CHAPTER 39 - Murdered
"ngayon na?" halos namamos na sya.
"sige - sige, gigisingin ko na sya ngayon at--" hindi ko na pinatapos ang pakikinig, mabilis akong nagtiptoe pabalik sa bed at nagkunwaring tulog ulit.
Hinintay ko na makadapo ang kamay nya sa akin at gisingin ako, pero tanging pagbabalang ng isang bahagi ng kama ang naramdaman ko.
"Fuck Marz, nanginginig na ako!" sambit nya.
Inopen ko ng kaunti ang isang mata ko para makita ang ginagaw nya, pero nanlumo ako nang makita syang naka-upo sa gilid ko at nakatalikod, nakapatong ang mga siko nya tuhod nya at nasa mukha nya ang mga palad nya. Para syang desperado at gulong-gulo.
Nagulat sya nang tumunog ang telepono nya, mabilis nyang sinagot ito at sa kasamaang palad naloud speaker nya pa.
"Horhe, dyan na muna kayo. Tumawag si Veronica, mas ligtas si Shy dyan kesa dito sa Maynila. Mas mabuti siguro kung dyan na muna kayo" malungkot na sabi ni Marz.
"hey buddy!" boses ni Alex. "just relax, hindi pa naman alam ni Shy right?" hindi sya sumagot. "kami na ang pupunta dyan, dont worry we will help you!"
Gumalaw ako ng bahagya para bigyan sya ng hint na anytime magigising ako. Mabilis nyang binaba ang tawag.
Hint pa lang naman ang alam ko pero bakit parang malaki na ang gulo?
Ramdam ko na humiga sya sa tabi ko at nagkunwari ring tulog.
Hinayaan ko ang lahat sa panaginip ko. Ihahanda ko ang sarili ko para mamaya magkaroon ako ng lakas ng loob na unahan sila para hindi na sila makagawa ng palusot.
Gabi na nang magising ako, wala na si Boo sa paligid ko. Tumayo ako para hanapin sya, pero hindi pa man ako nakabukas ng pintuan, nakapasok na sya. May dala syang tray ng pagkain.
"bihis kana, may bisita tayo" sabi at nilapag iyon sa mesa.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid, malinis na ang kwarto at tanging ang kama nalang ang magulo.
Tumango ako at tinungo ang banyo, naghilamos ako at nagbihis.
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Marz.
"Trisha!" tawag nya.
Napangiti akong lumabas, tumakbo ako at niyakap sya. I kinda miss her. Isang linggo kasi sya sa states nagbakasyon.
Niyakap nya ako, "I miss you too teh!" sabi nya.
Hinila ako ni Boo at pinaupo, "kain mun atayo, gutom sila Boo" sabi niya. Iba na tono nya, malamig.
Nangunot ang noo ko sa kanya, "what happened? Bakit stress ka?" pakonwari kong tanong.
"syempre, pinagod mo eh!" si Marz.
"hindi ha? Hindi pa nga kami natapos eh!" ngumuso ako na kinataw nila ni Alex.
Napapatitig lang si Boo sa akin, nakangiti sya pero malungkot ang mga mata nya.
"where's Abby?" tanong ko kay Alex.
"nagpaiwan sya, kaw kasi inunahan mo sya ng leave, hindi tuloy sya makahirit kasi nauna kana!" sabi nya.
"weeh?" if i know kahit hindi yun magleave kayang-kaya nya parin lusutan ang mga awol nya.
Natawa si Alex at napailing pa.
"bakit kayo nandito? Alam nyo bang bumubuo kami ng kapatid ni Brey?" biro ko.
"naku teh, not now!" agad na sagot ni Marz.
BINABASA MO ANG
On Leave
General FictionMinsan sa mga hindi inaasahang panahon dumarating ang mga pagkakataon. Sa mga oras na gusto mong mapag-isa at solohin ang sarili na walang kaagaw o istorbo. Pero paano kung sa oras na yun kusa namang magpapakita si Kupido at ikaw ang target nyang p...