Hashtag // Twenty-Five: #Choices
Avery's POV
I just stared at Christian, dumbfounded, while my tears are continuously streaming down. I clutched my chest part, hopefully turning down the hurt in my heart. He did all of those... for me?
"Ginawa niya... 'yon?" Saad ko habang umiiyak. Sobrang nasasaktan ako sa ginagawa ni Raven sa sarili niya. Hindi niya dapat pinaparusahan ang sarili niya nang ganito dahil hindi niya naman iyon kasalanan.
"Oo. I've known him since we're freshmen Av and I can say... hindi niya alam kung paano ihandle ang problema niya. That is his weakness. Magaling nga siyang gumawa ng plano ngunit kapag nagkakaproblema, doon siya nahihirapan. And maybe that was the reason why he had done those things. I guess you should..." He glanced at me and held my hand, "...sort things out. You really need that guys." He said, sincerity written all over his face.
I nodded a few times, wiping my tears using the back of my hand.
"Labas muna ako, Avery," Sabi niya pagkatapos ay tumayo. Maybe to give us some space. "Call me if need help, okay? Bye." Dahan-dahan niyang isinara ang pinto, leaving me and Raven alone.
Pagbalik ko ng tingin kay Raven, nakita ko ang biglaang pagkunot ng noo niya. Hinawakan niya ang kanyang ulo kasabay noon ang pagbukas ng kanyang mga mata. He's awake.
Biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Ngayon lang ulit kami nagkaharap simula noong isang linggo. And I miss him so much. So damn much.
*PLEASE PLAY THE SONG WHILE READING*
"Raven..." It was all I can say. Hindi ko alam kung anong sasabihin... Damn. Of course, I have so much to say.But ngayong nasa harap ko na siya, ewan. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Why are you here?" His voice can be traced by nothing but coldness. Lamig na kahit kailan hindi ko narinig sa kanya kahit noong una. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya tumitingin sa akin.
Pero hindi ko iyon inisip. At hinding-hindi ko iyon bibigyang pansin. Dahil alam kong mahal niya ako.
"R-raven," Hinanap ko ang boses ko dahil halos hindi ko na masabi ang pangalan niya dahil sa luhang tumutulo sa mga mata ko. Humihikbi na rin ako. Hindi ko mapigilan!
"I said, why are you here? Hindi ka dapat nandito..." He said... at kasabay nun ang pagtalikod niya sa akin.
It's as if, ayaw niyang makita ang mukha ko. Naitanong ko na lang sa isip ko, ako ba talaga ang nagkamali? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? Pinatawad ko naman siya... ngunit bakit di niya kayang patawarin ang sarili niya?
"Raven... I know you're just scared. But Rave, I already forgave you—" Marahas siyang humarap sa akin and he cut me off. His eyes were red, maybe because of tiredness, anger, and hurt... Extreme hurt.
"Fuck, Av. Pwede ba umalis ka muna?! Hindi ka ba natatakot sa akin? We're the only people here!" Anger flared into his eyes na mismo ako hindi ko inaasahan iyon.
"Rave, ano ba?! Stop complicating things between us! Okay na ako! What happened before was already over. Kalimutan na natin iyon!" Napalakas ang boses ko nang sinabi ko iyon.
It's just that, pwede naman 'to naming pag-usapan diba? Bakit niya pa kailangang ipagtabuyan ako? Nasasaktan din naman ako... Sobrang nasasaktan.
"You're fine with it? Well, I'm not! At hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. And really, nawalan ka pa pala ng anak dahil sa kagagawan ko and you seemed fine? Fuck." He shouted. At ramdam ko ang bawat salitang sinasabi niya! Ang sakit!
"Sinong maysabing okay lang akong nawalan ng anak? Sinong may sabing ayos lang iyon? Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sa pagpapatawad ko sa iyo? Ganon ba?" I said, tears streamed down my face.
I moved nearer to him and pushed his chest. "OO, MASAKIT ANG NANGYARI PERO PINATAWAD KITA DAHIL ALAM KONG HINDI KO NA IYON MAIBABALIK AT ANG MAS MAHALAGA AY ANG NGAYON AT IKAW! IKAW RAVEN! IKAW! TANGINA!" Napahagulhol na ako ng iyak.
I clutched my chest part dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pinapakita niya ngayon. Dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Dahil sa kanya!
Natahimik siya at biglang tumalikod sa akin. Ayaw niya na sa akin. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko... at dahan-dahang naglakad palabas ng pinto ng clinic. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Pati ang mga paa ko, parang ayaw umalis. Pero alam kong kailangan... Ngunit bago pa ako makalabas nang tuluyan... nakarinig ako ng hikbi...
Saglit akong natigilan sa paglalakad at agad siyang tiningnan pabalik. Dinurog ang puso ko nang makita kong tumataas-baba ang kanyang balikat kasabay ng kanyang paghikbi.
Umiiyak siya! Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit! Umiiyak na rin ako. Hindi ko talaga mapagilan!
"Avery..." Sabi niya habang umiiyak. I never imagined him crying like this, like a lost boy, like a hopeless man. Napaupo siya sa kama na kanyang hinihigaan at hinawakan niya ang bewang ko at yumakap nang mahigpit, may luha pa rin sa kanyang mga mata.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg habang umiiyak. Ramdam ko ang luhang tumutulo doon. Niyakap ko rin siya nang mahigpit at hinayaan ang pag-iyak niya.
"Please... umalis ka muna."
Nabingi ako sa sinabi niya. I looked at his eyes. Bumalik ang pagiging cold ng kanyang mga mata. Akala ko ayos na?
"Please, Rave. Forgive yourself. It was not your intention. You were drugged that time na hindi mo alam ang ginagawa mo. Rave. Please." I pleaded, and touched his face making him look at me.
Umiling siya. His face fell. And sadness took over. Ganoon ba kahirap patawarin ang sarili niya? Bakit? I just can't understand... why?
"Please..."
Dahan-dahan akong tumayo at iniwan siyang nag-iisa. Hahayaan ko muna siyang hanapin ang sarili niya. Dahil kahit ako mismo hindi ko mahanap ang totoong siya. Ang dating siya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016Winner
RomanceAvery Guevarra Lim, a lady with class and a woman with brain tends to marry a Class-A womanizer, Raven Lim. They quarrel and annoy each other the whole time but despite that, a secret is hidden somewhere between them. Would they accept the fact? Or...