angeliquemhyrr thank for being my first voter! heheheh
CHAPTER 9 - Comment
Lumabas kami at namasyal gamit ang jeep type nyang sasaktan. Pareho kaming nakasuot ng wayfarer.
Unang stop over namin ang sunkin cemetery. Nasa beywang ko ang mga kamay nya habang sa kabilang kamay nya naman ay hawak nya ang DSL nyang camera.
Sumakay kami ng bangka para makapicture lang sa cross. Kinunan nya ako ng picture ng ilang ulit at nagpicture din kami gamit ang phone nya.
Hinintay ko na magbeep ang phone ko para malaman kung pinost nya sa instagram pero hindi eh, kaya hinayaan ko nalang. Baka mamaya nya pa ipost.
Nagbuko juice pa kami bago kami umalis, tumambay muna kami sandali at inenjoy ang view at malamig na hangin.
"after nito san tayo?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sya sa harapan ko at nakakulong ako sa nakatukod nyang mga braso sa mga gilid ko.
Inayos ko ang pagkaupo ko sa veranda kung saan ang cross ay nasa likuran ko. Hawak ang phone ko. Si bess nagtext.
Bess:
Who's that guy with you?
Napangiti ako at napailing. "boo im with you!" parinig nya sa akin at napayuko sya.
Hindi ko pa nareplyan si Abby bago ko naipasok sa bulsa ko ang phone ko. Inangat ko ang mukha nya habang hawak ang magkabilang pisngi nya.
"sorry"
Nakatitig lang sya sa akin. May kung anong naglalaro sa loob ng tiyan ko habang pinagmamasdan ang perpekto nyang mukha.
Hindi ko na pigilan ang sarili kong tumili nang bigla nya akong yakapin at hinalikan sa leeg. Napalakas ang tawa ko sa kiliting dala ng mga halik nya.
"why everything about seem so perfect?" bulong nya na kinayakap ko nalang rin sa kanya. "bolero ka pala boo?" sabi ko na kinailing nya.
Ang sunod naming pinuntahan ay mga station of the cross. Sa bawat cross ay panay ang papicture namin sa camera at mga cellphone namin.
Ang mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa amin at napapalingon, dahil siguro sa kasama kong pinagpala ng kalangitan.
Naunang umakyat si George at napahinto ako nang nagtext ulit si Bess.
Bess:
Dahil sa post mo sa Insta, naging trending ka ngayon dito sa office. Super tampo na talaga ako sayo! :( Dapat kwentuhan mo ako, dapat ako ang unang makaalam ng love story mong to.
Napangiti ako at nagreply. Napaangat ako ng mata nang mapansin siyang napahinto at kumukuha ng mga litrato. Kumaway ako sa kanya at ngumiti.
Ako:
Tatawagan kita. Pasensya na bess. Love you!
Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang phone ko nang tumunog ito. May isang notification ako. Nang buksan ko, makita ko ang post ni George sa insta nya. Nakatayo ako at kumakaway sa kanya. Bagong kuha ang picture ko.
My BOO!
@ShyVKoh
Para akong matutunaw. Napatingin ako sa cross at gusto kong maiyak. Gusto kong magrosaryo nang kahit buong taon para lang magpasalamat.
"boo!"
Napaangat ako ng tingin sa kanya at kamaway sa akin. Mabilis kong inakyat ang bawat palapag ng hagdan para makarating sa kanya agad.
"are you okay?" sinalaubong nya ako ng yakap.
Tumango ako. Hinawakan nya ang palapulsuhan ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "tired?" tanong nya.
Umiling ako at ngumiti.
"lets go!" nakangiti nyang sabi habang sabay kaming nag-akyat pa para tapusin ang 13 station.
Nagpahinga kami pagtading sa taas. Umupo kami sa isang bench kung saan nakasilong ito sa ilalim ng malaking puno.
"dito ka muna, kukuha lang ako ng mga shots" sabi nya at tumayo na para magikot. Ako dapat ang gumagawa nyan kasi assignment ko yan, pero dahil mahilig pala sya sa photography, hinayaan ko nalang syang ienjoy ang pagkuha ng mga litrato.
Masyado daw kasing basic ang mga kuha ko, baka mapagalitan lang raw ako ni sir Ivan kaya sya ang nagboluntaryong kukuha ng mga litrato tutal para naman raw ito sa resort nya.
Hawak ko ang phone ko, nagbasa ako kaunting info tungkol sa Camiguin Island para mamayang gabi makapag-umpisa na akong magsulat para sa background history.
Nagpop-up ang feeds ko at galing ang halos lahat sa instagram. Inupen ko ang account ko, ang huling picture ko na napost ay ang kaninang umaga, yung yakap ako ni George.
Maraming comment ang nasagap ko sa picture na napost kong iyon.
Hindi pa nagmonths nakamove on kana agad?
#anbilis naman!
This man is surely on his play mode with you.
#anbilis naman!
#move on props?
I think i know this guy! Very familiar.
#congratz @ShyVKoh
He's happy, your happy! Celebrate na yan!
#anbilis naman! Mga bitter kayo!
Bakit sumubra ata ang blessings mo? Masyado atang gwapo ang binigay sayo?
#happy me for you @shyVKoh
#lovelots
Napapikit ako. I dont know kung deserving ba silang bigyan ng explanation. I dont know kung paano ko ipapaliwanag sa kanila na biglaan ang lahat. Deal to happiness lang ito para maka move on agad!
Napasinghap ako, binuhay ko ulit ang phone ko at binuksan ko ang account ni George sa unang pagkakataon. Halatang bago ang account na to kasi kaunti palang ang nakapost na mga pictures.
binuksan ko ang litrato naming kaninang umaga, yung hinahalikan nya ako sa ulo ko.
Camiguin pala ah?
Sino na naman yan bro?
Pabebe! Nagtago ka na naman jan sa lungga mo ng mahangin at mabuhangin?
Hindi pa marami ang mga kaibigan nya kasi nasa 30+ palang ito kaya kaunti lang ang naka kita ng mga pictures nya.
Sinara ko na ulit, gusto kong ienjoy ang lahat na pweding mangyari dito sa leave ko. Gusto kong ideadma ang pwedeng mangyari sa pinasukan kong ito.
"okay kalang?" bigla syang naupo sa tabi ko.
"oo naman! Bakit?" natawa ako at inayos ang sarili ko. Umupo ako ng maayos galing sa upong nakaindian seat.
"gutom ka na ba?" tanong nya ulit at umiling ako.
Natawa sya at nangunot namana ang noo ko sa pagtawa nya. Kinabigla ko lalo nang tinaas nya ang camera at kinunan ako ng litrato. Kaya napatawa ako sa bigla ng flash.
"tama na!" sabi ko pero patuloy parin sya, tumatawa pa.
Yumuko ako at sumandal sa kanya para hindi nya na ako makunan ng litrato.
"ok na!" Niyakap nya ako at kumuha sya ng litrato habang naka upo kami at nakasandal ako sa balikat nya. Maayos kaming nakangiti na dalawa at nasa balikat ko ang mga kamay nya.
"lets go, lunch tayo!" pinagsalikop nya ang mga daliri namin at panay ang titig nya sa akin. Ramdam ko ang pag-init sa pisngi ko dahil sa mga kilos nya.
Please support my new story.. plz vote po! tnx ahead!
BINABASA MO ANG
On Leave
General FictionMinsan sa mga hindi inaasahang panahon dumarating ang mga pagkakataon. Sa mga oras na gusto mong mapag-isa at solohin ang sarili na walang kaagaw o istorbo. Pero paano kung sa oras na yun kusa namang magpapakita si Kupido at ikaw ang target nyang p...