Part 25

2.4K 83 0
                                    


CHAPTER 25 - Dance Floor

Sa amin sumama sina Odet at Abby. Inimbita kami ni Boo na kumain sa labas. Kami ang nagdecide kung saan kakain, kaya naman pinili namin ang paborito naming kainan sa isang eat all you can.

Napapansin ko na panay ang tingin ni Boo sa akin, nakakaramdam ako ng kilig at pag-init ng pisngi ko pero kinokontrol ko lang ang sarili ko.

"hindi ako makapaniwala na nakabingwit ka ng ganito ka gwapong isda sa camiguin bess, yung totoo sa pacific ocean ka ba dumaan?" seryosong tanong ni Bess na kinatawa namin lahat.

"hindi ah, sa beauty nya bess parang mas malayo pa ang nilayag at sinisid ni Shy sa dagat makabingwit lang ng ganitong mukha" naglahad pa ng kamay si Odet na kinatawa naman ni Boo.

"grabe naman kayo, dito ko lang to nabingwit sa manila Bay, pero nakaswerte lang kasi isang sisid lang nakakuha agad ako, extra special pa" sabi ko na kinatawa ni Boo, kinilig ako sa tawa nya na may kasama pang yakap.

"so ibig sabihin taga rito ka lang sa manila?" tanong ni Odet.

Tumango si Boo.

"half ka ba?" tanong ni Odet.

Tumango ulit si Boo.

"anong half-blood ka?" si Abby ang nagtanong.

"italian" tipid nyang sagot.

Napatango ang dalawa sa kanya. Marami pa silang naisipang itanong, nagmukha tuloy interview portion ang dinner namin. Isang tanong at diretsong sagot naman ang binibigay ni Boo.

Halos dalawang oras kaming tumambay sa paborito naming kainan bago kami nagtulak pauwi. Hinatid namin si Odet bago sa aming bahay.

Pagdating sa bahay, naunang pumasok si Abby at nagpaiwan ako.

"pwede sa akin ka muna matulog ngayong gabi?" paglalambing nya, hawak nya ang kamay ko at hinahalikan nito.

Napangiti ako at tumango, namiss ko na sya ng grabe, ipagkakait ko pa ba ang pagkakataong ito.

Pumasok kami sa bahay, pinaupo ko sya sa salas namin habang naghahanda ng mga damit na dadalhin sa pagstay ko sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto ni Abby at naabutan syang nasa harap ng laptop nya. Facebook na naman siguro ginagawa ng babaeng ito.

"Bess doon muna ako ky boo, may pupuntahan kami ngayong gabi na kaibigan, sa kanya nalang ako matutulog" sabi ko at pigil na pagtawa lang ang sinagot nya sa akin at pagtango.

"ano na naman yang nasa isipan mo?" nakanguso kong tanong.

Umiling sya at napatawa. "alam ko namang ikukwento mo yan sa akin diba?" tanong nyang may halong kakaiba.

"che!" sagot ko at tumayo na at lumabas.

Tama naman talaga ang nasa isipan ni Bess, imposibleng walng mangyari sa amin ni boo tonight, meron pero kahit na, alam kong kasalanan man ang naglalaro sa isipan ko pero excited parin ako dahil namimis ko na sya. Tatlong lingo na kaming hindi nagkikita, namimiss ko na sya, sobrang miss.

Nagbalot ako ng mga damit kasama na ang isusuot ko para bukas sa office. Nagbihis ako ng damit, sabi kasi ni Boo ay may dadaanan kami.

Paglabas ko naabutan ko syang may katext sa phone nya, tumikhim ako para makuha ang atensyon nya. Mabilis nyang ipinasok ang phone nya sa bulsa nya at tumayo para kunin ang dala kong bag.

"let's go?" nakangiti nyang tanong.

Tumango ako at sabay na kaming lumabas ng bahay namin ni Abby.

On LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon