Part 17

2.4K 103 2
                                    

CHAPTER 17 - Message

Nag-ayos kaming pareho, suot ang kulay stripe kong bikini na may patong na sarong ay magkahawak kamay kaming lumabas ni Boo sa kwarto at nagtungo na sa mess hall nila para kumain ng breakfast, naabutan naming nag-aantay at nauna nang magkapi ang dalawa.

"so how's the work out?" tanong ni Alex. Napatawa si George pero sinapak nya ng pabiro si Alex.

Nakaramdam naman ako ng pag-init sa pisngi ko dahil sa hiya.

"just kidding Trish!" sabi nya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko bago ako pinaghila ng upuan.

"hala Alex ang bitter mo? Palibhasa hindi ka nakawork out ngayong umaga kasi maaga kang iniwan!" si Marz.

Napatawa si Boo sa sinabi ni Marz pero ako napailing nalang. "my ged! Ganito na ba talaga ako ka liberated? Harap-harapan na to?" tanong ko sa sarili.

Dumating ang inorder ni Boo na coffee at new york sandwich. Tahimik akong kumakain habnag sila ay nagkukwentuhan at nag-aasaran, hindi na ako nakinig lalo na't bukas ay matatapos narin ang lahat sa amin ni Boo.

Napag-isipan naming umuwi ng maaga, agad akong nag-impake nang mga gamit ko pauwi.

Habang nasa sahig ako at nagtutupi sya naman ay naka-upo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ako. Nagtatanong sya at ako naman ay sumasagot lang.

"Matatagalan pa siguro kitang mabisita pagnakabalik ka bukas, tatapusin ko muna yung mga delivery ng mga constructions bago ako maluwas" prente syang nakaupo sa gilid ng kama at nasa tuhod nya ang mga siko nya.

Tumango ako at ngumiti, sa totoo lang hindi ko na inaasahang magkikita pa kami pagkatapos nito. Imposible na masyado. Sa loob ng sampung araw hindi ka tanga para mahulog sayo ang isang lalaking katulad nya.

"pero pagdating mo dun, ill call you time to time" nakangiti nyang sabi sa akin, parang gusto nya akong bigyan ng assurance na tatawagan nya ako, na may mangyayari pa pagkabalik ko doon sa Maynila.

"i know your busy Boo, no pressure i can understand" ngumiti ako ulit sa kanya at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

Napaupo sya sa harapan ko at tinulungan akong mag-impake. "you can stay a little bit more here, you know?" napapaos nyang sabi. "i can talk to your Boss, i can make a negotiation with Ivan?" at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti ako at umiling habang pinagmamasdan ang mga kamay naming magkadikit. "you can visit me anytime, we can still have our communications. Right?" at tsaka sya hinaplos sa mukha.

Napatango sya at napayuko. Inabot nya sa akin ang mga pampasalubong ko sa mga kasama ko.

Napapasulyap ako sa kanya. Napapaisip ako, is it really possible to fall inlove with me inside of ten days? Napailing ako at pinagpatuloy nalang ang pag-iimpake ko.

Maaga kaming natulog dahil alas quatro kami aalis dito at first trip kami bukas 5am to 7am tsaka pa ulit babyahe papuntang Lagindingan Airport.

Pagkatapos namin maghapunan, hindi na ako nakipag-bonding sa kanila dahil may usapan naman kami ni Marz na bibisita ako sa kanya sa Bar nya nextweek. Maaga akong nagpahinga, sinulit ko ang paghiga ko sa kama ni George at ang magandang view mula sa kwarto nya.

"ill be shit without you!" sabi nya. Napatawa ako ng mahina at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nilapitan ko sya ta niyakap, "tapos maglalambing ka pa bago aalis" seryoso nyang sabi.

Napatawa ako sa sinabi nya. "seriously?" parang hindi parin maproseso sa isipan ko ang lahat, possible ba talaga ang lahat ng ito? Sigaw ng isipan ko.

On LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon