HASHTAG // FORTY-FIVE: #BestFriendsWithBenefits

175K 3.2K 121
                                    

Hashtag // Forty-Five: #BestFriendsWithBenefits

Avery's POV

Matapos naming mamasyal, umuwi na kami sa hotel. It was already past 7 o'clock that time but we're still full so we decided to chill for a while. I feel so exhausted. Sobrang napagod ako sa ginawa namin. Dagdagan pa nitong paglambitin ni Katherine kay Raven. 😒

Ang sarap lang bigwasan. But no, I'll still act professionally. I am already an architect, so I should keep my cool. Hindi naman ako pinalaking eskandalosa.

Yeah, temper Av.

"Kumuha ako ng isa pang suite," Katherine said nang maupo kami sa balcony ng room namin ni Raven. We immediately looked at her as if waiting for a continuation.

"And?" Luis asked.

"And I want Raven to be with me. Okay lang ba Av kung ipalipat ko na ang mga gamit ni Raven sa kabilang kwarto?" Katherine asked. Agad napatingin si Raven sa kanya as if questioning her.

Ako naman ay napanganga lang sa tanong niya. Like really?

"Uh, I am fine here, Kath." Sagot ni Raven.

"You're my boyfriend, Raven. Alangan namang dito ka pa rin kahit kumuha na ako ng kwarto?" She said in a disgusted tone.

Raven narrowed his eyes at her as if telling her something. I already know what it's all about. Of course, Raven was telling her to stop acting that way because I already know about it.

"What Rave? Para namang hindi tayo nagtatabi dati. Come on, babe. It's not a big deal." She said confidently.

I looked at Raven who was now clenching his jaw. My brow instantly raised at him. Tumukhim ako nang nakatingin sa sahig, suppressing my anger.

Raven glanced at me for awhile. Alam niya na siguro by now na hindi ako masaya sa narinig ko. Kukunin niya na sana ang kamay ko ngunit inilayo ko ito.

Nagulat ako nang abutin ni Luis ang aking kamay. "Oo nga naman Kath." He glanced at Katherine then back at me. "She is right, diba Av? Dito na lang ako sa suite mo. Para namang hindi rin tayo nagtatabi noon, sa NY tsaka sa condo mo." Luis smirked.

WHAT THE F?

"Wow nagtatabi kayo?! Talaga bang mag-bestfriend lang kayo or is there something going on between you two?" At talagang ginatungan pa ng Katherine na ito!

Agad kong nakita ang pagkunot ng noo ni Raven pagkatapos ay bigla naging blangko ang ekspresyon ng kanyang mga mata at bumigat rin ang kanyang paghinga na tila ba nagpipigil ng galit. God! Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Wala wala!" Ngisi ni Luis at pinandilatan ko siya ng mata. Ngunit hindi pa rin talaga nagpaawat ang mokong! "We're just best friends... With benefits."

ASDFGHJKL!!! 😠😠🔪🔪🔪

"W-ala uy! Wala! Wag kayong maniwala rito!" Depensa ko tsaka sinapak si Luis. Tawang-tawa lang naman siya!

"Was that true?" Raven said in a controlled tone. Galit na siya!

"No! That wasn't—"

"Yeah of course dude. We even tried different positions—" Luis said as if those were true! Fuck! Bakit nasali ang mga positions na yon?! Ha?!

"I'll go to the comfort room first." Raven sa medyo pagalit na tono.

Naestatwa na lang ako sa aking kinauupuan nang umalis si Raven at lumabas agad sa suite namin. Ibinagsak niya pa ang pintuan. Sumunod naman si Katherine sa kanya.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon