Part 16

2.5K 95 0
                                    

CHAPTER 16 - Captured

Lumabas kami at bumili ng mga pasalubong, ilang sarong ang binili ko para sa mga babae kong mga kaibigan sa opisina lalo na ang team namin, tapos Board shorts naman ang para sa mga lalaki kong mga kaibigan.

Namili din ako ng shirts para sa mga boss ko at mga key chains. Nang magbabayad na ako, napansin kong nangunot ang noo ni George sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya na para bang nagtatanong ako sa kanya na, 'bakit?'

Nilapitan nya ako at binulungan, "bakit wala kang binili para sa parents mo? Sa mga kapatid mo?"

"wala na akong parents Boo, ang Ate ko nasa states at si Lola sarong lang ang gusto non" sabi ko at tumango lang sya.

Pagbalik namin sa loob ng Ardent Hotspring, agad naming pinasok ang mga binili namin sa sasakyan nya para raw hindi makalimutan.

Nilapitan namin ang dalawa para tanungin kong sasama silang kakain sa labas, ngunit umayaw si Alex lalo na't nakakapit na sa kanya ang babaeng dinidiskitahan nya. Si Marz nalang ang hinintay naming matapos magbihis.

Kumain kami sa sentro nila, sa isang Grill restaurant kami kumain. Maraming mga foreigner ang naroon, maraming tao.

Si george ang tumayo para umorder at kami naman ni Marz ay nagpaiwan nalang sa mesa namin.

"Marz yung sinabi mo kaninang umaga doon sa island, anong ibig sabihin non?" nakangiti kong sabi.

Kinaway nya ang kamay nya na para bang sinasabi nyang 'wala yun'.

"basta, ang masasabi ko sayo Trish, mag-ingat ka sa mga commitment. Make it sure na walang sabity o wala kang magiging problema"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya, parang may gusto syang ipunto.

"dont worry, sanay naman akong masaktan" at mapakla akong tumawa.

"alam ko namang mabait ka, pero hindi kasi lahat ng mabait ay nagkakaroon ng magandang karma" seryoso nyang sabi. "huwag mo nalang seryosohin ang lahat sa ngayon, para hindi ka masaktan" sabi nya.

"ewan ko sayo, parang si bess. Lumulutang ang mga payo. Kailangan ko pang mag-isip kung bakit?" sagot ko.

"basta sundin mo nalang yong payo ko at tsaka tumahimik kana kasi nandyan na si Horhe" pagkasabi nya ay agad ko naman naramdaman ang kamay ni George sa balikat ko. Umupo sya sa tabi ko at pinatong ang kamay nya sa taas ng upuan ko.

"anong oras ang alis mo sa makalawa?" tanong ni Marz sa akinpara maiba ang usapan namin.

"10:45 ang flight ko."

"tamang-tama, pwede ka naming maihatid nina Horhe sa airport para makapamili narin kami ng mga kakailanganin nya sa resort nya." nagwink sya na agad ko namang kinakunot ng noo.

"bakit ayaw mo bang ihatid ka namin?" mataray nyang tanong.

"oo naman, pwede. Why not diba?" sagot ko.

Napailing ako sa kakaibang daloy nang usapan namin ni Marz, huhuhu... Hindi ko sya magets!

Gabi na kami nakabalik sa Ardent, maaga akong nagpahinga dahil sa pagod. Si Boo naman ay busy sa kakaharap sa laptop nya. Hinayaan ko nalang syang magtrabaho habang ako ay mahimbing na natutulog.

Mag-aalas syete na ako nagising, nakayakap na si Boo sa akin at ramdam ako ang mahimbing nyang tulog. Hinayaan ko syang magpahinga dahil alam kong napagod sya ng husto. Naiwan nya pa kasing nakabukas ang laptop nya.

Kinuha ko ang phone ko at sinilip kung may mensahe ba ako, pero napangiti ako nang makita ang wallpaper ko na bagong palit.

Mahimbing akong natutulog at nakadikit ang ilong nya sa pisngi ko na tila ba inaamoy ako ng isang gutom na bampira.

On LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon