HASHTAG // ELEVEN: #TheLooks

259K 4.3K 55
                                    

Hashtag // Eleven: #TheLooks



Avery's POV


"Don't tell me you actually believed her, Av?" Seryosong tanong niya sa akin habang hindi pinapansin ang mga tingin ng mga kasama namin sa office. "That wasn't true for pete's sake!" Halos ihilamos na niya ang palad niya in disbelief.


I rolled my eyes at tuluyan nang lumabas sa office. It's true that I'm sick with his lies. Hindi ko na kasi alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. But do you think dapat akong maniwala sa kanya? Gayong alam ko kung gaano siya kababaero noon? O di kaya'y hanggang ngayon?

Heck, it's just been days since we talked. How would I know better?

I'm open to the thought that he bedded women before. Men will always be men. But hell, not with Ayessa. I don't know but something's with her I cannot take.

"Avery naman.." He followed me. Pero hindi ko siya pinansin. Sa naiirita ako sa nangyari kanina, eh. Lalo na dun sa sinabi ni Ayessa na siya daw ang una ni Raven?! Shit. In her face!

"Baby, that wasn't true.. okay? Please let's not argue about this unimportant thing. She's definitely not my first. Uhm." He cleared his throat. "I think?"

He said and I sighed in relief. He doesn't remember anything. Maybe that's a good thing, for now...

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Tumigil siya sa paglakad at ngumiti pa sakin na kala mo tuwang–tuwa sa mga nangyayari. That boyish grin though.


"Why are you still following me? Baliw ka ba? I'm mad at you, I cannot process your explanations. Hindi ko alam kung anong totoo." Ang totoo niyan, lusaw na 'yung inis ko nang nilingon ko siya kanina. Kabadtrip naman. Konting pakipot naman dyan, Avery!


"Oh? Okay..."

SHIT? Okay? Hindi nga niya ako susundan?!

Gumapang ulit ang inis sa sistema ko. Nakakabwisit lang. 'Yung akala mo hahabulin ka ngunit hindi pala!

"Okay din!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko para mapansin nyang naiinis talaga ako sa kanya. Nakakainisssss naman talaga eh.

Pero agad nyang hinuli ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Agad namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Damn you, Raven Lim! He chuckled after seeing my reaction.

"Not when my baby is pissed," He said and kissed the side of my lips.

ANO BAH. Ayan na naman tayo, eh. Lumalambot na naman. Naku ka talaga Raven. Tsss.

"Tsss. Bitaw nga!" Agad kong sabi para di niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Ang landi ko grabe naman. Ang bilis kunin ng loob!

Tumawa lang siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ako naman itong si mapagbigay, hinayaan lang siya. "I like it when you blush, baby. It turns me so damn on." Kumindat pa siya at kinagat ang labi niya.

Sinapak–sapak ko siya at siya naman tawa lang ng tawa. Manyak!

"You flirt! 'Wag mo kong paandaran sa mga ganyan mo!" I said, rolling my eyes.

He just laughed while trying to get away from my dodges.

MAGKASAMA kaming naglakad papunta sa Cafeteria. Nagugutom na kasi ako, eh. Kanina pa kaya ako nagtatrabaho dun sa Office. Buti ngayong hapon pa ang klase ko.

Kapapasok pa lang namin, nakatingin agad ang ibang mga estudyante sa amin. May ibang nakataas ang kilay sa magkahawak na kamay namin. Yung iba nagbubulung–bulungan. Yung iba kumakain lang at walang pakealam. May nakangiti rin at mukhang kinikilig na nakatingin sa amin.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon