HASHTAG // THIRTY-TWO: #ComeBackIsReal

157K 3K 112
                                    

Hashtag // Thirty-Two: #ComeBackIsReal

Avery's POV

"CONGRATULATIONS, ARCHITECT AVERY GUEVARRA!"

Napailing na lang ako sa mga nakasulat sa tarpaulin na isinend ni Luis sa akin. I am on my way to the Bar which Luis said.

Seriously? Nagpa-tarp pa talaga iyong mokong
na 'yon! But at least... Haaay. Ngumisi ako.

Last four months ago, I passed the licensure exam. Of course, proud na proud naman si Luis. So it means, seven and almost a half years na ako dito sa NY.

Ngunit hindi ko ini-expect na sa araw ng graduation ko, magtatapat siya sakin ng kanyang nararamdaman!

Damn, I couldn't believe it. We are best friends... hindi ko naisip na mayroon pala siyang nararamdaman para sa akin.

I was... stunned. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. It ended up with a sad smile on his face which broke my heart into pieces. I don't want to see that sad smile across my best friend's face!

Pero anong gagawin ko? Hindi ko masusuklian iyon. Yes, I owe him everything. But then... mali naman siguro kung magsisinungaling ako sa kanya.

Mahal ko siya, oo. Mahal bilang matalik na kaibigan.

Pagkatapos ng graduation ko, I became an intern in a company for a year then after that, I took up the Architect Registration Exam. At ngayon, we are celebrating dahil isa na akong licensed Architect!

I am very happy. After all the sacrifices, now I've reached my goal. Naalala ko iyong sinabi ni mama sa akin noon. Na kapag naabot ko na raw ang pinakapangarap ko, huwag ko daw siyang kalimutan. Of course, ma.

Kahit pa hindi ko naabot ang pangarap ko, hinding-hindi kita kakalimutan. Napatingin ako sa calendar ng phone ko.

Today is mother's day.

I smiled, and looked above. "Hi, mama. Happy mother's day. I love you po. Alam kong binabantayan mo ako palagi, ma. Para sa'yo itong lahat."

Then I looked down... "Happy mother's day too, self."


***


Today is really the day. Oh my God. Finally! I'll be going back home! God knows how excited I am to go back to the Philippines. Siguro tama na ang naipon ko sa loob ng halos walong taon. Pagkarating ko roon, gagamitin ko ang pera na naipon ko sa pagpapatayo ng Achitecture Firm. Oh, God. Guide me please.

Kasama ko sa pagbabalik sina Luis, Brent at iba pang models na natapos na ang contract doon sa NY at ayaw ng mag-renew. But of course, mga nasa tatlo lang sila. Sino ba naman ang hindi mag-rerenew kung ganoon na kaganda ang career doon?

Habang nakatingin sa labas, sumagi sa isip ko ang mga maaaring mangyari sa Pilipinas pagkarating ko.

Huminga ako nang malalim. Will mine and Raven's paths cross again?

Sa totoo lang, wala akong balita sa kanya. Ni isa. After I left, wala na talaga kaming communication sa isa't isa. I didn't plan to contact him dahil kapag ginawa ko iyon, at nagmakaawa siyang pabalikin ako baka siguro babalik ako kaagad at baliin ko ang mga sinabi ko noon na magpakalayo-layo muna. But silly me... Si Raven? Magmamakaawang pabalikin ako? Stupid, Avery. Bakit mo naisip iyon?

Stupid. He doesn't even care! Ni hindi ka nga niya hinanap sa loob ng tatlong taon samantalang ikaw palagi mo siyang iniisip, talaga bang gusto ka niyang pabalikin? Dream on.

Kumirot na naman ang puso ko. Ang puso kong unti-unting nabubuo, sa pag-iisip lang kay Raven, nawasak itong muli!

Fuck. Bakit ba kasi siya pa rin hanggang ngayon?! Marami namang nanligaw sa akin. May mga nagustuhan rin naman ako sa kanila kahit papaano, ngunit bakit wala pa ring nakatalo sa pagmamahal ko sa kanya? Even my own best friend who's always there for me didn't even have the chance to change my feelings for him. Fuck, bakit siya pa rin?!

***

"AVERY, WAKE UP. Bams! Bams!" Agad kong tinakpan ang tainga ko. Grabe naman 'to! Ang lakas ng boses!

"Oo na." I groaned, damn. Ang ganda kaya ng panaginip ko!

Naglalakad kaming dalawa palabas ng NAIA. Si Brent ay nagpaalam na dahil sinundo na siya ng Ate niya while iyong tatlo nagpaalam na rin sa "Sir" nila. Jusme.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Luis na minamaneho ng driver niya. He's making some calls while we're traveling. Business...

Mayroon akong condo dito which I bought last year. Alam ko kasing babalik ako this year that's why pinag-ipunan ko na rin ang titirhan ko.

I was just glancing around through the car's window. Ang sarap lang sa pakiramdam na makabalik sa bansang tinuturing mong tahanan. It's a breath of fresh air. Not literally, though. I laughed mentally.

"Av, let's eat first?" Luis asked after putting his phone down.

I nodded. "Yes, sure. I'm starving!"

"Baboy ka talaga." He spat.

"Sexy at magandang baboy ako. Ikaw, baboy lang!"

Nagtalo ulit kami na parang mga bata. Well, I guess 'immaturity' will forever be in our blood regardless of age.

Habang tinitingnan ko ang paligid, my eyes stopped roaming around and immediately focused on a billboard.

Nanlaki ang mga mata ko!

"STOP!" Napasigaw ako kaya agad namang itinigil ng driver sa gilid ang sasakyan.

"Hey, bakit?" Pagtataka ni Luis.

Agad akong lumabas at hindi na pinansin ang tanong niya. Pagkalabas ko, tinanggal ko ang aking dark-rimmed shades at binasa ang nakasulat sa Billboard.


"PHILIPPINE'S NO. 1 HOTTEST DOCTOR: RAVEN LIM"

With a photo of him in white sando, boxers and neck tie only! God that was hot!

Oh... Raven Lim, hottest doctor?! Fuck.


***

A/N: To become a Licensed Archi. in NY, it would usually take roughly 12 years as what I've read. Minimum 7-8 years. In the story, she made it for 7 years since pwede sya mag advance ng ibang subjects kasi she spent almost 4 years studying in the Philippines.

Correct me if I am wrong po ha. Research lang 'to lahat e. Hehe thank you!

Happy 103K reads, loves <3

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon