Another story ko na naman po ito. Sana po suportahan ninyo. Thank you po.
SIMULA
Where the hell are you? Von is here with Megan @ 9th Street Club. You okay?
Ang mensaheng natanggap ko mula kay Abby. Nilapag ko ang phone ko sa side table at nagmuni-muni.
"Ayaw ko nang magmukhang gaga, magmakaawa at magpakatanga."bulong ko sa sarili ko habnag nakaupo sa kama.
Sawang-sawa na ako sa mga paliwanag nya na hanggang ngayon pilit ko paring pinaniniwalaan kahit sampal na sa mukha kong harap-harapan nya na akong niloloko.
Pumikit ako at humiga sa kama ko. Ipinatong ko ang mga braso ko sa noo ko at nag-isip ng mabuti.
"kailangan kong makawala sa lugar na ito. Kailangan ko ng diversion" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.
Ilang besis pa akong huminga ulit ng malalim nang maisip ko na naman ang nangyari noong nakaraang araw.
"alam mo bang sukang-suka na ako sa pagmumukha mo? Huwag ka ngang hangal! Ang laki mong tanga! Ayaw ko na sayo, kaya pwede ba? Get the hell out of my life Trisha!" pilit akong pinagtutulakan ni Von para lang makalayo sa kanya.
"Von I cant leave without you. Please mahal ko pag-usapan natin to?" paki-usap ko.
"Ano bang gusto mo? Putangina naman Trish! Tama na!" sigaw nya sa akin.
"Von, ill promise to give you everything. Please? Please dont leave me?" lumuhod ako sa harapan nya. Kahit ayaw ko man sanang gawin pero wala na akong magagawa. Naubos na ang lahat sa akin. Parang pakiramdam ko mamatay ako kung iiwan nya ako.
Hinawakan ni Von ng mariin ang baba ko. Pinisil nya ito at hinila palapit sa kanya.
"hindi kita nagustuhan kelan man, napanalunan lang kita sa pustahan at alam mo yan. Huwag kang umasta na para bang matagal kitang minahal. Tangina mo! Kelan man hindi ako magkakagusto sa isang babaeng walang binatbat at kulang nalang magmadre!" at tsaka nya ako tinulak ng malakas na naging dahilan para mamodmod ako sa sahig.
Tama naman talaga si Von, alam kong premyo lang ako sa isang pustahan. Ako ang ginawang pantaya ng kagrupo ko sa project. Ang mananalo sa may pinakamagandang defense ng proyekto ay magiging nobya ng leader sa loob ng tatlong buwan, kasali na ang gamitin ka sa kahit anong paraan.
Alam kasi ng lahat na sobra kong gusto si Von, kaya nong inofer sa akin ni Jib ito hindi ako nagdalawang isip na kunin ito kasi alam kong mas mapapalapit ako kay Von.
Minahal ko sya kahit alam kong kaliwat-kanan ang pagiging babaero nya. Ang pagiging lasingero nya at katamaran.
Naging girlfriend nya ako bilang taga gawa ng mga drafts nya at taga gawa ng reports nya sa office. Oo batch kami na nakapasok sa isang bagong kompanya. Sampu kaming lahat na sabay-sabay na natanggap.
At dahil sa sobrang depression, hindi ako nagpakita sa barkada. Lagi ko nalang binibusy ang sarili ko para hindi mag-cross ang landas naming dalawa sa trabaho.
Tumunog ang phone ko, isang mensahe ang natanggap ko galing ulit kay Abby.
Bess:
I dont know what's going on, did you two broke up or something? Megan announce that she is now officially the girlfriend of your s*cked boyfriend! Care to explain bess?
Umiling ako at agad na inoff ang phone ko.
Wala na ako dapat pang asahan. We ended and there's no us anymore!
I should have to move on and live my life again.... Alone!
i
BINABASA MO ANG
On Leave
General FictionMinsan sa mga hindi inaasahang panahon dumarating ang mga pagkakataon. Sa mga oras na gusto mong mapag-isa at solohin ang sarili na walang kaagaw o istorbo. Pero paano kung sa oras na yun kusa namang magpapakita si Kupido at ikaw ang target nyang p...