Part 40

4.3K 107 17
                                    

CHAPTER 40 - Truth

Halos hindi ako makahinga sa sinabi nya. "Si Kuya? Hindi magagawa ni Kuya yun? Mahal kami ni Kuya, imposible yan" tumayo ako at hinarap sya.

"ito ba ang gumagambala sayo? Ha Boo? Ito ba ang nagbibigay sayo ng stress? Ano bang alam mo?" tumalikod ako sa kanya, nagagalit ako kasi wala syang karapatan para pagbintangan ang kapatid ko.

"Nandon si Kuya sa bahay nong namatay si Ate, how come? Hindi kayang traidurin ni Kuya ang pamilya namin" angil ko. "kapatid ko sya Boo, how can you say that?" nangunot ang noo kong hinarap sya.

Tumayo si Boo at hinarap ako, "hindi mo sya totoong kapatid Trish, ampon lang sya. Namatay ang totoo mong Kuya sa Japan, Inampon sya ng Papa mo at pinalaki nang makitaan nya ito ng potensyal para hawakan ang Oraganization nyo." umiling ako, how come? He's my brother!

"Ang akala ng Papa mo matatago nya itong sekreto habang buhay, pero ang hindi nya alam na natuklasan ito ng ate mo" umiling sya.

"sa Italy nagtago ang kapatid mo matapos syang maglayas, nakilala nya ang kapatid ko nang tumuloy sya sa resort namin, doon sya nanatili hanggang sa nakabuo silang dalawa."

"nahanap sya ng kuya mo, ilang besis syang tumatakas para lang makipagkita sa kuya mo, ang akala nga ng kapatid ko karelasyon nya ito pero nang ipaliwanag nya lahat sa kuya ko, doon nito lahat naintindihan na hindi pala dapat sya umibig sa isang gangster o assassin" napaupo si Boo sa duyan habang ako naman ay nanatiling nakatayo at nanlumo sa lahat ng narinig ko.

"nakipagkasundo ang ate mo sa kuya mo, hindi na sya babalik sa Triad at kahit itakwil pa sya, ang kapalit non ay ang kalayaan nya." napaismid si Boo, hindi ko alam pero parang nabibigatan sya sa lahat ng ito.

"nang malaman nya na kinukulong ka at mas lalong hinihigpitan ng Papa mo, gumawa sya ng plano na babalik sya hindi para kunin ang posisyon kundi para itakas ka. Pero hindi paman sya nakarating sa bahay nyo, pinatay sya ng Kuya mo." napaupo ako sa buhangin, parang ang bigat ng lahat. Nanginig ang balikat ko sa nalaman ko.

"Ang ate mo ang nakatadhanang papalit sa pwesto ng Ama nyo, hindi yun matanggap ng kuya mo kaya gumawa sya ng paraan na mawala na ang ate mo at sya ang mamuno"

Humagolhol ako sa kakaiyak, bakit nya ako binalikan? Bakit nya ginawa yun? Masaya na sya eh, bakit nya pa ako inisip?

"pinalabas ng kuya mo na ang kapatid ko ang may sala sa lahat" humagolhol sya, nilingon ko sya, umiling ako.

"pinatay nila ang kapatid ko Boo, Pinatay nila ito ng walang kalaban-laban" hindi ko kayang titigan ang mga mata nya, puno ito ng galit at poot.

"hindi ko alam" nilapitan ko sya, "im sorry Boo, hindi ko alam" hinawakan ko ang mga kamay nya, paulit-ulit ko itong hinalikan, "im so sorry" hagulhol ko.

"No Boo, parareho lang tayong biktima. Kung noon wala kong nagawa para sa kapatid ko, ngayon hindi ako papayag na pati ikaw mawala sa akin" hinagkan nya ang magkabilang pisngi ko.

"what d-do you mean?" nangunot ang noo ko.

"sekreto kang pinapahanap ng Papa mo ngayon, hinahanap karin ng kuya mo" seryoso nyang sabi.

Bigla akong nabalot ng kaba.

"tumiwalag ang Mama mo sa Triad, simula ng mawala ka hindi sya tumigil sa paghahanap sayo" naguguluhan ako sa gusto nyang iparating.

"nasa Malaysia ang Mama mo, nasa puder ng organisasyon nila. Hinahanap ka nya dahil ikaw lang ang makakatulong sa Papa mo"

"anong ibig mong s-sabihin?"

"Ang kuya mo na ang namuno sa Triad, hawak nya ang Papa mo" umiling ako.

Hindi yun magagawa ni Kuya kay Papa, sya ang pinakapaborito ni Papa sa aming tatlo.

On LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon