CHAPTER 13 - Serious
Maagang natulog sina Marz and Alex. Napagod sila sa byahe, kaya naman kami ni George ang naiwang gising.
Nasa taas sya at kumuha ng jacket. Tatambay raw kami sa dulo ng pool ngayon. Inaantay ko sya ngayon dito sa pintuan dala ko ang tablet ko at nagbabasa ng mga article.
Niyakap nya ako mula sa likuran, "ano na naman iniisip ng mahal ko?" paglalambing nya. Umiling ako at hinarap sya, napangiti sa get-up nya. Ang gwapo naman ng lalaking to, lahat na ata ng suotin nya bagay sa kanya.
"wear this" isinuot nya sa akin ang cotton nyang jacket na may tatak na superman. Sya ang nagdala ng tablet at blanket.
Tumambay kami sa dulo ng pool. Gusto nya raw magpalamig nakaupo ako habang nakahiga sya at naglalaro sa phone nya, ako naman pumipili na ng mga pictures na ipapasa ko ky Abby para pagawan ng lay-out.
Napadako ang mga mata ko sa isang malaking puno sa dulo. May spotlight na nakasabit doon. Kitang-kita ang ganda ng hugis at laki ng mga branches nito. Naalala ko tuloy ang tree house na pinagawa ni Dad para sa akin noong bata pa ako.
Dumilim ang harapan ko at labi ni George ang nakaharang. "i hate it when your too silent. Nakakaguilty kang tingnan" sabi nya.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. I dont know what he meant to say.
Uminat ako at naghikab. "im sleepy na Boo" sabi ko.
Tumayo sya at binitbit ang blanket at ang dala naming solar light. Tinulungan nya akong makatayo.
Bumalik kami sa bahay na magkahawak ang kamay.
Nauna akong magsipilyo at maghilamos. Lumabas akong suot ang sando kong pantulog na may basa sa bandang dibdib ko kaya alam kong hurmado ang dulo ng dibdib ko.
Naglabas sya ng puting V-neck shirt na malambot at inabot sa akin sabay halik sa noo ko bago sya pumasok sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Pinalitan ko ang suot kong pan-itaas nang damit na binigay nya. Nahiga ako sa sofa bed kaharap ng pintuan. Kahit may nangyari na sa amin hindi ko parin dapat isipin na okay na akong matulog katabi nya. Malay ko bang hindi sya sanay may katabing matulog?
"what the heck?"kunot-noo nya akong tinanong habang hawak pa ang tuwalya niya, napaangat ako ng tingin sa kanya."bakit?" tanong ko.
"you'll sleep beside me" Inis syang lumapit sa akin at binuhat ako na parang bagong kasal at binagsak sa malambot nyang kama.
Binalot kami ng dilim matapos nyang ioff ang ilaw, tanging ilaw ng buwan at galing sa labas ang nagsisilbing ilaw sa kwarto nya nagyon.
Walang-imik syang nahiga sa tabi ko at niyakap ako mula sa likuran.
Kahit inaantok na ako, hindi parin pumipikit ang mga mata ko. Ito na ata ang unang pagkakataon na ayaw makisama ang mga mata ko sa antok ko.
Halos mag-iisang oras na akong nagkukunwaring tulog. Pero sya, sigurado na akong nasa wonderland na dahil banayad na ang bawat hininga nya.
Umilaw ang phone kong naiwan sa sofa bed. Hinayaan ko nalang muna ito, natatakot akong maistorbo ang tulog ni George.
Umilaw ulit ang phone ko, emergency siguro. 12:30 am na. Sino kayang normal ang tatawag nang ganitong oras, maliban nalang kapag may emergency.
Tinaas ko ang braso ni George na nakabalot sa beywang ko ng dahandahan. Tumayo ako at nagtiptoe na naglakad palapit sa phone ko.
Pagdampot ko, bumungad sa akin ang pangalan ni Von. Naestatwa ako sandali at napaupo sa sofa. Hawak ko ang phone ko pero pinagmamasdan ko lang itong tahimik na umiilaw.
"bakit kaya sya tumatawag?" tanong ko sa isipan ko. Gusto kong sagutin para malaman kung bakit, pero ang isang bahagi ng utak ko ang ayaw gawin ito.
"baka naman may kelangan lang?" tanong ko ulit.
Sasagutin ko na sana, nang nag-end ang call. Napangiti ako. Ayaw na talaga siguro.
Napatingin ako sa dako ni George, mahimbing ang tulog nya at nakatalikod sya sa akin.
Bakit ko pa iisipin si Von kung may isang George namang nagpapasaya sa akin ngayon.
Nilapag ko ang phone ko sa sofa at babalik na sana asa bed nang umilaw ulit ito. Si Von ulit.
Wala sa sarili kong nasagot ang tawag. Hindi ako nagsalita pero tahimik akong nakikinig sa kanya.
"Trisha where the hell are you?" nagulat ako sa boses nya. Ito ang boses ni Von kapag nag-aalala sya sa akin.
"sabi ni Abby nagleave ka raw, Tell me where you are? Ill fetch you there!" napangiti ako. Napatalon ang puso ko sa sinabi nya.
Nanatili akong tahimik at walang boses.
"Trisha, i know i hurt you. But believe me, i care for you. I am an asshole in our relationship but i cant let anything bad happen to you. Where are you?"
Tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namalayan. Nagkagat ako ng labi para hindi ako makagawa ng ingay.
"im sorry?" aniya.
Napalunok ako nang ilang besis.
"i know your listening, im sorry. " dinig ko ang paghinga nya ng malalim sa kabilang linya.
"Alam mo naman diba? Gusto ko talaga si Megan. Alam mo yan, nasentro ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." natahimik sya.
"i want her but i cant let you go" sabi nya. Napangiti ako. After all, naramdaman nya rin pala ako. "im sorry Trish if i let you down." aniya.
Tumango ako kahit na alam kong hindi nya nakikita.
"can we still be friends" sabi nya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "yes, we can be friends Von" mahina kong sabi. "Sorry if i hold you too tight, hindi ko dapat ginawa yun."
"nah, its okay" ramdam ko ang relief sa boses nya. "are you okay?"
"oo, okay ako" nakangiti kong sabi.
"where are you now, gusto mo sunduin kita?" tanong nya. Napangiti ako, akmang sasagot na sana ako nang biglang may humila sa phone ko.
"Nah, no need! I can drive her home safe and sound, thanks for the call!" iritadong sabi ni George sa kausap ko sa phone. Nasa akin ang mga mata nya at halatang may bahid na pagkainis ito.
"Sino ka?" dinig kong tanong ni Von sa kabilang linya.
"well, i think its not appropriate to disturb someone at this time." nakataas ang kilay nya at nasa akin parin ito diretsang nakatitig.
Narinig ko ang tawa ni Von sa kabilang linya. "Abby, anong trip na naman to?" napangiti ako. Akala nya siguro ay pinagtitripan namin siya ni Abby. "sino to, Tangina!" inis nyang sabi.
"this is her boyfriend, stop bothering her!" at sabay baba ng tawag ni Von. Binagsak nya ang phone ko sa sofa at itinukod nya ang mga kamay nya sa mga beywang nya. Mariin nya akong tinitigan, magsasalita na sana ako nang hilahin nya ako bigla patayo at hinalikan sa labi.
"im not just playing around, im fucking serious about us!" sabi nya at niyakap ako.
"so dont dare to betray me, or else!" mariin nyang bulong sa akin na nagpangiti sa akin. Hindi takot ang naramadaman ko, kundi kilig sa lahat ng daku ng laman loob ko.
BINABASA MO ANG
On Leave
General FictionMinsan sa mga hindi inaasahang panahon dumarating ang mga pagkakataon. Sa mga oras na gusto mong mapag-isa at solohin ang sarili na walang kaagaw o istorbo. Pero paano kung sa oras na yun kusa namang magpapakita si Kupido at ikaw ang target nyang p...