|| EX || IRRITATE || AWKWARD || SECOND DAY || HIM || SHORT ||
_____________________________________________________________
Mahalikan ung ang hindi ko makuha dahil ilang metro at milya ang ating distancia at ating pagitan pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan...
Second day of class na ngayon.. Kahapon naman buong araw lang ang bwe-nisit nina Kris at ICE, kesyo may gusto daw ako sa kanilang dalawa kasi nga lagi akong nakatingin sa kanila..As if naman sa kanila talaga ako nakatingin diba? Nakakainis nga eh... Pero buti nalang napigilan ko ang sariling kong patulan yung mga yun.
"Oh Zoe lunch na tayo?" tumango na ako nakihalobilo sa kanila. Alangan namang kumain akong mag-isa? Oo may sarili akong mundo pero ayaw ko na munang kumain mag-isa ngayon baka kaawaan pa ako..
Kain lang ako ng kain habang sila naman ay nakakatuwaan na sa pag kwekwento.. Mga tungkol sa Love, tungkol sa past years nila, o ano-ano paman, minadali ko ang pagkain ko at agad na din bumalik sa upuan ko, tapos na din naman sila pero ganun parin ang pwesto nila.. At katulad kanina nag kwe-kwentuhan na naman sila.. Kinuha ko nalang yung phone ko at naglaro ng 'BOUNCE' basta laro siya sa cellphone, Nokia lang naman phone ko eh..
"Hi" tinignan ko yung nang-iistorbo sa akin.. At Grrr.. Lord kung ano man ang magawa ko sa taong nang-istorbo sa akin patawarin niyo po sana ako..
"What?"-me
"Sungit naman nito, bakit pala hindi ka nakipaghalobilo sa kanila? Kanina pa kita na papansin na hindi umiimik-- ay hindi lang pala kanina pati na pala kahapon.." hindi ko nalang siya pinansin pero ang mukulit na taong katabi ko.. Ayon.. Umupo pa sa tabi ko.
"Uie Sungit.." kinalabit niya pa ako..
"Ano ba??! Masanay ka na kasi ganito na ako" Alam niyo naman siguro diba kung sino ng laging nangungulit sa akin? Hindi si Kris kundi si ICE.. Problema ba ng isang to?
"Sungit mo talaga, kahapon mo pa ako sinusungitan gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo eh, tsaka sabi kasi nila mayboyfriend ka na daw?" Grr, ngayon lang talaga ako nakakilala ng lalaking tsismoso... Pero naisip ko, kung sasagutin ko siya sa mga tanong niya after this hindi na niya ako kukulitin diba? Tama-tama kaya makikipag-usap nalang ako sa kanya..
"Uie.." tinginan ko siya ng masama..
"Atat masyado.. No wala pa akong boyfriend, Ex-boyfriends meron pero Boyfriend wala" sabi ko at kinuha yung notebook ko para magsulat na naman...
"Eh? Anong nangyari sa inyo?" Hindi na naman to titigil kaya pagbigyan na..
"Anong nangyari? Psh.. He just said that he doesn't love me.. Na pinilit niya naman talagang mahalin ako but too bad.. Hindi niya ako natutunan mahalin.. so that's it.. My No Happy Ending Love Story.." napansin kong natahimik siya, Tsk.. Ayaw ko na ngang inaalala yun tapos ganito pa?
"Alam mo, hindi naman yan dapat eh, niligawan ka niya kaya mahal ka niya"-ICE
"Mahal? Ligaw? Akala ko ba nasa modern na tayo? Alam mo kasi kayong mga lalaki pag nagtanong na, 'May chance ba akong ligawan ka?' at pag Um-oo na kaming mga babae, kayo na agad.. Yan ang nangyari eh tsaka sabi ko nga nasa modern na tayo.. Ano pa't may salitang 'BET' kung hindi naman gagamitin diba? Tsaka hindi din natutunan ang LOVE eh hindi yun pinag-aaralan"-Me, ayaw ko na sanang makipag-usap sa kanya kaso parang gusto niya talaga akong asarin..
"Ilang months na ba kayo nun bago kayo naghiwalay?"-ICE
"Months? Mag fi-five months na kami nung mga araw na hiniwalayan niya ako.. Grr pwede ba ICE wag munang itanong sa akin yun.. Naiinis ako eh.." Naiinis ako kasi alam kong nagpakatanga ako. Yun naman eh.. Tanga ako pagdating sa pag-ibig..
"Eh.. hindi naman kasi yun ganun diba? Tsaka look nga maganda ka na--" pinigilan ko na siyang magsalita..
"Maganda? Sino? Ako? Tsk.. In my dreams maganda ako.." tumayo na ako at pinuntahan si Gregie, I need to talk to him as soon as possible, hindi na dn kasi siya nagrereply sa akin.. Gusto ko na munang ayusin kung may nararamdaman ba siya sa akin.. so that I can play my own
REVENGE..
Yes, I want to get even.. Ang tagal kasing dumating ng Karma niya nayayamot na ako.. Haha This is my other side.. Pag ako sinaktan.. o nasaktan.. Lahat damay.. In short nagiging Playgirl ako pagnagkataon.. Matitigil lang yun kung may nagustuhan na naman ako..
"Shawn" tawag ko sa kaibigan ni Gregie
"Oh Zoe Bakit?"-Shawn, sa lahat ng magkakaibigan si Shawn ang nagustuhan ko.. I mean iba kasi siya sa kanila kaya gusto ko siyang maging kaibigan..
"Andyan ba si Gregie?" tanong ko, tinignan naman niya yung loob ng classroom nila at tumingin ulit sa akin..
"Nako wala eh.. Tsaka mukhang nasa canteen din yun" tumango ako at agad naman tumakbo papuntang canteen.. Tama siya andito nga si Gregie..
"Gre--" bago pa ako makalapit.. May humili na sa akin..
ICE..
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Move On
Teen FictionThe Girl Who Can't Move On.... Marami sa atin sinasabi na... 'Okay lang yan, makakamove on ka din' 'Kaya mo yan, alam kong malaks ka naman eh' 'Move on- move on din pag may time ng hindi ka nasasaktan' Right, tama sila move on- move on din pag may...