The Girl Who Can't Move On- Chapter XV

145 3 0
                                    

Last chapter nalang to.. ThenEpilogue na.. Thanks ♥

_____________________________________________________________

After naming mag-usap ni ICE sa Electrical Room pumunta ulit ako sa classroom namin.. And there he is.. Smiling.. buti pa siya nakakangiti siya but me? How can I smile in that way kung alam kong hindi niya sasabihin sa akin ang lahat-lahat.. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at ganito nalang ako ngayon.. Look at it, sabi niya hindi niya ako mahal.. Hindi ako gusto ng parents niya.. pero lahat ng mga reason niya parang hindi pa ako kontento and I don't know why..

Ilang months na ba kaming hiwalay? 1 year and 4 months na ata eh.. or 3 months I guess? Pero maniniwala ba kayo kung sasabihin kong sa loob ng isang taon at tatlong buwan halos sa loob ng sampung buwan iniyakan ko si ICE? Maniniwala ba kayo na gabi-gabi nun halos isang balde na ang mga luha ko? Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kung iisiping mabuti 2 months kaming close at sa two months na yon 3 weeks na naging kami..

ANDITO na ako sa bahay namin ngayon.. Okay na din naman kami ni ICE eh katext ko nga siya kanina.. Kinuha ko yung diaries ko.. Yup Diaries kasi simula yun noong first year ako..

Lahat nakasulat dito.. Lalo na noong mga panahong tungkol pa sa amin ni Gregie.. August 25, 2011 was the day that he dumped me.. but before that August 12, 2011 sabi ko sa sarili ko na hindi ko siya pwedeng mahalin kasi alam kong in this month iiwan niya ako kaya kailangan kong maghanda.. Ihahanda ang sarili ko para sa mga sakit na mararamdaman ko.. At hindi nga ako nag kamali.. Four days after my birthday he dumped me na at yun ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.. Ang unang heartbreak na naransan ko pero sa loob ng tatlong araw na iyakan na realize ko na I need to let go kundi ako pa din ang talo.. Ginawa ko yun after one week mas naging blooming ako at simula nung araw na yun nakamove on na ako at hindi ko na din iniisip si Gregie kaya naman binakuran ko na ang puso ko.. Ang kaso.. sa loob ng eleven na buwan nawala lahat ng bakod na iyon dahil giniba ni ICE pero sa pag-giba ni ICE iniwan niya ng malaking butas ang puso ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal..

Binasa ko pa ng binasa yung mga Diaries ko ng mapunta na ako sa last page napangiti ako.. It's a letter na sinulat ko noong nakamove on na ako.. A letter to Gregie.. Binasa ko iyon..

Dear Gregie,

         Thank you very much .. for everything.. because after what you did you try your best to make it right.. I am so lucky that i found you because you let me feel that I'm important to you even though you dont love me.. I am still you one and only princess right? Ako parin ha? The first princess in your life.. Kahit na may dumating na iba I hope hindi ako mawawala thank you J.. for being there for me..

Napangiti nalang ako.. Tama naman eh.. Kahit na nasaktan niya ako andyan parin siya para makinig at damayan ako.. Sabi nga nung mga kaibigan niya noong mga panahon na kasama ko sila pero wala si Gregie nun..

'Guys bantayan niyo si Zoe, kasi lagot tayo kay Gregie pag may dumapong langgaw sa kanya.. o kahit lamok man lang..' over protective si Gregie.. He is a brother to me even though ex ko siya..

Binasa ko pa ng binasa yun hanggang sa matapos ako..

**

(Two Months Later)

December na ngayon and nagpreprepare na kami para sa Christmas Party namin sa linggo.. May Project din kami na deadline mamayang hapon kaya kailangan na naming gawin lahat.. 3 members in one group kaya ka group ko si Wechelle at yung isa niyang kaibigan na si Grace at napag-isipan naming gumawa ng Christmas Town..

"Paki-abot nga nung Rugby Zoe" inabot ko naman yun kay Grace..

"Zoe may sasabihin ako sa yo" tinignan ko si Wechelle, ayan na naman siya sa 'may sasabihin ako sayo' nakakakaba kaya..

"Ano naman yun?"-Me

"Si ICE daw may nililigawan?" napangiti ako.. Yup totoo iyon naka-usap ko na si ICE tungkol diyan at sabi niya wala naman daw.. Kaya alam ko ang totoo.

"Talaga?" I know naman kung bakit siya ganyan.. She knows that I still love ICE.. Siya lang ang isang taong nakakaalam lahat ng sekreto ko.. At ang mga sekreto niya naman alam ko din.. Gaya nalang nung .. shh lang kayo ah?... gaya nalang nung crush niya si

ICE..

yup si ICE patalaga.. Well okay lang sa akin naiintindihan ko naman siya eh..

"Yup.. and classmate lang natin" para akong sinaksak sa sinabi ni Wechelle.. C-classmate? Ang sabi sa akin ni ICE taga ibang section p..pero Classmates? Wala siyang sinabi dun.. Gusto ko mang tanungin kung sino hindi ko nagawa kasi.. Ayaw kong malaman..

"Ayiieehhh.. Ikaw talaga ICE. kelan pa yan hah?" nakatalikod lang ako.. Ayaw kong tignan kung sino man siya.. P..pero sadyang mga bato ang mga kaklase ko at sinabi talaga kung sino..

"Kailan naging kayo ni Felicity?" mas lalo akong nanlumo.. I can't believe it..

"Kayo na?" please tumahimik na kayo.. Ayaw ko ng marinig ang mga sinasabi niyo.. Hindi pa ako nakakamove on kaya masakit pa sa akin..

"Yup" naramdaman kong may tumapik sa akin.. Nasa gilid ko lang si Wechelle nginitian ko lang siya..

"Okay lang ako" kahit hindi.. Pero I need to be okay..

By the way Meet Felicity.. Felicity SerquiÑa my elementary schoolamate and highschool classmate.. Almost 10 years na kaming magkakilala and I can't believe it na sa lahat ng pwedeng maging girlfriend ni ICE.. siya pa..

"Okay lang yan Zoe.. I understand pero wag kang umiyak dito.. Kasi mahahalata ka nila.." tumango lang ako at ngumiti

I don't know kung makakaya ko ba.. lalo na ngayong

May Mahal na ang taong mahal ko...

The Girl Who Can't Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon