CHAPTER 20 - Meeting
Gabi na nang matapos ang pagpapaganda naming dalawa ni Abby, kung ako nagpakulot ng malalaki at nagpahair color, sya naman ay nagpastraight at nagpa chinese bangs. Bumagay sa morena nyang beauty ang bagong look nya.
Namili kami ng mga damit, we want to change the old fashion office style na coat and pencil cut. Gusto naman namin ngayon ng ibang style like dresses and formal sleeves and sexy slim pants.
Namili kami ng mga damit na iba sa mga nakasanayan na naming isuot sa loob ng opisina.
Pagdating sa bahay, sinunod namin ang mga instructions ng derma na pinalinisan namin ng mukha. Ginamit narin namin ang mga pampagandang binili namin na halos nagdalawang isip pa kami kasi almost ilang libo din yun ang halaga ng buong set.
Kinabukasan, maaga kaming naghanda para sa pagpasok naming dalawa sa opisina.
Suot na namin ang mga bagong bili naming mga damit, bag at sapatos. Rumampa kami ni Abby na para bang gandang-ganda kami sa mga sarili namin. Napansin namin na marami ang napapalingon sa amin ngunit plano na naming mangdeadma ngayon at mangbully naman para makaganti. Iba na talaga ang natutubuan ng sungay nang dahil lang sa pagkasawi, isa lang ang nanakit marami ang madadamay.
"Uy! Shy your back! Pasalubong ko?" sigaw ni Gino na kinalingon ng halos lahat.
Napangiti ako sa kanya mula dito sa cubicle ko, ang kapal ng mukha ng lalaking ito na akala mo kung gwapo oh. Sa naaalala ko ito ang suki ko sa bad vibes ko ditosa office.
"may pinadala kabang pera Gino para ibili kita? Ni hindi ka nga ngtext manlang ng ingat ka, musta kana?, buhay kapa ba jan?" napatawa ang mga nakarinig naming mga officemate. "tapos ngayon sisingilin mo ako?" napasandal ako sa mesa ko at napataas ng isang bahagi ng kilay ko. "pasensya kana, hindi kita naalala eh!" sabi ko
"ang yabang mo na ah? Nakapunta kalang ng camiguin kala mo kung sino kana?" angas nyang sabi.
"bakit nakapunta kana ba don Gino?" tumayo si Abby mula sa kinauupuan nya buhat ang kape nya at hinarap si Gino.
"Hindi pa at wala akong balak noh!" sagot nya kay Abby.
"exactly, she experience that thing na hindi mo nagawa, well one step higher tsong!" at gumuhit pa sya ng hagdan sa hangin. "ramdam mo?"
Umingay ng tawanan ang mga kasama naming nakarinig ng sinabi ni Abby.
"Tsk!" umirap si Gino. "Ugly witch!" sabi nya na kinatawa ni Abby.
"ouch! Gino" umarte syang nasaktan sa sinabi ni Gino, pero napangiti naman ito agad at nagwink sya kay Gino at napataas pa ng kilay, "careful Gino you wont fall under my spell" at nagflying kiss pa.
Napailing ako habang pinapanood ang mga kasama naming natatawa sa mga hirit ni Abby, truly Abby is someone whom you need a great tame to be her boyfriend.
Pinamigay ko na ang pasalubong ko, ang totoo meron naman talaga ang lahat. Nanguna lang kasing mang-asar si Gino kaya tuloy nasampulan sya ni Abby.
Bumalik na sa normal ang lahat, its been a week since nakabalik ako dito sa Maynila. Textmate at callmate parin naman kami ni George gaya ng dati, pagkagabi nakakatulog ako sa skype call namin sa isat'isa.
"Bess, may pinapasend si Boss na files. Yung format raw ng outline sa front page ibigay mo rin kay Odet yung files mo sa vacations pasabi nya" si Abby.
Tumango ako at agad na hinanap sa desktop ko ang hinihingi ni Boss. Matapos ko itong makita ay sinend ko kaagad.
Tumunog ang telepono ko dito sa opisina, " hello good morning, shy here speaking" bati ko. Agad kong hinawakan ang ballpen at papel ko incase na note ang ibibigay nya.
[maam, front desk po ito may delivery po kayo] sabi nya.
"kanino galing Maam?" tanong ko, naglalaro sa isipan ko ang mga inorder naming snack para mamaya sa group meeting.
[sorry maam, wala po kasing nakasulat kanino galing. Name nyo lang po ang nandito] sabi nya. Tumango ako at sinilip si Boss kung nasa opisina na nito.
[ipadeliver ko nalang po sa janitor maam] sabi nya.
"okay, thanks ahead" ako at binaba na ang tawag nya.
Mabilis akong naglakad papunta sa secretary ni Sir para ipabigay ang assignment ko. Hindi ko na sya inantay pa at papasukin ako, may hawak kasi itong telepono kaya alam kong makikipagtelebabad na naman si Boss sa kausap nito.
"mamaya sa amin ka sumabay ni Abby kumain ha?" bulong ko kay Odet, third wheel namin to lagi ni Abby. Mas close ako sa kanya kumpara sa mga kagrupo namin ni Abby.
"oo ba, manlilibre ka noh?" nakangiti nyang tanong na agad ko naman sinagot ng pag-iling sa kanya.
"namiss lang kita kachika" sabi ko at tumalikod na.
Nang pabalik na ako sa table ko, nasalubong ko ang janitor na si Kuya Badong ng first floor, may hawak itong malaking bouquet ng bulaklak, magaganda pa ito at halatang mamahalin.
"hi kuya" bati ko sa kanya at nilampasan sya.
"Maam Shy para po ito sa inyo" sabi nya na kinagulat ng lahat. Napalingon silang lahat sa akin at napanguso ako. Tinuro ko ang sarili na parang hindi makapaniwala.
"para sa akin?" paninigurado ko, mahirap na mag-assume, baka mapahiya pa ako.
"opo maam, ito po ang pangalan nyo nakasulat." pinakita nya ang maliit na envelope na may sulat ng pangalan ko sa likuran. Trisha Villanueva
Tinanggap ko ang bulaklak at napangiti sa kanya. Bumalik ako sa cubicle ko para abutan sya ng tip. "thank you Kuya!" bati ko na syang senyales nya para makaalis narin.
Inilapag ko ang bulaklak sa mesa ko at agad na binuksan ang sobre. Kahit na may hinala na ako kanino galing ito, gusto ko paring makita ng mga mata ko at hindi lang sa isip ko.
Boo,
I miss you so much, i know your busy again running after your unfinished works, just wanna make you smile. I love you and hope to see you soon!
George <3
Napapikit ako at parang gusto kong tumili sa sobrang saya. Napatakip ako ng bunganga habang nasa magandang bulaklak ang mga mata ko.
Napalingon ako sa isang daku at naabutan ang mga titig ni Von sa akin, hindi ko mabasa ngunit seryoso ito, sya ang unang umiwas sa titigan namin lalo na nang mapatayo si Meg mula sa cubicle nito.
"matagal pa ba ang meeting?" sabi nya na syang dahilan para mapaupo ako.
Tinulak ni Abby ang sarili mula sa kinauupuang swivel chair nya, "hala ka, nainggit ang lola mo" sabi nya sabay tayo at hagikhik. "Team Ganda, meeting na tayo" sigaw nya.
Napailing ako at agad na tumayo rin hawak ang ballpen ko at mga folders namin at sinundan si Abby sa conference room.
Ang ang nahuling pumasok, dahil dinaanan ko pa si Odet para sabihin na ipahatid nalang sa conference room ang snack kung dumating na yung pinaorder namin.
May isang bakanteng upuan sa gitna nina Abby at Von. Pasimply akong umupo roon at nilapag ang mga dala kong folders.
"please get one and pass" sabi ko sabay pamigay ng mga folders.
Napatingin ko sa kamay ni Von na nakalahad, ngumiti ako at inabot ang folders. Bawat ang bitter, dapat maging happy na kami pareho tutal pareho naman kaming may rason nang sumaya.
BINABASA MO ANG
On Leave
General FictionMinsan sa mga hindi inaasahang panahon dumarating ang mga pagkakataon. Sa mga oras na gusto mong mapag-isa at solohin ang sarili na walang kaagaw o istorbo. Pero paano kung sa oras na yun kusa namang magpapakita si Kupido at ikaw ang target nyang p...