Part 5

3.1K 99 0
                                    

CHAPTER 5 - Sweet

Pagkatapos naming kumain, dala ko ang camera at note book ko. Nagsimula na kaming umikot. Nauna kami sa mga bagong tayong cottages na nakalinya sa paligid ng infinity pool na connected sa dagat.

"Ito ang mga cottages" umakyat sya sa isa sa mga ito at binuksan. "halika, take a look inside" sabi nya na sinunod ko naman agad.

Isang maliit na kwarto na may bed, sofa, TV, ref at isang CR. Naka tiles ang sahig at may malaking glass window sa gilid. May artistic style na chandelier na parang gawa sa mga ugat ng puno.

"magkano ang isang room?" tanong ko habang busy ako sa kakasulat kung ano meron ang room.

"siguro, 3500 per night lang para naman affordable sya, right?"

Tumango ako sinulat lang info, kinunan ko narin ng litrato ang buong room para wala akong makalimutan. Salamat at nakapag-aral ako ng photography kahit papano.

Pag-ikot ko, nakasakto ang lens sa kanya. Nakahalukipkip sya at nakatingin sa akin na nakangiti. Matagala kong naestatwa at sa hindi sinasadya napust ko ang button at nagclick ito.

"sorry, delete ko nalang ito" agad kong palusot at tumalikod na papuntang CR para kunan ko rin ito ng litrato.

"may ilang cottage kanang napatayo?" sigaw ko mula sa CR.

"Sampu palang ang natapos, magdadagdag lang ako ulit ng sampu after two months. Gusto ko kasing makasure muna." sagot nya sa akin.

Lumabas ako at tumango. "ahh, okay!" naabutan ko syang nakaupo sa sofa at sinusuklay ng mga daliri nya ang balahibo ng alaga nyang aso.

"What's next after this?" tanong ko.

Naangat sya ng tingin sa akin at ngumiti. "you!" may halong kalokohan ang mga titig nya.

Umiling ako at nagpoker face. "hehe!" nauna akong lumabas at bumaba sa apat na palapag na hagdan. Nasa mahabang pool ang mga mata ko. Inisip ko kung gano kaya nahirapan ang mga gumawa ng pool na ito.

"umiiba ang kulay nito pag-gabi, gusto ko kasi na kahit gabi my guest will enjoy my place" sabi nang makalapit sya sa akin.

Tinaas ko ang kamera ko mula sa pagkasampay nito sa leeg ko at kinunan ang kulay asul na pool hanggang sa dulo.

"dito tayo!" nauna syang naglakad papunta sa kabilang side. Naroon ang mga open cottages para sa hindi magstay overnight. May mga upuang nakapaikot sa mesa nito at gawa sa semento ang upuan at mesa pati narin ang poste nito sa gitna ngunit ang atip ay gawa sa kugon na nagpamukhang presko sa aura nito.

Ilang shots ang kinuha rito. Naglakad ako palayo sa kanya at hinanap ang magandang view para makunan ko narin ang magandang pagkahilera nila. Isang punuan ng niyos ang nakatanim sa bawat pagitan ng open cottage.

"magkano naman ang renta dito?" nakatakip ang kamay ko sa taas ng mata ko dahil sa sobrang init ng araw.

"1500 per cottage"sabi nya.

Yumuko ako para isulat ang presyo, nang nawala ang init ng araw bigla. Napaangat ako ng ulo nang makita syang may hawak na malaking payong sa harapan ko.

Nangunot ang noo ko kung saan galing ang payong. Itinuro nya ang binatilyong tumakbo pabalik sa bahay niya.

"sweet!" napangiti ako at medyo kinilig. Umupo ako sa isa sa mga open cottages at nilapag ang camera sa mesa.

Sumunod rin sya at tiniklop ang payong at nilapag rin sa mesa.

"tell me, why did you cry kanina?" tanong nya na nagpakunot ng noo ko. Nakasandal sya mesa at nakaharap sa akin.

"ako? Umiyak? Hindi ah!" agad kong sagot.

"i heard you sobbing while i was inside the bathroom!" sabi nya at umupo pa sa tabi ko.

"sure kang ako yun? natulog kaya ako! Diba?" umiwas ako sa mga titig nyang kakaiba. Bakit ba ang mga mata nitong lalaking to ay nakakakunsensyang titigan. Masayahin ang mga ito at parang nakakahinayang paluhain.

Natawa sya. "Sinilip kaya kita kanina. Kala ko nga guni-guni ko lang." seryoso nya akong tinitigan na mas nakakatakot na ngayon. "i think you should let go of your grudges!" napayuko sya at naglakad palapit sa akin. "can i invite you tonight?" seryoso na naman ang mukha nya.

"in?" nangunot ang noo ko. "for?"

Natawa sya. "will you stop making duda of my stares and offers? Nakakawala ka ng diskarte noh?"

"oo na!" umirap ako. "Ano naman yan?"

"dinner lang, tapos swimming tau after" sabi nya.

"really?" ngumiti ako. Gusto ko naman talagang maligo sa pool nya kaso nakakahiyang mag-ask kung pwede bang binyagan ang pool nyang sosyal.

Tumango lang sya sa akin.

"what time?"

"7pm" sagot nya. "Dinner lang ha?"

Tumango sya at napatawa.

"okay! Copy!" ay nagstretch at tumayo na. Binuhat ko ang camera ko at nauna nang naglakad pabalik ng bahay nya. Alas quatro na, aayusin ko na ang mga gamit ko sa kwarto.

Lumingon ako para tingnan kong sumunod sya. Ngunit nagpaiwan syang nakasandal sa mesa at nakahalukipkip parin at sa akin ang mga titig nya. Kumaway ako at ngumiti. Ang gwapo lang, promise!

Pagdating ko sa kwarto ko, inayos ko ang mga damit ko sa cabinet. Maliit lang naman ang mga dala ko. Mostly mga shorts at two piece, sando, maxi dress, at mga jumpsuit. Halos lahat ng dinala ko yung madaling matuyo at hindi mabigat sa bagahe ko.

Nagsuot ako ng headphone at sumasabay sa kanta habang nag-aayos ng mga damit ko.

Nilagay ko na rin sa banyo ang mga gamit ko pampaligo tulad ng sabon,toothbrush, shampoo, conditioner, body wash at feminine wash.

May nakasampay nang dalawang tuwalya, so ibig sabihin sa aming dalawa ni george yun. Libre mag-assume bahala na sya kung ano man ang sasabihin nya, basta gagamitin ko yung towel nya.

Mag-aalas sais na nang maisipan kong maghanda para sa dinner namin ni George. Naligo ako para matanggal ang lahat ng pawis ko kanina nung nag-ikot kami.

Nagsuot ako kulay black na two piece na halter ang upper at pinatungan ko ito ng maxi dress na at tinali ko ang bagong tuyo kong buhok nang ponytail para simply lang. Naglagay ako ng simpleng make up para umangat naman ng kaunti ang mukha ko. Buti nalang at mestiza ako, dahil sa nainitan ako kanina, namumula ang pisngi ko.

Ngumiti ako kinilig. "ang ganda ko na!" bulong ko sa sarili ko.

Kinunan ko ng picture ang sarili ko at nilagyan ng caption.

The man of my dreams is never around when im awake!

#where are you now #Mr.Right ???

Napaangat ako ng tingin sa wall clock nang marinig ko ang katok sa pintuan ko. 7:05 PM na pala. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Tatang.

"maam Trisha, nasa pool side na po si Sir George naghihintay sa inyo" nakangiti na para bang mas excited pa sa akin.

"salamat po Tatang" sabi ko at nilock na ang pintuan ng kwarto ko.


On LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon