.
Halatang nagulat si Hazel sa sinabi ko.
"Tutuo ba yan Wencess?" - Hazel.
"Oo. Baka nga nakita nya si Echo. Alam na ba ni Echo na naalala na ni Jessie?" -- Ako.
"Definitely, no. Balak ko na nga sabihin e. Kaso naman, bigla kang tumawag." -- Hazel.
So ako ang wrong timing pala? HAHAHAHA.
"Sabihin mo na ngayon na. Super lungkot na ng bestfriend mo Hazel, matitiis mo ba sya?" -- Ako,
"Syempre hindi. Humahanap lang ako ng tyempo." -- Hazel,
"Ha? Tyempo? Tsk tsk, sabihin mo na ngayon.. May tyempo tyempo ka pang nalalaman." -- Ako,
nagglare lang sa akin si Hazel at kinuha ang cellphone nya.
"Pwedeng ikaw na magsabi." Tas inabot nya ang cp nya.
Then i saw na nasagot na ni Echo. Kaya agad agad kong kinuha ang cp ni Hazel para makausap si Echo.
"Echo.. do you remember me?"
(Yes. Boses pa lang. Wencess, ano nang nangyayari?)
"Uh eh... May sasabihin sana kami sayo."
(Yes? Ano yun?)
"Nakabalik ka na ba dito sa Pinas?"
(Yes. Nakita ko na rin si Jessie. I want to know all about her sa loob ng mahigit isang taon.)
"Jessie's memories before the accident returned."
(Ha? totoo ba yang sinasabi mo Wencess?!)
Halata sa boses ni Echo ang tuwa....
"Oo, totoo toh. Bakit? Mahal mo pa ba si Jessie?"
(Asan sya ngayon?)
"Echo , tinatanong kita, kung mahal mo pa ba si Jessie. Ang tagal nyang naghintay sayo. At hanggang ngayon.. At alam kong mahal ka pa rin nya. At ikaw na lang ang kulang para magkumpleto ang kasiyahan nya,"
hindi ko alam kung bakit nasasabi ko to.
Para ba makonsensya si Echo? Na lumayo sya kay Jessie???
(Please, sabihin mo na lang kung nasaan sya.)
"Andun sa trabaho nya." Tas tinuro ko na rin kay Echo kung saan si Jessie nagtratrabaho..
And then he ended the call.
- Jessie's POV -
Echo, Echo, Echo.
Sya nanaman ang nasa isip ko habang nagtratrabaho..
Di ba pwedeng kahit ngayon lang mawala muna sya sa isip ko??
Kasi malulungkot lang ako. Pag lagi akong ganito.
Di ba pwede na sumaya muna ako kahit wala si Echo???
Na sana, mabuhay na ako sa present at hindi sa past.
Alam ko na hindi ko maiiwasan na maalala ang past ko kahit nabubuhay na ako sa present.
Pero alam kong mas madali yun kaysa sa mabuhay sa Past diba???
Ang gulo gulo na ng nasa isip ko!
Bakit ganito kahirap ang magMove on?!
Isang buwan ng relasyon, katumbas ng mahigit isang taon na pagmomove on.
Sobrang nasaktan ba talaga ako sa paglayo ni Echo?
Sobra sobrang sakit... nasaktan nga ako nung 3 weeks silang nawala ni Hazel, ano pa kaya ngayon?
1 year and 6 months. Wala akong alam tungkol kay Echo.
Kung may bago na ba syang minahal.
O kung mahal nya pa rin ako.
Bakit kahit anong subok ko na magmove on, di ko magawa.
Naiinis na ako...
I trying to move on.
Pero hanggang kailan ko susubukan?!!!!!
================================================================
Vote, comment, recommend. <3
LoveLots~
BINABASA MO ANG
PRINCE OF MY HEART (On-Going)
Teen FictionSi Jessie ay isang babaeng nagsasabi na, hindi sya marunong magmahal. Pero anong mangyayari pag nalaman nya ang mga sikreto tungkol sa buhay nya?? --This story is about FRIENDSHIP, HATE, and LOVE.