TWO::

23 0 0
                                    

"What is evil, whatever springs from weakness"

------

ZIANNE P.O.V

Maaga pa lang, pero gising na gising na ako. Well hindi naman ata ako nakatulog eh. Nakatunganga lang akong nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa kisame.

Sawang sawa na ako. Ayaw ko na. Gusto ko nang mamatay. Letseng buhay to.

Pumatak na naman ang mga luha ko nang maalala ko ang ginawang kahayupan nanaman mg demonyong lalaking yun.

Tumagilid ako , kaya napunta sa table ko ang aking paningin. Nakita ko ang picture namin ng mommy ko. Masaya kami kasama ang tunay kong ama sa larawang ito. Kung pwede lang sanang bumalik sa nakaraan.

Kung hindi lang dahil sa ina ko, matagal ko nang napatay ang demonyong yun, oh di kaya ay matagal na akong lumayas dito.

Ilang minuto akong nanatili sa pwestong yun, na patuloy pa ring umaagos ang aking mga luha nang biglang may kumatok.

Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko at tumayo.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago buksan ang pinto.

"Oh.m-mommy! G-good morning po. Good morning din po...d-dad!"

Pwe! Nakakasuka kang demonyo ka.

"Goodmorning din anak! Ahm anak, hihingi sana ako ng favor, may mag iinterview kasi about sa school natin, pwede bang ikaw nalang ang humarap sa kanila, kasi pupunta kami mg daddy mo kay Dr. Michael Mann."

"Ok po mom!"

"mamaya pa namang 6 pm yun anak, sa wrengent hotel ang venue ng interview."

tumango lang ako bilang tugon.

"Thank you nak, i love you!" Saad niya at umalis.

Bago sila tuluyang nawala sa paningin ko, lumingon pa ang step dad ko.

Pabagsak kong sinarado ang pintuan.

Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa mommy ko.

Dumiritso na ako sa banyo upang maligo.

Humarap ako sa salamin at napansin ang kwintas na bigay ni daddy. Hinawakan ko ang pendant nito, na isang crucifix.

"Anak, ingatan mo yan, gaya ng pag iingat ng Diyos sa atin. Lagi kang magp-pray sa Kanya ah, dahil di niya tayo pababayaan. Lagi mo yang isusuot."
Bigalng bumalik sa akin ang panahon na sinusuot ni daddy saakin ang kwintas na ito.

Kalokohan. Tinanggal ko ang kwintas at tinapon sa basurahan.

Psh . Diyos? May Diyos ba? Kung meron man, wala siyang kwenta.

Ilang beses na ba akong nagdasal sa tinatawag na Diyos na yan?

Iniingatan? Psh, kaya pala nagkadaletse-letse na ang buhay ko dahil sa pagiingat niya sakin?

Ilang beses na ba akong nagdasal? Ilang beses akong humingi nang tulong sayo noong mga panahong timang pa ako dahil sa paniniwalang nag exist ka nga? Pero ano? Walang nangyari, dahil hindi ka naman talaga totoo. Putangina ang nagpapaniwala sa supertisyos na yan.

Matapos kong maligo, umupo ako sa harap ng computer.

*type*

ONLINE PHARMACY

Drug for abortion

*search*

Nakapagdesisyon na ako. Tutal naman galing sa demonyo ang batang to, mabuti pang burahin nalang ito habang maaga pa.

Kung sana lang hindi mo ko iniwan Jay, kung sana lang nanatili ka sa tabi ko... siguro may lakas pa ako ngayon...

"Zia, Boyfriend mo ako, alam kong may problema ka... nandito lang ako, tandaan mo yan, handa akong makinig sayo!" Siguro nga'y napapansin na niya ang pagiging balisa ko nitong mga nakaraang araw.

"J-jay!!" Umiiyak na saad ko.. nasa plaza kami ngayon.. Napagdesisyunan ko nang sabihin sa kanya ang totoo.. hindi ko na kayang kimkimin to..

Napahikbi nalang ako.. hindi ko alam kong paano ko sasabihin sakanya.. baka, iwan niya ako... baka hindi niya ako matanggap..

"Zia,, sshh!" Niyakap niya ako..

"M-matatanggap mo ba ako Jay!" Anas ko hakba nasa mga bisig niya..

"P-pano kung malaman mong m-marumi ako!" Muli akong humagolgol.

"A-anong ibig mong sabihin Zia?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mata..

"J-jay!!! Ang st-ep d-da ko...... h-hayop siya!!"

Natulala siya sa sinabi ko't niyakap muli ako..

"Gago siya!! Mapapatay ko ang gagong yun!! Gago siya!! " mahinang saad niya, ngunit batid kong galit na galit ito.. at umiiyak..

"I'm sorry Zia.. hindi kita nagawang protektahan!"

Tama ka Jay. Handa ka ngang makinig sa problema ko.

Pero di mo ko handang samahan. Nakinig ka lang.. wala kang ginawa.. pinakinggan mo lang ako..

*knock knock knock*

Agad kong tinungo ang pinto upang hindi na siya pumasok pa sa loob ng kwarto ko..

"Mam, Zianne, si sir Jay ho nasa baba!" Saad niya..

"Paalisin mo siya,!" Saad ko

"Ho?"

"Ayaw kong makipag usap sa kanya manang!"

"Ah, sige po mam!"

Tsk.. bumlik ako sa harap ng computer, nang makabili na ako online ay ini off ko na ito..

Habang naghahanda na ako para pumasok ay may kumatok na naman.

"Mam, hindi daw po siya aalis hanggat di kayo nakakausap!"

*sighs*

"Sige manang ako nang bahala sakanya!"

Pagbaba ko ay nadatnan ko nga si Jay na nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Zia!" Tumayo ito.

"Zia,.. matutulungan kita, pero hindi sa paraang gusto mo, magsumbong tayo sa mga otoridad." Mahinang saad nito nang makalapit ito sa akin.

"Tapos na ako jan Lourhd Jay." Saad ko

"Maari kanang umalis.. hindi na kita kailangan.. wag ka nang makialam sakin!" Dagdag ko pa at tiningnan siya ng diritso sa mata

"Zia... " nilagpasan ko siya, ngunit bigla niya akong niyakap..

"Mahal na mahal kita Zia!, please don't do this to me..."

Mga ilang segundo din siguro kaming nanatili sa posisyong iyon. (Nakatalikod ako habang yakap niya)

"Huling tanong Jay, papakasalan mo ba ako ?"

"Oo Zia...pero.."

Tsk.. hindi mo nga kayang talikuran ang pamilya mo..

" pero hindi ngayon? Tsk, eh ngayon ko nga kailangan diba!"

"Di bale nalang... maysecond option pa naman ako!" Dagdag ko, tsaka kinalas ang pagkakayakap niya sakin..

"Zia..."

Di ko nalang siya pinansin.

the MIRACLEs in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon