♥Chapter 24: Second

23 0 0
                                    

♥ Chapter 24: Second

- Jessie's POV -

"Tara na, Jessie, lunch na tayo." Yaya sa akin ni Wencess. Wala naman akong ibang kasabay. Wala si Echo. :'(

Sobra sobra ko na syang namiss.

Nasaan na kaya sya ngayon?

Sana hindi nya pa ako nakakalimutan, kasi sya, di ko malilinutan.

Haay, sobra na ako kung makaemote.

Bumili na ako ng Carbonara. si Wencess naman, rice and friedchicken lang.

Naalala ko tuloy si Echo. Yung sinabi nya, bibilhin nya para sa akin yung carbonara kasi, mahal yun. Ang sweet nya nung araw na yun. Kahit hindi pa kami.

Pero bakit ngayon, lumayo sya? :'(

Peke lang ba lahat ng pinapakita nyang ugali sa akin?

Atsaka ano yung nasa panaginip ko?

Isa ba yun sa rason kung bakit sya lalayo?

Ano ba kasi talaga ang meron tungkol sa panaginip na yun?!

Nangyari ba talaga yun bago ako maaksidente?

Kung oo, ibigsabihin, nagalit ako dati kay Echo?!

Naguguluhan na ako!

Naguguluhan na ako kasi, bakit ako magagalit sa kanya dati e hindi ko pa sya kilala nun. :'(

Sana bumalik si Echo at ipaliwanag lahat sa akin. :'(

Natapos na kami kumain ni Wencess. Bumalik na rin kami sa room.

Wala naman akong ginawa kundi idukmo ang ulo ko sa armchair. At wala ako sa mood na nakinig ng lecture ng teacher. Si Echo ang iniisip ko.

Nung uwian na, umuwi na agad ako. Di na ako natambay sa likod ng school or kahit sa school garden.

Dati kasi, pag kasama ko si Echo, tumatambay pa kami doon.

Asan na ba kasi si Echo?

At officially na ba na break na kami?

Hindi ko sya magets.

kung babalik man sya, sana mahal ko pa rin sya.

At sana may nararamdaman pa rin sya para sa akin.

Pagdating ko sa bahay, umakyat na agad ako ng kwarto at humiga na sa kama. Ganito naman ako pag nakauwi simula nung lumayo si Echo. :(

Itutulog ko na lang toh....

ווווווווווווווווווווווו

"Happy monthsary Baby Jessie.. I love you. Sana tumagal pa tayo! September 15 ngayon!" Sabi ni Echo sa may call.

"Happy monthsary rin. Akala mo nalimutan ko noh? I love you Dada Echo!" - Ako.

"Kita tayo sa park oh!" - Echo.

"Sige sige bye Dada!" Then i ended the call.

ווווווווווווווווווווווו

Napagising ako! Panaginip nanaman ba? At andun nanaman si Echo. Ano bang ibigsabihin nun??

Nangyari ba talaga yun.

September 15? Yun ang araw na naging kami ni Echo.

Pero bakit iba ang meaning ng September 15 sa panagunip ko?

At monthsary pa namin yun.

Dumating na ba sa buhay ko dati si Echo?

Alam ko si Echo lang ang makakapagpaliwanag ng tungkol sa mga panaginip na toh.

It is the second that i dreamed about Echo.

Kagaya nung unang nanaginip ako, tinawagan ko ulit si Hazel para pumunta dito.

Wala pang ilang minuto, dumating na si Hazel.

"Uy, Jessie, nanaginip ka nanaman ba?" - Hazel.

"Oo e. Monthsary daw namin ni Echom September 15" - ako.

Nagulat ulit si Hazel. Alam nya ba ang tungkol doon??

Kung alam nya, bakit di nya sinabi sa akin?!

"Hazel, alam mo ba yung tungkol doon?" - Ako.

"H-Hindi Jessie." - Hazel.

Hindi nya nga alam?

Pero paano pag hindi na bumalik si Echo. At hindi na nya mapapaliwanag to.

- Hazel's POV -

Malapit na malapit na to. Sana lahat lahat mapanaginipan na nya.

At sana maintindihan nya kung ano yun at bakit nya napapanaginipan yun!

At sana pag nalaman nya, di sya magagalit sa mga taong may kinalaman dito.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•

Read. Vote. Comment. Recommend. <3

PRINCE OF MY HEART (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon